"GRAPES FARM"

118 6 3
                                    

III

"Meron diyan! Nakita ko dito sa google map! Grapes farm!" taas ng tono ng boses ni Tessie kaya ako nagising. "Diyan, kakaliwa ka diyan sa kanto sabi dito sa map."

"Saan na tayo?" tanong ko na naalimpungatan.

"La Union na beh." sagot ni Liz na nagsusuklay ng buhok. "Punta daw tayo sa ubasan."

"Ubasan?!" tanong ko. "sa Bauang, La Union ba tayo?"

"Oo beh!" sagot ni Liz, "Bakit? Nakapunta ka na ba doon?"

"Maganda doon." sabi ni Miggy.

"Ay di ba, mahilig ka sa ubas Carlos?" sabi ni Tessie.

Tumango si Miggy.  "Yung huling punta ko diyan, may tinanim akong halamang ubas."

"Wow talaga?" mangha ni Tessie.

"Nakiusap ako doon sa may-ari na magtanim ng ubas." sagot ni Miggy.

"Pwede ba yun? Bakit ka nagtanim?" follow up question ni Tessie.

Hindi muna agad sumagot si Miggy, "May kasama kasi akong babae dati."

Bigla akong siniko-siko nang patago ni Liz. Gumanti lang ako ng tingin.

"Sabi namin, medyo corny pa ako dati, yung halaman na yun, symbol ng love namin dalawa." patuloy ni Miggy.

"Ang sweet mo naman Carlos." inggit ni Tessie.

Tumunog ang viber ko, 'Liz: Beh! Bakit namumula ka?'

Tumingin ako kay Liz at medyo namumula nga ako. Kiniliti-kiliti ako ni Liz ng patago. 'Uyyy'

"E nasaan na yung mapalad na girl?" tanong ni Tessie kay Miggy.

"Ayun. Nilibing na yata." biglang tumawa si Miggy.

Nakitawa-tawa ako at tumingin kay Miggy ng tiger look.

"Kaya ewan ko kung buhay pa yun halamang ubas na yun." sabi ni Miggy.

"Feeling ko, patay na yung halaman na yon." singit ko.

"Bakit naman?" tanong ni Tessie

"E kasi iniwanan nya yung halaman. Di ba kapag iniwanan at pinabayaan, malaki ang tendency na mamatay yung halaman. E iniwan nya yung ubas so feeling ko, mamatay na yun. Kawawang ubas, iniwanan." sagot ko.

"Miss excuse me," sabi ni Miggy. "Hindi ko iniwanan yung ubas ng ganun-ganun lang, bago ako umalis, pina-alagaan ko yun sa may-ari ng ubasan. Hindi ako ganun na basta-basta nang-iiwan. Hindi ko ugali yun."

"Edi..." sabi ko na lang. "...wow!"

Napapatingin lang sa amin sina Liz at Tessie.

"Feeling ko buhay pa yun." singit ni Dondon.

"Bakit naman?" tanong ni Tessie.

"Wala lang, feeling ko lang." sabay tawa ni Dondon.

Tumawa din sina Liz at Tessie.

"Andito na pala tayo e. Saan niyo banda tinanim yung ubas brad?" tanong ni Dondon.

"Sa may Gapuz Grapes farm, bandang dulo yun." sagot ni Miggy.

"Copy" sabi ng driver namin.

----

Alas-nuebe ng umaga kami nakababa sa Gapuz Grapes Farm. Maraming ubas na vines ang nakahilerang nakatanim sa ekta-ektaryang lupain. Maganda ang sikat ng araw.

Lumapit sa akin si Liz habang naglalakad papasok ng Grapes Farm. "Teh ano yun?" sabi niya.

"Alin?" tanong ko habang pinantatakip ang kamay ko sa init ng araw.

"Yung kanina sa grandia. Yung litanya mo kanina." sabi ni Liz , "yung ubas-ubas. iwan-iwan. beh, halatang-halata ka."

