"CHILL PA NG CHILL"

64 1 1
                                    


Bago pumasok ulit sa Rumour Bar, kinompose ko muna ang sarili ko. Ayaw kong idamay ang mga kasamahan namin sa nangyayari. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Pumasok na ako sa loob ng bar. Ganon pa din ang ganap. May kumakanta pa din na singer at marami-rami ang mga tao.

"Hi!" masayang bati ko sa kanila. Tumingin sila sa akin at umupo na ako sa dating pwesto ko. "Ang dadaya nyo ha! Bakit parang hindi nababawasan yang iniinom
nyo?"

"Hoy Jen! Naka-sampung rounds na kami. Bagong bote na to." sabi ni Tessie na kulay pula na ang balat.

Bumulong sa akin si Liz, "Beh? Anyare? Si Miggy?"

Tumingin ako sa kanya, "Anjan lang yun." sabi ko lang sabay kuha ko ng baso ng Jack Daniels at tumungga.

Tumingin sa akin si Liam at tumabi sa akin. "Are you okay Jen?"

Tumingin ako kay Liam at ngumiti, uminom muna ulit ako ng Jack Daniels bago sumagot, bottoms up. "Of course Liam, I'm okay." sabay ngiti ko sa kanya.

Dumating na si Miggy sa bar. At umupo doon sa tabi ni Tessie. Nakatingin lang siya sa akin. Sa amin ni Liam.

Medyo may tama na ako. Gusto kong uminom ng uminom. Kaya sige, gora. Dalawang bottoms up.

Nakikita ko si Miggy na gusto akong pigilang uminom, pero hindi ko siya pinapansin.

"I guess you drank a lot na Jen. You should stop drinking na." sabi sa akin ni Liam na nag-aalala.

Tumawa ako sa kanya, "Anong should stop-should stop? Walang hihinto. Nageenjoy tayo Liam. Inom ka na din." sabi ko na lang.

Uminom din si Miggy. Tumingin sa akin si Liz at kinikilig siya.

"Cheers to happiness!" sabi ni Liz sabay angat ng baso.

"Cheers!" sabi naming lahat except kay Miggy.

Uminom ulit ako ng bonggels. Ang sarap makalimot sa mga pagkakataon na to. Inom pa! Alam ko na hindi nakakagamot ng heartache ang pag-inom, pero sige go lang.

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. As in medyo blurry na ang nakikita ko. Payat na si Tessie at artistahin na si Rodney. Kaya alam kong hindi na totoo
ang nakikita ko. Kaya tumayo ako at pumunta
sa cr. Pumasok ako sa cubicle at lumuhod sa
bowl. at nag-suka.

Sinunandan ako ni Liz at pinasok nya ako sa loob ng cubicle. Lumuhod din siya at hinawakan ang likod ko.
"Beh okay ka lang ba?" habang hinahawakan yung likod ko.

Pinunasan ko ang bibig ko at tumayo na kaming dalawa. Bigla kong niyakap si Liz at umiyak sa kanya.
Hinawakan niya ang likod ko.

"Ayoko na Liz." iyak ko sa kanya hbang naka-akap. "Ayoko na."

Inaro ako ni Liz, "Beh, tama na. Wag ka ng umiyak. Bakit? Anong nangyari beh? Wag ka ng malungkot. Tigil na beh. Ayaw kitang nakikitang umiiyak." sabi ng nag-aalalang si Liz.

Umiiyak lang ako sa kanya. Nakaakap. Gusto kong sumigaw. Ilabas tong nararamndaman ko. Kaso alam kong nakakahiya. Kaya iniiyak ko na lang ito sa kaibigan ko.

"Tahan na beh." hinawakan nya ang dalawa kong pisngi. "Sabihin mo sa akin kung anong nangyari."

Umiiyak lang ako. Ang sakit. Alam mo yung groggy ka na pero ang sakit-sakit pa din sa dibdib. Umiling ako kay Liz bilang sagot sa tanong niya.

Kinompose ko ulit ang sarili ko. At ngumiti. "Bakit ganun Liz?"

Nag-aalala lang na nakatingin sa akin si Liz, "Ano bang ginawa sayo ni Miggy?" tanong niya sa akin. "Gusto mo ba na umuwi na tayo? Mauna na tayo sa kanila?" tanong ni Liz sa akin.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now