"ROADTRIP PAST TIME"

58 2 2
                                    


Umalis na kami sa Malacanang of the North. Si Miggy ang driver namin. Medyo malalayo-layo ang lalakbayin namin.

Dederecho na sila sa Maynila, habang kaming tatlo naman nina Liz at Dondon ay bababa sa Bauang, La Union para sumakay ng bus papuntang Baguio.

Mga apat na oras ulit ang byahe namin going to
Bauang. Pagod na kami kaya ang iba sa amin ay natulog muna. Including me.

-----

After 3 hours ay nagising ako sa tawa ni Tessie.
Narinig ko si Liz na kinausap si Tessie.

"Tessie, bakit ka tumatawa jan mag-isa?"  sabi ni Liz.

Dumilat ako at lumingon ako sa kanila.

"Nakakatawa kasi si Liam." sabi ni Tessie habang nakatingin sa smartphone niya. "Ang cute nya dito sa snapchat niya."

"Patingin naman." sabi ni Liz, at pinanood din ito. Biglang tumawa si Liz, "Nakakatawa nga. Pero grabe noh, kahit nagwawacky siya, gwapo pa din siya." bulong niya sa amin dalawa.

Sa bagay, true. Laging mukhang fresh at mabango si Liam. Napasmile ako.

Napatingin ako sa rear mirror at nakatingin sa akin si Miggy. Tinanggal ko yung smile ko.

"Nako!" sabi ni Rodney na may sarcasm ang boses sa tabi ko, "Lamang lang naman ako sa kanya ng dalawang paligo, e kung siya gwapong-gwapo na..paano na lang ako sa inyo?" sabi niya. "Gwapong-gwapong-gwapong-gwapo na kayo?"

Tumawa si Dondon. Ang sarap ng tawa niya. "Ibang klase ka tsong."

Nagmake face si Tessie, "Ha? Hindi kaya. Kahit maligo ka pa at magswimming ka pa ng ten times, hindi mo mapapantayan si Liam baby ko no." sabi ni Tessie.

"Edi sayo na." sabing tawa ni Rodney. "Ipaframe mo pa!" tawa ulit si Rodney.

Sinabunutan ni Tessie si Rodney sa likod, "Kaw talaga kahit kailan ka."  sabay tawa si Tessie.

Ang cute nilang talagang dalawa. Para silang aso't pusa. Ang cute!

Napatingin kami kay Celine, natutulog pa din at nakanganga ang bruha. Nagtinginan kaming lahat.

Kinuha ni Rodney yung phone niya at pinicturan ang nakangangang Celine.

CLICK with FLASH!

Naalimpungatan si Celine at nayamot, "Ano ba? Nakita ng natutulog e." sabay takip niya sa mukha niya ng panghaciendang sumbrero niya at natulog ulit.

Naghagikgikan naman kaming lahat.

"Ay malapit na pala tayo." sabi ni Dondon habang napatingin siya sa labas, "ang bilis palang magmaneho ni Miggy." pangitng sabi nito.

Ngumiti lang ako. "Mabilis talagang magpatakbo yan. Yan nga minsan pinag-aawayan namin dati e."

Nagulat si Rodney, "Dati?" sabi niya habang tingin sa akin at tingin kay Miggy. Tingin ulit sa akin, "Ha? Magkakilala na kayo ni Carlos?"

Ngumiti lang ako.

Bumulong si Tessie kay Rodney.

"HA?!" gulat ni Rodney.Tumingin siya sa akin tapos tinuro niya si Miggy at nagmouthing ng "Ex mo??"

Ngumiti lang at nagroll eyes ako.

Nashock lang si Rodney at hindi nakapagsalita.

"Mag-laro naman tayo!" aya ni Liz.

"Anong laro yun Love?" tanong ni Dondon.

"Hugutan game!" tawa ni Liz.

"Paano yun?" tanong ni Tessie.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now