"SESSION ROAD"

58 1 2
                                    


Mag-aalas dose na ng hating gabi. Kokonti na lang ang tao na naglalakad sa Session Road.

Sabay kaming naglalakad ni Miggy. Mabagal na lakad lang. Tahimik lang kaming naglalakad . Hindi kami nagtitinginan. Gusto niya akong kausapin. Para saan pa? Hindi ako makareact dahil wala naman akong karapatan. Hindi naman kami. Halo-halong emosyon ang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad kami sa Session Road.

"Alam kong narinig mo." panimula ni Miggy sa mababang boses.

Dire-direcho lang ako sa paglalakad, "Ang alin?" tanong ko.

Tumingin sa akin si Miggy na may sincere na tingin, "Alam mo naman ang ibig kong sabihin Jen."

Napahinto ako sa paglalakad. Malapit sa pedestrian lane ng Session Road. Walang masyadong tao. Madilim
at mayroon lamang mga city lights na nagbibigay liwanag sa lugar. Malamig. Sobrang lamig. Pero hindi ko alintana ang lamig at dilim dahil sa halong-halong emosyong nararamdaman ko. Gusto kong maiyak dahil, tangena...

"Alin? Yung London?" painosente kong tanong.

Tumingin si Miggy sa akin. Hindi mo mailarawan ang mga mata niya. Ang alam ko lang, seryoso siya.

"Dalawang taon lang naman Jen." sabi niya.

Nagulat ako. "Bakit mo sinasabi sa akin yan?" tanong ko sa kanya. Namumula na ako. Gusto ko ng maiyak. Ayan na naman.

"Jen naman." sincere na sabi ni Miggy.

"Oh bakit ako? Ako na naman?" hindi ko na mapigilang maging vocal. Namumula na ilong ko at nagpipigil na ako ng luha.

Nakatingin lang sa akin si Miggy. Hindi ko mapigilang ilabas itong gusto kong sabihin. Pulang-pulang na ang ilong ko sa kakapigil ng luha.

"Alam mo ba kung anong lungkot mga dinanas ko
noong iniwan mo ko?" malungkot na sabi ko at biglang tumulo yung luha ko. "Mahirap! Akala ko kasi ikaw na. Akala ko kasi ikaw na yung lalaking makakasama ko habang buhay. Sa'yo umikot yung mundo ko. At kahit na iniwan mo ko, sa'yo pa din umiikot ang mundo ko kahit gaano kong ipilit na alisin ka sa buhay ko. Lahat-lahat ng bagay, dinedepende ko minsan sa'yo..Pagdedesisyon ko..lahat! Gusto kitang kalimutan pero hindi magawa ng utak ko..ng puso ko Miggy. Hindi ako nagmahal ng iba, hindi dahil sa ayaw kong magmahal ng iba, kundi dahil may laman pa yung puso ko. At ikaw yun Miggy!" sabay turo ko sa kanya habang umiiyak. May iilang tao ang dumadaan sa amin. Pero dumadaan lang sila. Wala na akong pakialam.

Hindi alam ni Miggy ang gagawin niya. Basta sincere lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. Gusto niya akong hawakan pero medyo umiiwaa ako.

"Ikaw yun Miggy. Kahit gaano ko ideny sa mga kaibigan ko at kapamilya ko na may feelings pa din ako, at kahit ilang beses kong sabihing moved on na ako, Miggy, alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Ilang araw at buwan at taon na gusto kitang makita, makausap, pero sa tuwing nararamdaman ko yun, bigla akong naiinis sa'yo!" biglang luha ko.

Niyakap ako ni Miggy. "Jen. Sorry. Sorry."

Tinanggal ko ang yakap niya sa akin. "Sorry? Alam mo ba kung ilang beses kong hiniling na bumalik ka at magkita tayo ulit? Araw-araw! At oo ngayon, nagkita tayo ulit at bumalik ka, pero ano? Aalis ka na naman?Tapos sasabihin mo sa akin na dalawang taon lang? Gago ka pala Miggy e. Wala ngang isang taon ka sa London noon, nagawa mo kong iwanan. Tapos ngayon gusto mo kong balikan? Ayoko na Miggy." Patuloypa din ang luha ko. "Wag mo na kong saktan..please. Ayoko ng umiyak. Sawa na akong umiyak." sabi ko sa kanya habang nagpupunas ako ng luha.

"Jen. Please. Let me explain. Give me a chance." sincere na sabi ni Miggy sa akin habang tinatry niyang hawakan ako.

Kahit gaano ko pa gustong bumalik sa'yo. Kahit alam kong mahal pa din kita. Ayoko ng masaktan.

Umiiyak lang ako sa harap niya. Gusto kong iiyak ito sa harap niya. Ang sakit. Luha lang ako ng luha, pero pinupunasan ko pa din gamit ang kamay ko.

Nagsalita ako sa kanya at tumingin sa kanya habang lumuluha ako, "Sana hindi na lang tayo nagkita ulit. Sana hindi na lang..."

Sabay talikod ko at tumakbo papalayo sa kanya. Papalayo. Papalayo ng papalayo kay Miggy.

----

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя