"PINAKBET PIZZA"

77 2 3
                                    



Nasa bilihan pa din kami ng mga souvenirs. Lumapit si Liam.

"Hi Jen! How are you?" sabi ng magandang boses ni Liam sa akin. Parang pumogi siya.. mas bumagay sa kanya yung gupit niya ngayon.

"I'm fine. I'm good. Kaw? Kumusta? Buti nandito kayo sa Norte. Sinong kasama mo? Who's with you?" pangiting tanong ko.

"Hi Liam!" bati ni Liz. "Remember me? Liz." pangiting singit ni Liz.

"Oh yes! Liz! The one from the event styling! How are you?" pangiting tanong ni Liam.

"I'm good." pangiting sagot ni Liz, "Meet my partner, Dondon." sabay pakilala ni Liz kay Don.

"Nice meeting you Dondon." sabay abot ng kamay ni Liam. Medyo hindi ata feel ni Dondon si Liam. Pero napilitang itong makipagkamay.

"Oh yes Liam." sabi ko, "Meet my friends. Co-travelers. Tessie." sabay turo ko kay Tessie na nagpapacute.

"Haller!!" sabay hawi ng hair sa tenga ni Tessie baby habang nagpapacute.

"Rodney." sabay turo ko kay Rodney.

"Hey man!" pilit na english ni Rodney.

"Yes?" pangiting tanong ni Liam.

"Ahh.. you're ano..you're ahm..nice meet you!" with local tagalog accent ni Rodney.

Medyo nangigiti ako.

"And Miggy." sabay turo ko sa nakatayong Miggy doon sa malayo.

Tiningnan ni Liam si Miggy. Biglang napakunot ito ng noo. "He looks familiar." sabi niya, "Is he the..?" tanong niya sa akin.

Haynaku. Intrigero talaga tong Liam na to. Buti na lang, kyu-mute ka.

"And I'm Celine." pacute na sabi nung babaeng braces sabay abot ng kamay. Ngumiti lang si Liam at nakipagkamay.

Ay? Nandito nga pala tong bruhang to.

"Who's with you again?" segue ko.

"Oh. I'm with my family. Remember them?" sabay turo niya sa sosyaling pamilya na papasok na sa pizzeria.

"Oh yes. Paano ko naman sila makakalimutan." sabi ko.

"Are you going to eat pinakbet pizza too?" tanong ni Liam.

"Yes. We're waiting lang for our turn." sabi ko. "Pang-apat pa ata kami." ngiti ko.

"Oh. Wait, I can talk to their staff. I'll tell them
that you guys are with us." sabi ni Liam.

"Wag na. Nakakahiya." sabi ko with hand gestures.

"You're so nice talaga Liam. Keri lang." patawang sabi ni Liz.

Medyo pasikreto kong tinampal ang baywang ni Liz.

"Okay. Wait." tumakbo si Liam at nakipagusap doon sa waiter.

Bumulong si Rodney sa akin na tila nayayabangan, "Sino ba yun? Yabang ah. Akala mo naman kung sino gwapo. Pashades-shades pa."

"Oh anong mayabang doon?" sabi ni Tessie, "Ang bait-bait nga e. Tsaka ang yummy. Ang ganda ng katawan."

"Malaki pa muscles ko dun noh!" sabay flex ni Rodney.

"Sino siya Ate Jen?" pacute na tanong ni Celine.

"Suitor ni Jen yun!" sagot ni Liz.

Biglang napatingin si Miggy sa amin.

"Hoy hindi ah. Imbento ka Liz!" sagot ko. Hindi naman talaga. Tong si Liz, bulaera.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now