"PAGUDPUD ARC"

68 2 3
                                    



Pinagpapawisan ako. Parang ang sakit ng tiyan ko. Ang dami ko kasing nakaing Pinakbet Pizza kanina. Nauutot ako. Pero kailangan kong magpigil dahil katabi ko si Miggy.

Hindi ako mapakali, pigil lang ako ng pigil. Tapos feeling mo kinakantahan ka pa ng utot mo na kanta ni Engelbert na "🎶Please release me, let me go..🎶"
Siomai. Ang hirap. Baka bumaho dito bigla at mamatay kami sa amoy!

Scooch lang ako ng scooch sa upuan ko. Di ako mapakali. Di ko na din maintindihan yung kwentuhan nila kasi nagcoconcentrate ako sa pagpipigil. Kaya tawang pilit lang ako sa tuwing may joke sila.

Pero di kineri ng powers ko at bumigay din ako. Kaya nagside ako ng konti at parang mga baboy na nakawala sa kulungan yung utot ko na sumisigaw na "Release!!!!"

Buti na lang walang sounds!

Biglang tumahimik ang kaninang maingay na nagkwekwentuhan.

"Ang baho." sabi ni Liz ng basagin ang katahimikan. "Naamoy nyo ba yun?"

Syempre naamoy ko. Utot ko yun e.
"Ang baho nga" sabi ko.

"Ayy may umutot." pacute na sabi ni Celine.

Napa-make face ako ng marinig ko ang boses ni braces.

Pero teka, may mas sasama pa pala sa boses ni Celine, ang masamang balita, najejebs na ako!

Turuan lang sila ng turuan kung sino ang umutot. Pero ako heto, nagpipigil!

Tawa lang ng tawa sila dahil sa amoy kaya binuksan na nila yung mga bintana.

Ang hirap! Lalo na na natatagtag ka pa sa sasakyan dahil hindi maganda ang daan.

Tawanan lang silang lahat. Napipilitan naman akong tumawa. Mahirap. It's hard to smile and to act as if everything is okay when you're really natatae!

Laughtrip lang sila. Tiis lang!

----

Nagstop over muna kami sa isang gasoline station around Burgos para magpa-gas. Nagshare-share kami sa bill.

Bumaba yung ilan sa amin para magCR. Actually, ako si Tessie, si Liz at si Celine.

Iisang cubicle lang ang meron sa loob ng maliit na women's cr. Kaya nagtakbuhan kaming mga
girls papunta doon sa nag-iisang cubicle! Nauna si Celine nakapasok sa cubicle.

"Potchi naman oh." bulong ko sa sarili. Pabigat talaga
tong babaitang ito sa buhay ko!

So pila mode kami, ako, si Liz tapos si Tessie.

"Nasa La Union na pala sina Liam" excited na sabi ni Tessie habang hawak-hawak ang smartphone niya.

"Ano? Sino?" tanong ni Liz.

"Si ano..Liam!" excited na tawa ni Tessie sa amin na kinikilig, "Nagcheck in kasi siya na nasa San Fernando na daw sila."

"Ahhh."sabi lang ni Liz. "Speaking of Liam beh." sabi ni Liz sabay kalabit sa akin, "Kailan yung huling kita nyo pwera noong kumain tayo ng Pinakbet Pizza kanina?"

Naku! Wag niyo muna akong tanungin! May matindi akong pinagdadaanan!

Ngumiti lang ako sa kanila.

"Kelan nga bhe?" tanong ulit ni Liz

Haynaku, pag-iisipin pa ako..Hmm. kelan ba? Lagi naman kaming nagkikita ni Liam e. Palagi kasing may event doon sa hotel na pinagtratrabuhan niya.

Humarap ako kay Liz, "Noong atang kinuha tayong event stylists sa company launching sa Shangrila Hotel last, last week diba?" sagot ko.

"Pwera pag may event beh. Yung lakad nyo kapag kayong dalawa lang." sabi ni Liz.

"Nagdedate kayo ni Liam???" excited na tanong ni Tessie.

"Hindi kami lumalabas ng kaming dalawa lang, ano ka ba Liz. Hindi kami nagdedate." sagot ko.

