"JENNY"

433 10 9
                                    

I

"Jusko..ang bigat. Parang weights!" bulong ko sa sarili habang hirap na hirap na buhat-buhat ang dalawang maleta ko papunta doon sa bahay ng kaibigan ko sa may Quezon Ave.,  "...pero keri ko 'to.  Heart break nga kinaya ko. Maleta pa kaya?"

     Nagkayayaan kasi ang mga kaibigan ko na mag-road trip sa Norte. Mahaba-haba kasi ang bakasyon at para din makapag-relax ako at makatakas sa stress from work kahit na second time ko ng mag-roadtrip sa Norte.

     First time kasi nilang pumunta doon at ako ang magiging guide nila.  5 days kaming mawawala, from Wednesday to Sunday, at tatlo kaming aalis. Ako, ang bestfriend kong si Liz at ang boyfriend niyang si Dondon. Lumang kotse ni Dondon ang gagamitin namin. Oo, sana ay umabot kami sa pupuntahan namin. Pinag-mamalaki kasi ni Dondon na kung saan-saan ng lupalop ng Luzon nakarating ang sasakyan niyang pinangalanan niyang Kiko.

Alas-onse ng gabi ang call time namin sa subdivision nina Dondon at 11:30 p.m. ako nakarating kaya pinagalitan nila ako dahil super mega late ako.

12 a.m. na kami naka-alis sa subdivision. Si Dondon ang driver, si Liz sa passenger's seat, at ako sa likuran.

Nasa kalagitnaan na kami ng NLEX, habang nagdi-drive si Dondon, may binulong sa kanya si Liz, at pagkatapos ay tinanong ako.

"Jen, tanda mo pa ba yung last road trip mo?" tanong ni Liz na humarap sa akin.

"Alin? 'Yung sa Bicol?" sagot ko habang nag-aayos ako ng wallet ko.

"Hindi, di'ba sa Norte yung last road trip mo?" confirm ni Liz.

"Ahh oo." sagot ko lang habang patuloy pa din sa pag-aayos ng wallet.

"Maganda ba?" tanong ni Dondon habang nagdi-drive.

"Okay naman." sagot ko lang ulit.

"Hindi ka masyadong nagkwento dati sa last road trip mo Jen. Two years ago na 'yun di'ba?" tanong ni Dondon.

Medyo napakunot ako ng noo, "Wag mo ng itanong Don. Ayoko nang balikan 'yung dating road trip na 'yun." sagot ko.

Tumawa si Dondon, "Wahaw! Mukhang may something sa road trip na yun ah."

"WALA!" biglang sagot ko, "Hindi ko lang feel yung trip na yun." sabay irap ko.

"Kahit na meron??" sabay tawa ni Liz na may alam ang tono.

"Ano ba Liz. Nakamoved on na ako." sagot ko.

"Haha. Talaga ba beh?" pang-aasar ni Liz.

"Kanino ba?" tanong ni Dondon.

"Wala Dondon. Naku ha." sagot ko.

"Kanino pa ba? Isa lang naman naging boyfriend niyang ni Jen." sabi ni Liz. "Kay Miguel!"

"Ahh yung Miggy?" supresa ni Dondon.

"Sinong Miguel? Miggy?" bulalas ko.

"Kunwari ka pa!" asar ni Liz.

Haynaku, magsisimula na naman silang mang-asar. Teka ano 'yun? Amoy usok.

"Parang amoy usok." tanong ko ng may maamoy akong something usok.

"Wag mong ibahin ang usapan beh." sabi ni Liz.

"Oo nga, amoy usok!" sabi ko, "Iparada mo nga muna Dondon diyan sa gasoline station. I-check natin."

Pumasok kami sa isang malaking gasoline station sa NLEX at pumarada.  Bumaba kami at chineck ni Dondon ang harapan. Pagkabukas niya ay biglang umusok ng marami.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon