23: The Unexpected Arrangement

38K 419 140
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 23: THE UNEXPECTED ARRANGEMENT


I heaved a deep sigh.

"Lalim ng buntong hininga natin ah?" Napadilat ako at nakita si Yian na umupo sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa library. Nakapangalumbaba ako habang nakaharap kay Yian.

"Bakit? Is this about your debut again?" Tanong ni Yian habang sumisipsip sa chuckie niya. I mentally shook my head. Ang laki-laki ng sign na nagsasabing bawal kumain o uminom sa loob ng library tapos 'tong babaeng 'to balak pa atang ipangalandakan ang chuckie niya.

"Oo at hindi. Halos every week na ako pinapapunta ni Mom doon sakanila. Lagi na rin nga kami lumalabas para kumain kasama ang pamilyang Davis. Medyo naiilang pa naman ako kay Logan at Vinny. Yung isa mailap tapos yung isa mataray."

"Okay lang yan at least may pogi kang kasama." Sabi niya na tila kinikilig. "Ang pogi kaya nyan ni Logan Davis, ang problema nga lang ay may pagka-suplado siya."

"Wala naman akong interes sakanya.." 

"Ay oo nga pala, may Ulap ka na." I just rolled my eyes. "Maibalik nga sa debut mo, bakit ka namomroblema doon eh sina Tita naman na ang bahala sa lahat? You don't have to do anything except sit still, look pretty." 

"Okay lang naman sana saakin mag-debut. Ang problema ko lang ay parang ginagawa iyon nila Mom na paraan para ipangalandakan ang nagiisa niyang babaeng anak for business purposes." Nanunuya kong sabi. 

"Well that does suck." Napasimangot naman siya nang mapansing wala nang laman ang chuckie niya. Binaba niya ito sa mesa at muling binalik ang tingin saakin, "think of the bright side nalang. At least may libreng pagkain." She added before grinning.

Marahan akong napangiti. "Well, may point naman."

"See? Now cheer up!" Sabi ni Yian at ngumiti.


"What?!" Sabay naming sigaw ni Logan. Bahagya pa akong nagulat dahil sa pag-sigaw niya dahil ito ang unang beses na nagpakita siya ng ibang reaksyon.

"Bakit parang gulat na gulat kayo?" Natatawang tanong ni Uncle Clyde, "hindi ba halata na iyon ang punto ng numerous dinner meetings natin?"

"P-pero.. I'm too young pa po." Nagpapanic kong paliwanag.

Please tell me this is all just a big nightmare.

This may sound cliche but ang mom ko pati narin ang mga magulang ni Logan ay gusto kaming ipasok ni Logan sa isang arranged marriage. Upang mas maipalago raw ang kanilang mga negosyo, nakabubuti daw na ipakasal kami sa isa't isa. Matagal na daw nila itong plinano at nagpapakiramdaman lang kung kailan nila sasabihin saamin ni Logan.

"Don't worry Louise hija, you're not getting married naman agad. I-eengage lang kayo to seal the deal." Nakangiting sabi ni Auntie Eva.

"Besides Louise, nasa tamang edad ka na nun sa pagpasok sa isang relasyon." Kumento naman ni Uncle Hans.

"B-but Logan and I are just friends." Pilit ko paring pagpapaliwanag.

"You'll learn to love each other." Tugon ni Uncle Clyde, "Eva and I were also married because of business purposes but we learned to love each other."

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon