"SURF PA MORE"

109 5 3
                                    

V

Maya-maya ay dumating na kami sa Surfing Capital
of the North, ang San Juan, La Union. Mga alas-tres na ng hapon kami nakagarahe sa parking area ng Surfing Camp.  Mainit pa din at maraming tao. Maganda at malalaki ang alon sa dagat. Makikita mo na maraming nagswiswimming at nagsusurf sa dalampasigan. Naglakad-lakad kami. Maraming mga turista, mga pinoy at foreigners, ang nagsu-sun bathing.

"Dito na tayo pumwesto." sabi ni Miggy habang binaba ang bag ng dslr sa lamesa ng bakanteng cottage. "Sinong magsusurf?" tanong niya.

Nagtaas lahat ng kamay except sa akin. Ayoko na. Muntik na akong malunod dati.

"Hindi ka magsusurf beh?" tanong ni Liz.

"Pass na muna ako." sagot ko na lang.

"Magrerent na lang tayo ng surf board. Ako na lang ang magti-train sa inyo, mas makakatipid tayo." tanong ni Miggy. "Okay lang ba?"

Walang kumontra.  So umalis na sina Liz at Tessie para magbihis ng pangligo. Si Dondon at Miggy naman ay pumunta sa Surfing Board Rental. Naiwan kami ni Rodney para magbantay ng gamit sa maliit na cottage.

"Bakit hindi ka magsusurf?" tanong sa akin ni Rodney habang nagfle-flex ng muscles sa harap ko.

"Na-trauma ako. Muntik na akong nalunod dati. Hinimatay kasi ako matapos mauntog yung ulo ko sa surfboard, natumba kasi ako dati habang nagsusurf." sagot ko habang dinedemonstrate.

"Ahh sayang. Ayaw mo bang ulitin?" tanong ni Rodney.

"Ayoko na. Hindi ako naniniwala sa second chances. Tama na ang una. Natuto na ako. Ayoko ng masaktan pa ulit. Tanga na lang ako kapag inulit ko, kasi kapag inulit ko na naman, masasaktan ulit ako. Ayoko ng masaktan." ngiwi ko.

"Wow!" awkward na sagot ni Rodney kaya bigla
na lang siyang sumegue, "Ilang surf boards kaya ang nirent nila Carlos?" patuloy nito. Napatingin kami doon sa malayo. Doon sa surf board rental. Andoon si Dondon at Miggy. At may kausap silang maputing babae na nakatwo-piece.

"Oh hamburger nga naman oh!" Excited na bulalas ni Rodney na nakatingin kina Miggy. "Chicks!" Sabay hubad ni Rodney sa pantaas nito. "Wait Jen ha? Puntahan ko lang sina Carlos, baka mabigatan sila sa mga surf boards." tapos excited na tumakbo.

"Chicks pa more. Magsama-sama sila doon" biglang make-face ko.

Bumalik na sina Liz at Tessie. Si Liz, naka-rash guard. Si Tessie, another set of colorful bikini. Lakas ng loob ang peg nitong ni Tessie-babe!

"Hindi ka talaga magsusurf Jen?" tanong ni Tessie na nagpapahid ng lotion.

Umiling ako.

Hindi mapakali si Liz. Tingin ng tingin doon sa surf board rentals.

"Sino yung babae na yun?!" iritang tanong ni Liz.

Tumingin din si Tessie. "Anong ginagawa ng hinayupak na babae na yan dito?"

"Bakit sino nga ba yan?" tanong ni Liz na nakapamewang.

"Si Celine yan. Make-up artist ng company namin. Dikit ng dikit kay Carlos." sagot ni Tessie.

Nagpintig ang tenga ko. Napataas ako ng kilay. "Celine pala ha." bulong ko habang nakatingin sa kanila.

"Papansin yan. Gusto niya nasa kanya lahat ng atensyon." dugtong ni Tessie na naglalagay na ng lotion sa malalaki niyang legs.

Umalis na ang tatlong boys sa surf board rental at iniwan na si Celine.

Pagbalik sa cottage. May dala-dalang dalawang surfboards ang mga boys.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن