"BAGNET"

74 2 3
                                    


Pagbalik ko sa Cordillera hotel, bago ako pumasok ng hotel. Chineck ko muna ang sarili ko. Hindi na ako masyadong namumula.

Pagpasok ko, nakita ko agad ang mga
kasamahan ko sa lobby. Nakaupo si Rodney habang nakadequatro at nakashades. Si Dondon at Liz naman nagpipicturan sa hagdanan. Si Tessie na nagcecellphone at kumakain ng ubas. At si Celine nagtatanggal ng split ends.

"Oh andito na pala si Jen." sabi ni Rodney at sabay tinuro ako habang nasa entrance ako ng makalumang hotel.

"Saan ka na naman umawra beh? Kanina ka pa namin hinihintay, baka masaraduhan na tayo doon sa Bahay ni Crisologo at sa pagawaan ng Burnay. Nagsolo ka na naman." sabi sa akin ni Liz at biglang umusog para magkaroon ako ng pwesto doon sa inuupuan nila.

"Wala. Diyan-diyan lang. Nagpahangin lang ako." sabi ko sabay humingi ng ubas kay Tessie na bagong tirintas ang buhok. Si girl, bumebraid.

"Oh andyan na din si Carlos!" turo ni Rodney sa kakapasok lang na si Miggy.

Bigla akong nilingon ni Liz. Tiningnan ako ng may conspiracy. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Mag-isa pala ha." bulong ni Liz sa akin ng may conspiracy pero nakangiti. "Umamin ka. umamin ka." sabay siko ng siko sa akin.

"Ha?" pagtataka ko kay Liz.

Anong aaminin ko? Na lumabas kami ng mokong na yan? Hello?! Bakit naman ako lalabas kasama yang si Miggy? Over my dead body.

"Tara na?" aya ni Rodney sabay inayos ang shades at tumayo na sabay flex-flex ng muscles.

"Mukhang pawis na pawis ka Carlos ha?" sabay pacute na punas ni Celine, na nakamicro shorts, sa mukha ni Miggy.

Napatingin ako sa babaeng hitad. Juice ko! Kung makapag-shorts, kita na singit at pisngi ng pwet! Ang ikli!

Punas pa din ng punas si Celine sa mukha ni Miggy. Medyo lumalayo ng konti si Miggy. Pero hindi pa din tumitigil si Celine.

Medyo tumataas na kilay ko. Talaga namang linta talaga tong babaeng braces na to. Dikit ng dikit.
Hindi na ko nakapagpigil. Tumayo na ako.

"Celine." mahinahon kong tawag sa kanya.

Nilingon ako ni Celine pero tuloy pa din sa pagpunas. Aba! Ginawa na niyang santo yung lalaki! Huy! Walang himala jan!

"May nakalimutan ka ata." pangiti kong sabi sa kanya.

"Ano yun?" pacute na tanong ni Celine sabay check sa sarili at chineck din nya yung bag niya. "Wala naman akong nakalimutan ate."

"Nakalimutan mo atang mag-shorts?" sabi ko sa kanya at umalis na ako.

Humagikgik yung mga kasamahan ko. Pati yung receptionist.

"Maikli ba?" pacute na tanong ni Celine habang hawak-hawak sa micro-shorts. "Nahahabaan pa nga ako dito e."

Maghubad ka na kaya? "Hindi na ako sasama sa tour, matutulog na lang muna ako." Sabay akyat ko sa hagdanan.

Hindi naman nila ako napigilan, dahil pabebe warrior
ako, walang makakapigil sa aken!

Umakyat na ako ng hagdan. Pagod na kasi ako. Sila kasi nakatulog na, ako hindi pa. Nakakapagod kasi ang maglakad sa initan.

Buti pa ang katawan, pag nakapagpahinga, marerecover na ulit yung energy. Pero paano yung pagod ng magmahal?

Umakyat na ako sa kwarto at natulog.