"Halata na ano?" tanong ko habang pumapasok sa maliit gate ng ubasan.

"Halatang affected ka pa din." sagot ni Liz.

"Hindi ah." defend ko.

"Hi Ma'am Jel? Jem? ano kasi..Jen? Oo Jen!" biglang bati ni Aling Myrna, ang may-ari ng maliit na ubasan. Sabay hawak sa dalawang kamay ko. "Kumusta ka na? Lalo kayong gumanda ha?"

"Ikaw naman talaga Aling Myrna. Wala naman pong nagbago." pakumbaba ko. "Ay, si Liz nga po pala." sabay pakilala ko kay Liz.

"Good morning Aling Myrns!" bati ni Liz sabay abot ng kamay, "Aling Myrns, ang ganda naman po ng ubasan nyo. Kumusta na po yung tinanim nilang ubas noon?"

"Ahh yung tinanim nila nung pogi. Si Miki? Mogi? Migi..oo Miggy! Siya ba yun?" tanong ni Aling Myrna habang turo-turo si Miggy na kumukuha ng litrato mula sa kabilang side ng ubasan.

"Oo. Siya nga po. Yung ubas na tinanim nila Jen at Miggy..kumusta na po?" tanong ni Liz.

Biglang lumungkot ang mukha ni Aling Myrna. "Dumaan kasi dito si Bagyong Donita noong nakaraang taon. Sinira lahat ng mga pananim namin."

Lumungkot yung mukha ni Liz.

Napa-smirk ako, "Sabi na sayo Liz e."

Nagpatuloy si Aling Myrna, "Pasensya na ha. Hindi po namin kontrolado ang panahon." Malungkot na sabi ng Ale, "Teka, nasaan na ba yung anak kong si Bugoy? Paumanhin lang ha?"

"Okay lang yun Aling Myrna." sabi ko.

"Love!" sigaw ni Dondon, "Picture-picture tayo dito oh! Yung shadow ng mga ubas, hugis puso!"

"Wait beh ha? Puntahan ko muna si Dondon." sabi ni Liz at sabay tumakbo papunta kay Dondon.

Naglakad-lakad ako sa may ubasan. Mas marami ng tubong halaman at marami ding magagandang ubas kumpara sa last time kong punta dito.  Hindi ko na pinuntahan yung pinagtaniman, none sense din naman.

"Tara na Jen!" sigaw ni Liz. "Sakay na daw tayo!"

Kaya bumalik na ako sa grandia.

Ganoon pa din ang pwestuhan namin.

"Bumili kayo ng ubas?" tanong ni Tessie habang inaayos yung mga plastic-plastic ng ubas sa likuran.

"Gusto ko sana kaso walang time." ngiti ko.

"Hindi yan kumakain ng ubas." singit ni Miggy.

"Teka, hindi ka kumakain ng ubas?" tanong ni Tessie.

"Kumakain ako." sagot ko.

"E paano mo naman nalaman na hindi kumakain ng ubas si Jen, Carlos?" tanong ni Tessie kay Miggy sa likuran.

Nag-smirk lang si Miggy at inayos lang ang DSLR niya.

"Saan tayo susunod?" tanong ni Dondon.

"Gutom na ako. May masarap daw na Tinapa Pizza sa Poro point." sagot ni Rodney.

"Okay brad. Copy. To Poro Point, San Fernando tayo." sabi ng driver.

"OMG guys!!! 98 likes na yung groufie natin sa Balungao oh!" sigaw ni Tessie.

Tapos pinatingin niy yung mga pictures sa phone nya.

"Oo, pero 2 likes lang yung selfie mo na naka-bikini." tawa ni Rodney kay Tessie. "Tapos ikaw pa yung isang liker!"

"Ganern?!" sagot ni Tessie.

Tawanan ang lahat.

----

(to be continued)

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz