"KARAOKE"

84 2 3
                                    


Nakaupo kami sa isang table. Ako at yung mga girls. Nasa loob kami ng isang bar sa dulo ng Calle Crisologo. Hindi naman siya super high-end pero decent bar naman, yung sakto lang. Bandang dulo kami pwumesto para hindi masyadong matao.
Dahil hindi metro, happy hour package lang ang meron sila. So gumow kami sa Tanduay Ice Apple kahit ayaw ni Celine at gusto lang ay Margarita.

Ang sarap uminom sa ganitong sitwasyon. Sabi nga nila, if you cannot be happy, at least you can be drunk.

Dumating na ang order namin na bucket of Tanduay Ice Apple na may free na adobong mani at lechong chicken na nakaslice-slice na.

May karaoke sa may harapan at free ang kumanta. Hiningi agad ni Tessie yung song book sa waiter. Binigay na yung songbook na hindi updated. Puro classic songs lang. Siguro dahil probinsya.

"Bago kumanta! Isang round muna!" sabi ko sa kanila at sabay-sabay kaming uminom!

"Isa pa!!" aya ko. Nagulat sina Tessie at Liz.

"Nagmamadali beh?" tanong ni Liz. "Chill lang."

Nako. Walang chill-chill! Haayy. Minsan, kailangan mong gumive up sa isang tao, hindi sa wala ka ng care sa kanila, kundi, sila na ang hindi sayo. Tagos!

Kumanta na si Tessie at ang kinanta niya ay "Let's get Loud" ni JLo doon sa karaoke na may mga babaeng nakabikini sa screen.

Si Liz naman, walang kamatayang at tanging piece niya na "Breathless" ng The Corrs. Kuhang kuha na nga nya yung mga pakulot-kulot ng kanta at alam na alam ang lyrics kahit nakapikit pa siya.

Si Celine naman, kumanta ng "Alone" ni Heart. Ang kapal ng mukha! Kasing kapal ng make-up niya! Piyok ng piyok!

Narinig ko yung kabilang table bumubulong, "Ang ganda-ganda. Sintunado naman."

Check sa sintunado! False sa ganda-ganda! Hindi naman siya maganda, Malandi lang siya.

Uminom lang kami ng uminom. At pangatlong bucket na namin. Si Celine tipsy na. Ako din medyo nahihilo
na.

Turn ko nang kumanta! At ang kinanta ko ay "I will survive!"

Sinabayan ako ni Tessie at Liz at medyo umiindak
pa sila sa pagsabay. Si Celine nakahiga na ang ulo sa lamesa. Wala na sa ulirat.

Medyo tipsy na ako. Pagkatapos kumanta, tinanong ako ni Liz na alam ng nakainom na ako

"Beh, bakit mukhang di ka pa moved on?" pangiting tanong ni Liz.

"Mukha lang akong nakainom, pero di pa ko lasing Liz. Moved on na nga ako!" sabay sagot ko na tono na may konting tama.

"Ay oo nga! Bakit kayo naghiwalay dati ni Carlos? Kwento ka naman." sabi ni Tessie habang kumakain ng adobong mani.

"Wala akong ikwekwento." panimula ko, medyo namula na ilong ko. "Wala akong ikwekwento at nakamoved on na ako!" sabi ko sabay inom ulit ng tanduay ice. "Yang kasing si Miguel..."

Nagtinginan sina Tessie at Liz at nangumigiti. "Ano? Napano si Miguel?"

"...yang si Miguel!" patuloy ko. "yang hinayupak na Miguel. Bakit ganun?! Bakit ako iniwan? Bakit? Minahal
ko naman siya, tapos ganon? Ipagpapalit lang ako sa pangarap niya? Mang-iiwan siya! Hayop siya. Mang-iiwan!"

"Ehem..ehem!" pangiting ubo ni Miggy ng malumanay na kanina pa pala nakikinig. Kasama si Dondon.

Tumingin sina Tessie at Liz sa mga dumating. Tumingin sila sa akin. Awkward.

"Antagal nyo love, saan kayo galing?" pangiting tanong ni Liz.

"Wala, wala Love." pangiting sabi ni Dondon sabay akap at tabi kay Liz.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now