"Noong nanood kayo ng sine na A Second Chance sa Trinoma, diba dalawa lang kayo. Nakapost pa nga
yun sa instagram niya e." sabi ni Liz sa akin. "Puro nga kasama ka sa mga posts niya bhe."

"Tangi. Yung A Second Chance? noong nasa Bulacan kayo ni Dondon nun diba? Dapat apat kami noon! Si Lindsay, yung kapatid niya, tsaka si Sir Noel, yung manager sa hotel. E di ba nga di sila sumipot. Kaya dalawa lang kaming nanood nun." explain noon. "Tsaka
minsan lang kaming lumabas na dalawa lang kami."

"Feeling ko, paraan lang ni Liam yun para masolo ka." tawa ni Liz.

"Intrigera ka. Wala yun noh. Malisyosa ka Liz." sabi ko. "Antagal naman ni Celine?" at namamawis na ako.

"Oo nga e." iritang sagot ni Tessie. Sabay kinatok-katok ni Tessie yung pintuan ng cubicle. "Hoy Celine, naflush ka na ba jan?! dalian mo!" sabi ni Tessie na may conviction! "Marami pa kami dito!"

Nag-flush yung toilet, at lumabas si Celine na bagong retouch ang make-up.

"Nagmamadali naman masyado." pacute na sabi ni Celine sabay alis na.

Mabilis akong pumasok sa cubicle sabay lock.

This is it! The moment that I've been waiting for!

"Iiiiiihhhh...uhhhmmm..." mahinang iri ko.

PLAK. PLAK.

SUCCESS!!

Para akong binunutan ng tinik! Raise the roof!

-----

Pagkatapos naming mag-CR. Bumalik na kami ulit sa grandia at umalis na.

Tumawa si Rodney, "Sinong may sala kanina?" tukoy nito sa utot. Tawa lang ng tawa sina Dondon at Miggy. Siguro, pinagtripan kaming mga girls habang nasa cr kami. Parang tanga silang mga boys.

"Grabe! Ang tindi ng amoy. Di namin kinaya!" tawa ni Rodney.

Aba baket? Ganoon naman talaga ang mga utot e! Itong si Rodney, kung makacomment, akala mo ang bango-bango ng utot!!

"Muntik na kaming masuffocate sa tindi!" tawa ni Dondon.

Isa pa tong si Dondon! Akala mo naman hindi umuutot! Hoy! Atleast sa akin, tahimik! Hindi katulad noong sa'yo, loud and proud!!

"Buti nga buhay pa tayo e" sabi ni Tessie.

Tawanan silang lahat.

"Sino ba kasi yung umutot kanina?" tanong ni Miggy. "BAKIT AYAW PANG UMAMIN?" sabay tingin sakin.

Sige na nga. Aamin na ako. Tutal, hindi naman big deal ang utot. Okay, pagtawanan na nila ako. Para lang matigil na'to... Go! Aamin na ako!

"Sino?" pangiting tanong nina Miggy!

"OO NA! Ako na! Ako yung umutot!" pacute na sabi ni Celine na nakururot ang kilay. "E kasalanan ko ba kung umutot ako?"

Napatawa ako. Si Babaeng haliparot din pala! Nagtawanan ang lahat!
Oh well! Muntik na ako dun ha!

Tumingin lang si Miggy sa akin at ngumiti.

Nag-huh face lang ako sa kanya.

Maya-maya ay dumating na kami sa Arc ng Pagudpud. Bumaba kami for about 2 minutes para magtake ng pictures. Tapos sakay ulit ng grandia then go, go to Pagudpud!

Ilang minuto pa ang byahe, nakarating na kami sa Hannah's Beach! Isa sa pinakasikat na beaches sa Pagudpud!

Bago bumaba, nagtanong si Tessie,
"Saan tayo kakain mamaya?" Tanong ni Tessie habang hawak-hawak ang tiyan.

"Saan natin ililibre yung mga magdedate!" malakas na sabi ni Liz na may tono!

"Yihieeee..." asar nila except kay Celine. Nagmake-face ito.

"Ako na lang manlilibre ng dinner kay Carlos. Tutal marami na naman siyang naitulong sa akin." pacute na propose ni Celine.

Edi ikaw na! Ilibre mo! Bilhin mo pa siya tapos iuwi mo! Tapos isabit mo tsaka sambahin mo! Ang dami mong alam! Pwe.

---

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now