---

Paggising ko. Inaya na nila akong maghapunan. Wala akong gana. Pero sige, go. kesa naman magmukmok. ako dito. Kumain kami sa isang restaurant doon sa may Calle Crisologo. At ang inorder namin ay Bagnet.

Nakaupo kami sa long table. Si Liz at Dondon ay magkatabi at ang kaharap nila ay sina Rodney at si Celine. Katabi ko si Liz at ang kaharap ko ay si Miggy. Katabi ko sa kabilang side si Tessie. Nakipagpalit ako ng pwesto kay Tessie dahil ayaw kong kaharap si kumag.

"Tessie," bulong ko kay Tessie. "Palit naman tayo ng upuan."

Pinatayo niya ako at tumayo naman ako. Tumayo din si Tessie at pinagpalit niya yung upuan namin at sabay umupo.

"Ayan, nagpalit na tayo." sabi ni Tessie na tumitingin-tingin sa akin at kay Miggy. At biglang nag-ayiee.

Napabungisngis si Liz. No choice ako kundi umupo sa harap ng kumag.

Pag-upo ko. Sinerve na yung mga kanin at yung bagnet sa gitna namin. Kinuha ko ang tinidor ko at tumusok ng isang bagnet na may taba. Tumusok din si Miggy at saktong iisang bagnet lang ang pinagtusukan namin.

Awkward moment.

Nakangiti lang na nakatingin sina Liz, Dondon at Tessie sa amin.

Tinanggal nya yung tusok sa bagnet, "Sige, sa'yo na yan. Kuha na lang ako ng iba."

Tinanggal ko din yung tusok sa bagnet. "Hindi sa'yo na. Kunin mo na. Kesa humanap ka pa ng iba."

Nagulat yung mga kasamahan ko at sabay tumingin sa akin.

"...ng bagnet." patuloy ko. "Ibang bagnet."

Nangingiti lang sila pwera kay Miggy.

Hindi kinuha ni Miggy yung bagnet, "Ayaw mo ba na humanap ako ng iba?" tanong ni Miggy sa akin.

Nagulat sila Dondon and friends at napatingin kay Miggy

"...ng bagnet?" patuloy ni Miggy. "Humanap ng ibang bagnet."

Napamakeface ako.

Tinaas ko yung kamay ko at tinawag ko yung waiter. Lumapit yung waiter, "Kuya, additional, isang order nga ng longganisang vigan!"

Hindi pa nakapagsalita yung waiter at nagtaas din ng kamay si Miggy, "Waiter, ako din. Isang longganisang vigan! Yung may sukang iloko."

Aba! Gaya-gaya. Hindi pa siya tapos mag-order at nagtaas ulit ako ng kamay, "Ako longganisang vigan na may sukang iloko yung may sili!"

Nagtaas ulit ng kamay si Miggy, "Ako longganisang vigan na may suka, at sili. Dalawang sili. Yung maanghang na maanghang."

Grabe siya oh! Nagtaas ulit ako ng kamay, "Kuya, Isang longganisang vigan na ma...."

Ininterrupt na kami ng waiter, "Ma'am sir, wala na po tayong longganisang vigan."

"Sabi ko nga." bulalas ko, "May bagnet naman kami."
sabay turo ko sa bagnet.

Nakatingin lang sa akin sina Liz, Dondon, Rodney at Tessie. At kinurot ako ni Liz sa legs.

Napangiti lang si Miggy.

"Miggy oh! Say ahh." pacute na sabi ni Celine habang pinapasubo kay Miggy yung bagnet na nakatusok sa tinidor.

Napatingin ako sa kanila. Maharot. Naparoll eyes ako.

"Ma'am?" tanong ulit nung waiter, "may kailangan pa
po ba sila?"

Nakatingin pa din ako sa maharot na nagpapasubo ng bagnet, napabulong ako, "Kutsilyo." nakatingin lang ako sa kanila, "...may saksakin ako." bulong ko.

Nagulat ang waiter. "Po ma'am?"

"Joke lang." pangiti kong sabi. "Ikaw naman, okay na. Salamat."

Sarap manaksak.

---

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now