"SANTORINI"

103 5 4
                                    

IV

Tanghali na kami nakarating sa Poro Point. Pumasyal kami sa high-end resort doon. Ang Thunderbird Resort.
Mainit at mataas ang sikat ni haring araw na siyang nagpapaliwanag lalo sa mala-Santorini, Greece like na design na resort.  Pumasok na kami sa loob ng restaurant nila at umupo sa isang long table.

Umorder si Rodney ng Tinapa Pizza. Good for 6 na yung pizza, sakto para sa amin. Okay lang na pizza ang lunch, kasi diet ako.

Gusto nilang magcheck-in dito sa Thunderbird, pero diniscourage ko sila. Ayoko dahil dito kami nagstay dati ni Miggy. Baka sabihin niya baka may gusto akong balikan.  At talagang idi-discourage ko sila dahil super taas ng rate ng rooms dito. Mahal!!!

Nagpicture-picture na lang kami, kasi totoo, ang lakas maka-picturesique ng lugar! Kahit mainit at masakit sa balat, pose lang ng pose sina Tessie, Rodney at Dondon sa gitna ng araw! Kinukuhaan sila ng litrato ng kumag na si Miggy.

Umupo na lang ako sa bar stool ng shaded area.  Tumabi sa akin si Liz. Baka aasarin na naman nya ako.

"Haynaku Liz! 'wag mo kong umpisahan." sabi ko.

"Agad-agad ba beh? Uupo lang naman ako, ikaw naman." sabay upo sa katabing bar stool. "Bakit ba kasi kayo naghiwalay dati?"

"Past is past." simpleng sagot ko.

"Hindi ka kasi nagkwento dati." sabi ni Liz.

"May mga bagay na sinasarili na lang, hindi na pinagsasabi. Kasi minsan, lalo lang lumalaki pag shineshare sa iba, hindi madaling makalimot." sabi ko na lang.

"Okay. Bahala ka. Ikaw din. Baka matulungan kita." sabi ni Liz habang nags-scooch sa bar stool.

"Okay na sa akin na alam ko na andyan ka parati na sumusuporta. Sapat na yun." seryoso ko sa kanya.

"Beh naman e!" biglang sandal niya sa isang balikat ko. "Given na yun as a super close friend."

Lumapit sa amin si Rodney at nagpakitang gilas. Hinubad niya ang tshirt niya matapos niya sabihing ang init ng panahon.

"Hey girls." sabi niya sa amin dalawa. "Ang init no?" sabay upo sa gilid naming dalawa.

Ngiting pilit lang ang sinukli namin ni Liz.

"Beh,  gusto ko yatang kumain ng sinigang na HIPON." sabi ni Liz sa akin.

"Ay ako TEMPURA!" sagot ko sabay lakad na kami palayo.

"Teka, kakakain lang natin ah?!" sigaw ni Rodney sa amin na iniwanan namin sa pwesto. Grabe! Ibang klase kase!

----

Sa grandia, pinagtripan ako ni Liz at pumwesto siya sa likuran, silang dalawa ni Tessie.  Kaya kaming dalawa ni kumag sa gitna.   Sa tabi ako ng bintana, at siya naman sa tabi ng pintuan.  Pwinesto ko sa gitna namin ang maliit na backpack ko para naman may gap pa din kaming dalawa.  Bago umandar, chineck kami sa rear mirror ni Dondon na siyang driver namin.

"Sa San Juan, La Union na tayo ha?" sabi ng driver. "Surfing-surfing na!!!"

Nagpalakpakan ang lahat, bukod sa aming dalawa.  Nabuburyang ako. Alam ko lang na katabi ko 'tong kumag na 'to, nayayamot na ako.

"Ang sarap ng Tinapa Pizza no? Gusto ko ulit balikan." sabi ni Tessie habang ngumunguya ng ubas.

"Tama. Pati yung place, maganda. Parang wala ka sa Pilipinas." dagdag ko.

"Maganda nga yung place beh." dagdag ni Liz at Tessie.

"Pag maganda ang lugar? Hindi na agad Pilipinas?" singit ni Miggy na nakatingin sa labas ng bintana.

Aba sumisingit. Tumingin lang ako sa kanya at nag-slight make face. Nagkaroon ng konting katahimikan.
Nagtitinginan lang ang mga kasamahan namin sa sasakyan. Kumag talaga.

"AY GRABE!" biglang sigaw ni Tessie. "255 likes na yung picture natin sa grapes farm!"

"Ay oo nga no? galing naman." sabi ni Liz pagkatapos niyang tingnan ang phone ni Tessie. "Love, wag masyadong mabilis magmaneho, hindi tayo nagmamadali."

"Mabilis ba?" tanong ni Dondon.

"Oo Dondon, medyo mabilis." sagot ko.

Tumingin sa akin si Dondon sa rear mirror.

Sumigaw si Rodney, "Tol may pusa!!" turo nito.

"Ay putek!" biglang niliko ni Dondon ang manibela.

"AYYY" sigawan ang lahat.

Tumilapon si Tessie kay Liz.  At tumilapon ako kay Miggy.

"Aray ko po!" sabi ko habang nasa lap ako ni Miggy.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Miggy na nakayuko sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Sa mukha niya. Sa gwapo niyang mukha. Sa magaganda niyang mata. Sa ilong niya at sa mapupula niyang labi. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakayuko lang siya at nakatingin sa akin. Grabe! Ang pangit ng angle ko. Kita butas ng ilong ko. Shet! Nakoconcious ako!

"Jen, okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Miggy sabay haplos sa ulo ko.

Oh my gawd. Parang kinuryente ako! Bigla akong tumayo. "Oh--oh--okay lang ako. Ikaw naman." sabi ko habang inaayos-ayos ang buhok ko.

Napatingin ako sa likod. Iba ang tingin sa akin ni Liz. Tinging asar na may panglokong ngiti. Napatingin din ako sa rear mirror, ganun din si Dondon.  Ibang klaseng mga kaibigan ko oh.  Napatingin ulit ako kay Miggy na nakatingin sa bintana sa labas. Grabe, bakit bigla siya gmuwapo all of a sudden?! Ang sarap pagmasdan nang bigla siyang napatingin sa akin. HULI AKO!

"Oh bakit?" tanong niya.

Nagulat ako, "Ah ano?  Uhm. May-may- Lamok ka sa mukha." bulalas ko na lang.

"Ha? Ako? Lamok? Asan?" tanong ni Miggy sabay hawak sa mukha.

"Ay lumipad na!" sabi ko tapos biglang alis ang tingin.

Tumunog yung viber ko, 'Liz: Nasa Ma-KATI ba tayo beh? Para-paraan ah? lols

Nagreply ako, 'Jen : Utot mo Liz.

----

(to be continued)

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now