"SAND DUNES"

70 2 3
                                    



Habang nasa sasakyan kami. Hindi pa nakakamoved on si Tessie kay Liam.

"Ang cute talaga ni Liam no? Ang ganda nung mga mata niya." kilig na sabi ni Tessie.

"Gwapo ba yun." bulong ni Miggy.

Tumingin ako kay Miggy at nagmake face. Oo naman. Gwapo naman si Liam.

Tumunog yung viber ko.

Team Norte (Jen, Liz, Dondon at Tessie)

Liz: Beh, nagrereact yang katabi mo. Hahaha cute!

Tessie: Gumaganern si Carlos! hahaha

Seen by Dondon.

Jen: Parang baliw. Wala namang ginagawa sa kaniya yung tao eh.

Liz: Pero beh, gumwapo lalo si Liam no?

Jen: *like sign

Tessie: Ano bang pinagkakaabalahan niya?

Liz: Hotel chef siya girl!

Tessie: *drools emoticon
Tessie: Perfect siya!

Seen by Jen.

Tessie: Bakit di mo siya sinagot Jen?

Napa-iling na lang ako at nagtype ulit.

Jen: Hindi naman nanligaw sa akin si Liam. Close friend ko lang siya. Wag kayo.

Liz: Sus. Hindi pa ba ligaw yun bhe?

Liz: ...o hindi mo lang maconsider na suitor si Liam kasi hindi ka pa din talaga over kay Miggy! Beh ha, mga galawan mo! haha

Jen: Close friend lang si Liam, and I'm totally over with mokong.

Liz: In denial ka talaga bhe! Nagkukurutan na nga lang kami ni Tessie kanina habang kumakain ng pinakbet pizza dahil sa pinaggagawa nyong dalawa.

Tessie: True! Nako! Kay Carlos ka na dali. Para sa akin na si Liam!

Liz: Tessie girl talaga oh! lol

Jen: Haynako. Bahala kayo jan.Pahingi na nga lang ng sunblock. Mainit mamaya sa Sand Dunes.

Liz: Humingi ka sa babaeng haliparot. Ayan, nakasandal na naman kay Miggy.

Tumingin ako at nakasandal nga ang babaeng pakawala sa mga balikat ni Miggy.

Napangiwi lang ako.

----

Ala-una na ng hapon ng makarating kami sa Culili Point, kung saan naroon ang malawak na disyerto ng Paoay. Maalikabok at puro buhangin lang ang halos na makikita mo. Sa pinakadulo ng disyerto ay ang dagat.
Maraming 4x4 ang nakaparada sa gawa-gawang lilim.
Iba't ibang kulay ito.

Bumaba na kaming lahat. Nagtali ako ng panyo sa ulo ko dahil mainit. Nagsipagpahid naman sila ng mga
sun screen dahil sobrang init nga ng sikat ng araw.

Bumili naman ng mga energy drinks at water ang mga boys para baon.

Nagregister na si Rodney at nagpareserve siya ng dalawang 4x4. Treat niya! Sosyal si Rodney..mapera ang lolo mo! May kamahalan din ang rental ng 4x4! Bonggels!

Sa blue na 4x4 , andoon sa likod nakatayo sina Miggy, Celine, Rodney at Tessie.

Sa red na 4x4 naman ay ako, si Dondon at Liz. Doon naman kami nakatayo sa likod din. Walang belt-belt! Walang harness-harness. Kapit lang ang labanan!

"Wag kayong matakot. Tatagan nyo lang sarili nyo. Basta maging matapang lang. Ganon!" sabi ni Rodney
habang naghahandfist.

Kinausap ni Dondon doon yung mga driver.
Bago pa umalis, nakakapit na akong mabuti sa bakal. Wala na kasing aalalay sa akin ngayon kapag kumaripas ang 4x4 di katulad ng dating Sand Dunes ko.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon