"DANCING FOUNTAIN"

70 3 2
                                    


After kumain, mga 6:45 na ng gabi, nagtungo na kami sa Plaza Salcedo. Malawak ang plaza sa gitna ng Vigan Cathedral at ng Provincial Capitol. Maraming tao ang nagpunta sa mga tri-leveled benches na nakapaikot sa malawak na rectangle na may tubig.

Umupo na kami sa mga benches. Makakatabi kaming mga girls, at sa babang level namin ang mga boys. Excited ako na mapanood ito dahil last time na punta ko dito ay hindi namin naabutan ang show.

Tandang-tanda ko pa yun noon. Na-late kami dati ng dating ni Miggy dahil mali yung relo niya. Dahil hindi kami nakapanood, bumawi siya at binilhan na lang niya ako ng Special Kankanen, yung matamis na kakanin ng Ilocos.

Napaaga kami ng dating sa plaza so maghihintay kami.

"Parang nagugutom ulit ako." sabi ni Tessie habang hawak-hawak sa tiyan.

"Kahit kakakain lang natin?!" gulat ni Rodney "Kaya ka sumesexy Tessie! Dapat ginagaya mo ko. Disiplinado!" sabay nilabas ang mga muscles niya.

Siniko-siko lang ulit ako ni Liz at tinuro nya gamit
ang bibig si Rodney. Buti na lang, madilim. Hindi kita ang mukha ni Rodney.

"Tara na. Bumili na lang tayo ng kutkutin." aya ni Miggy sa mga boys.

"Love, may gusto ka ba?" tanong ni Dondon kay Liz.

"Wala love. Kahit ano lang!" sagot ni Liz.

"Ako Carlos bilhan mo ko ng Mocha frappe sa starbucks!" pacute na sabi ni Celine.

"Wala yatang starbucks dito Celine?" singit ni Tessie.

"Ay wala ba?!" pacute na dismaya ni Celine, "O sige, starbucks na lang."

Napa-palm face na lang si Tessie.

"Ako kung may lugaw!" sabi ni Tessie.

"Tataba ka sa lugaw! Wag ka ng kumain Tessie!" pabirong sabi ni Rodney.

"Okay. Kahit ano na lang." sagot ni Tessie.

"Ikaw Jen?" tanong ni Miggy.

Ano bang gusto ko? Wala ako gusto. Ang gusto ko lumigaya. Bilhan nyo ko ng ligaya.

"Wala. Okay lang ako." sagot ko.

Medyo napatango-tango lang si Miggy.

Atsaka umalis na yung mga lalaki.

Nagtaka si Liz at tinanong nya si Tessie, "Tessie, push na push mo talaga yung lugaw. Kanina ka pa ata nag-krecrave sa lugaw."

"Oo e. Nasanay kasi akong kumain ng lugaw." pangiting sabi ni Tessie. "Halos araw-araw kumakain kami ng lugaw." patawang sabi nito.

"Kaya pala mukha kang nilugaw!" tawa ni Celine habang nagkikilay.

Medyo nairita si Tessie pero ngumiti pa din, "Yung kilay mo, hindi pantay!" sabi niya dito. "Lagi kasi kaming inaaya ni Carlos na kumain ng lugaw doon sa may malapit sa tomas. Ewan ko ba dun kay Carlos, parang laging may hinihintay."

"Malapit sa Tomas? Sa Roces? Diba may lugawan din dati sa tapat nyo beh?" tanong sa akin ni Liz.

"Oo. As if naman pupunta yun dun." sabi ko sabay ngiwi.

"Anong kulay ng lugawan Tessie?" tanong ni Liz kay Tessie.

"Ano nga kasing kulay nun?" biglang napaisip si Tessie. "Ahhh.. alam ko na!"

"Ano?" excited na tanong ni Liz.

Biglang tumunog na ang malakas na masayang musika sa background. At nagstart nang umangat ang maraming tubig. Nagsimula na ang dancing fountain show!

"Ayan na!!!! Simula na!!", tili naming apat.

Ang ganda ng dancing fountain. Kanina ang dilim dilim lang, ngayon ibang liwanag na ang binibigay nito. Sabay pa ng tubig ang laser at lights na sumasayaw
sa rhythm ng kanta! Nakaka-amaze!

Si Tessie girl, hindi napigilang bumaba at napasayaw sa
gitna! Gora lang si girl kahit wala sa tiempo, may passion naman daw! Lakas maka-'modess', confident!

Dumating na ang mga boys na may dala-dalang kutkutin. Nakita ni Rodney si Tessie at nakisayaw ito.
Wow. Kung makasayaw lang ang mga to..sabay na sabay! Parehong wala sa tiempo. Pero okay lang, masaya naman sila.

Tumatalsik yung tubig sa amin na siyang kinakatuwa
ng mga audience.

Inabot ni Miggy yung kankanen sa akin habang nanonood ng fountain show. May subo-subo din siyang kankanen.

Abot niya sa akin yung kankanen. "Gusto mo?" tanong nito.

Gusto ko kaso busog na ako. Tsaka ano na naman ba ito?

"Busog na ako. Sayo na lang yan. Salamat." sabi ko na lang sa kanya.

"Sigurado ka ha?" sabi ni Miggy sabay kumagat ulit ng kankanen at nanood.

Hindi ko na tuloy maenjoy yung show. Ayoko na kasing balikan yung dati. Pag tinanggap ko to, babalik yung dating feelings. Ayoko nito. Mahirap na. Wag! Ayoko.

Pagkatapos ng show, nagsplit kami ng mga boys at girls. Dadaanan kasi ng mga boys yung mga naiwang gamit sa grandia. Si Celine, no choice kundi sumama sa amin. Bumehave yan dapat. Naku!

Habang naglalakad kami ng mga girls pabalik sa Calle
Crisologo, pinaalala ni Liz yung kulay ng lugawan kay Tessie.

"Anong kulay nga ulit yung lugawan Tessie. Di ba natandaan mo na?" excited na tanong ni Liz.

"Ah oo!" sabay sagot ni Tessie. "Kaso nakalimutan ko na."

Napangiti lang si Liz. "Ba yan Tessie girl!"

Napahinto ako sa paglalakad. "Inom tayo?" aya ko sa kanila. Gusto kong uminom!

Napahinto din sila at napatingin sa akin.

"Gorabells bhe!" masayang sabi ni Liz, "Paalam lang tayo kay Dondon!"

"Go ako!" sabi ni Tessie.

"Ako pass. Matutulog na lang ako." pacute na sabi ni Celine.

"Sumama ka na." pangiting aya ko kay Celine. Syempre pakitang tao, alam ko namang hindi siya sasama.

"Okay. Saan ba tayo?" pacute na payag ni Celine.

Hindi man lang nagpapilit ito. Gumow agad. O siya. Sumama na sya. Para naman masakal ko siya kapag nakainom ako.

"Heto meron dito oh!" sabi ni Tessie na naggoogle na pala ng pag-chi-chillan namin.

"Text ko na lang sina Dondon." sabi ni Liz.

Tumango kaming lahat.

----

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now