10: Do you wanna go on a date with me?

86.5K 995 155
                                    

If you are an old reader, I would suggest reading from the beginning since there has been a couple of changes in the flow of the story and characters as well. Thank you :)

THIS CHAPTER HAS BEEN EDITED.

- -

CHAPTER 10: DO YOU WANNA GO ON A DATE WITH ME?


Magkasama kami ni Crime na naglalakad habang nagk-kwentuhan. Kanina ay kasama namin si Yian ngunit umalis na siya dahil may pupuntahan daw siya.

"Bea, may sasabihin ako." Napalingon ako sakanya at napansin na seryoso ang eskpresyon niya. Nagtaka naman ako.

"Ano 'yun?"

"Naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong niya.

Napaisip naman ako. "Hmm, hindi ko sure. Pwedeng oo, pwedeng hindi." Napatigil ito at seryosong nakatitig sa mga mata ko kaya napatigil rin ako.

"Maniwala ka." Sabi ni Crime. "Totoo ang reincarnation kasi lagi akong nananaginip na nasa ilalim ako ng lupa, kaya naisip ko na siguro sa past life ko ay dati akong patatas."

Hindi ko maiwasang mapatawa lalo na nung mapansin ko na napakaseryoso nito.

"Girly!" Napalingon naman ako dahil sa isang pamilyar na boses. Pati si Crime ay napalingon rito.

Nakita ko si Zoey na kumakaway habang suot ang isang malaking ngisi. Katabi nito si Aria na wala paring ekspresyon ang mukha.

"Kilala mo yan, Bea?" Tanong ni Crime. Napalingon naman ako sakanya.

"Oo, teka puntahan ko lang." Aalis na sana ako nang hawakan ni Crime ang braso ko.

"Mauna narin ako Bea ah, may gagawin pa kasi ako."

Tumango nalang ako kaya umalis na siya at ako naman ay dumiretso sa pwesto nila Zoey. Nandito sila sa bleachers sa field.

"Sino yun? Boyfriend mo? Cute siya ah, kaso maliit." Sabi ni Zoey na nakangisi.

Natawa naman ako. "Hindi ko yun boyfriend. Kaibigan ko mula high school. May sayad 'yon."

Tumango naman ito at pinat ang upuan sa tabi niya. Nakuha ko naman ang sinasabi niya at naupo sa tabi niya. May yakap yakap akong mga libro kaya binaba ko yun sa tabi ko. Kinuha naman ni Zoey ang isa at tinignan.

"Why are you carrying so many books? Are you a nerd?" She snorted before returning the books beside me.

"Para sa psych class ko yan." Sagot ko nalang.

"Just 'cause someone carries a lot of books doesn't mean they're a nerd." Rinig kong sabi ni Aria. "But you wouldn't understand because you're lazy." She added and rolled her eyes.

Napasinghap naman si Zoey bago itapat ang kamay sa kanyang dibdib na tila ba nasasaktan. "You hurt my feelings, Riabells."

"Shut up. Kailan ka pa nagkafeelings?"

Zoey grinned. "Joke lang! Feelings are for losers!"

"Pero may gusto sa taong may girlfriend na." I heard Aria mutter under her breath. I swear for a second there I thought I saw Zoey's grin falter but when I looked at her again her expression looked the same; she's still grinning.

Napatingin naman saakin si Zoey. "So asan friends mo?"

I shrugged, "may klase yung iba and I don't know about the others."

Nanahimik siya at makalipas ang ilang saglit ay tumayo siya at muling nagsalita.

"Do you play soccer?"

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon