"HOT SPRING"

164 6 1
                                    

II

Alas-quatro na ng madaling araw ng ginising ako ni Liz.

"Beh, gising na. Nasa Pangasinan na tayo." bulong ni Liz sa akin.

Tumango lang ako pero nakapikit pa din.

"Beh, gising na, magha-hot spring na tayo." tuloy ulit ni Liz.

"Oo na." sabi ko pero nakapikit pa din ako.

"Beh, gising ka na diyan beh." sabi ulit ni Liz.

Tumango lang ulit ako.

Medyo tumaas na ang boses ni Liz, "Beh, bangon na. Padaanin mo kami! Nakaharang ka e! Kanina pa kami dito sa likod ni Tessie oh! 'Wag ganon beh!"

Doon lang ako naalingpungatan talaga atsaka bumangon, "Sorry naman."

Madilim pa sa labas. Walang tao kung hindi kami lang. Nasa taas daw kami ng bundok ng Balungao sa Pangasinan. Rinig na rinig ang mga kuliglig. Maraming matataas na puno at bato-bato. Bukas ang dalawang hot spring pool na naiilawan lang ng mga nakapalibot na light bulbs.

Excited na nagsalita si Rodney. "Yohon! Solo natin ang hot spring! Tara na babad na!!" hinubad na ni Rod ang pang-itaas niya. Kita ang mga tattoo niya sa braso at sa likod.  Maganda ang pangangatawan nito dahil mukha siyang nagji-gym.

Bumulong si Liz sa akin, "Beh, ganda ng katawan ni Rodney noh? Sayang. Sana katawan na lang siya."

Sumagot ako ng pabulong "True! Prawn! Hipon!"

At sabay kaming humagikgik.

"Oh? hindi pa ba kayo magbababad?" tanong ni Dondon, "Tara na! Love?" sabay hubad sa t-shirt niya at punta na sa hot spring.

Bumulong ako kay Liz, "Yung love mo naman, ano...Lollipop!" ngisi ko, "Sana naging ulo na lang siya."

"Wag ka naman ganyang beh, mahal ko yan kahit ganyan 'yan." sabay siko ni Liz sa akin.

Nagsalita ulit si Liz "Beh, ayun. Tingnan mo. Ayan ang buko! Perfect! Walang tapon! Mula ulo hanggang paa!" sabay turo mula sa malayo.

"Sino?" tanong ko.

"Ayun oh! Si Ex-factor!" habang turo-turo kay Miggy na nagtanggal ng pang-itaas. Maganda ang katawan nito at malakas ang dating. Gwapo din ang mukha nito.

Sumagot ako kay Liz, "Bulag ka beh? Hello?! Ito siya tingnan mo ko!" at nag-sign language ako na sumusuka. "Ganon! Ganon siya."

"Sus! If I know! Gusto mo nang pumunta doon at yakapin ang makikisig na katawan ni Miggy Carlos!" sabi ni Liz.

Nagulat ako "Wow! Excuse me. Over my dead body! Hindi ko na pinangarap yan noh. Hello?!" sabay roll eyes. "Asan na pala si Tessie?"

"Ayun beh oh!" sabay ngisi ni Liz habang tinuturo sa malayo si Tessie na naka-bikini. "Ayan!! ayan ang confidence!"

Sumagot ako, "Ay, iba din!!! Iba din. Ganda e noh? Sexy diba? Walang kacurves-curves!"

Ngumisi kaming pareho ni Liz.

"Huy! Magpatulog kayo!" reklamo ng isang care taker na natutulog lang pala sa likuran namin. "Ingay-ingay. Madaling araw na madaling araw, tsismisan nang tsismisan."

Nagulat kami ni Liz at umalis na patungong comfort room para magpalit ng damit pangpaligo. Kaloka si Manong!

Maglulublob na kami ni Liz sa hot spring na umuusok. Pareho kaming naka-tshirt at mini-shorts. Hindi namin keri ang confidence level ni Tessie kaya hanggang t-shirt at shorts lang kami.  Nakalublob ang tatlong boys at si Tessie.

Pagkalublob, grabe. Ang init!!!

"Sa umpisa lang 'yan!" sabi ni Rod. "Magiging normal din yan maya-maya."

"Ganon? Okay sige." sabi ko at sabay lumublob.

Umubo-ubo si Miggy. "Ehem. Ehem."

Napatingin ako sa kanya. Inalis nya ang tingin niya sa akin. Aba, akala mo naman! Kinausap ko si Liz. "Liz, baka mas okay yung tubig sa kabilang pool, lipat tayo?"

"Okay na dito beh!" sabi ni Liz habang katabi si Dondon.

Inaya ko na lang si Tessie. "Tessie, gusto mo i-try yung kabilang pool?"

Buti naman at pumayag si Tessie-girl at lumipat kami sa kabilang pool. Akala naman kasi noong isa doon, sa kanya yung hot spring.

Pagkalulob, siomai! Mas mainit siya! Pero panindigan, go! Lumublob kami ni Tessie.

"Ang sarap ng tubig noh?" sabi ni Tessie, "ang sarap sa pakiramdam."

"True!" sabi ko habang finifeel ang maligamgam na tubig sa madaling araw. Relaxing.

"Mahilig ka din bang mag-road trip Jen?" tanong ni Tessie.

"Dati, nagro-road trip ako." sagot ko.

"Talaga ba?" sabi ni Tessie. "Sinong kasama mong nagro-road trip dati?" tanong niya.

"Hmmmm.." di ko alam ang isasagot ko kung pwede ko bang sabihing si Miggy. "Mga friends ganun. Keri naman." Tango ko na lang.

"Kami natuto lang kaming mag-road trip dahil kay Carlos." panimula ni Tessie. "Magmula ng dumating siya sa company, ayun. Lagi kaming nagjo-joy ride."

Napatingin ako kay Miggy sa kabilang pool, "Adventurous pala siya." sabi ko na lang kunwari.

"Di ba kilala nyo siya?" sabi ni Tessie.

Nagulat ako.

"Kilala niya si Liz kanina ah?" tanong ni Tessie habang may kinukuha doon sa pouch niya na malapit sa side ng pool.

"Ha? Ano? Ano ulit yon?" sabi ko.

"Di ba kilala niya nyo si Carlos?" tanong ni Tessie. "Hindi ba?"

"Ay. Ang ganda noong usok oh. Kitang kita! Sarap picturan sa phone." sabi ko na lang habang turo-turo ang mga usok.

"Ay oo nga no? Picturan ko lang." Kinuha niya yung phone niya sa pouch, "Picturan mo naman ako dito Jen,  yung kita yung usok-usok."

"AY SURE!" ngiti ko sabay kuha sa cellphone nya.

"Pagkatapos, kuhaan din kita ng solo." sabi ni Tessie, "Tapos selfie tayong dalawa. 'Wag na groufie, hayaan mo na sila sa kabilang pool." sabi ni Tessie na ume-emote sa pose. Iba din talaga 'tong girl na 'to.

Mag-aalas sais na ng matapos kaming maligo. Medyo sumisikat na si haring araw.

"Ako naman ang magdi-drive." sabi ni Dondon. "Para naman makapahinga ka muna tol." sabi niya kay Rodney.

"Oh before tayo umalis" sabi ni Tessie habang sineset up ang selfie stick, "Groufie muna tayo!"

CLICK!

Umalis na kami sa Balungao, Pangasinan para pumunta na sa La Union. Si Dondon ang driver, si Rodney sa passenger's seat, ako at si Liz sa gitna. At si Tessie st yung isa sa likod. Ang sarap ng pakiramdam kaya nakatulog ako sa biyahe.

----

(to be continued..)

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now