FINALE Part 1

68 1 1
                                    

"LAST CHAPTER NI JENNY"

Mag-aalas otso na ng umaga ng makaalis kami nina Liz at Liam sa transient namin. Iniwanan na namin si Dondon dahil mga alas quatro na ng madaling araw sila nakauwi. Borlogs na borlogs silang lahat kaya iniwanan na lang namin sila. Niready ko na ang mga gamit ko para mamaya hindi na kailangan ayusin.
Namamaga yung mga mata ko. Mukha akong ewan kahit nag-ayos na ako.

Sumakay kami sa white explorer ni Liam. Sa passenger's seat ako. Sa likuran si Liz.

"Did you like the sunflowers?" tanong sa akin ni Liam bago niya paandarin yung sasakyan.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tapos tumango. "Thank you Liam. I appreciated it. Very much." sabay ngiti ko sa kanya ulit.

"Cheer up!" sabi ni Liam sabay hand fist sign.

Nakangiti lang si Liz sa likuran. Yung ngiting may tumatakbo sa utak niya. Pinaandar na ni Liam ang sasakyan at umandar na kami.

Tumunog yung viber ko.

Liz: *Smile sign. *Like sign

Napangiti ako. Napatingin ako sa bintana. Doon sa sikat ng araw na nagrereflect sa bintana ko.

"Liam, can I open the window? I just want to feel the sun..and the wind." pangiti kong tanong kay Liam habang nakatingin pa din ako sa labas ng bintana.

Pinindot ni Liam yung maliit na button sa tabi niya at unti-unting bumaba yung bintana ko.

Pumalo agad sa mukha ko ang malamig na hangin ng Baguio at sinikatan ang mukha ng mga maliliwanag na sikat ng araw.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni St. Francis of Assissi na "a single sunbeam is enough to drive away many shadows." Tama nga naman.

Ang sarap ng hangin, ang lamig. Ang cool sa mukha. Maririnig mo din yung tunog nito, pero hindi mo ma-gets yung sound,mahirap makuha ang sounds nito dahil pabago-bago. Parang buhay ng tao, pabago-bago.

Fineel ko lang ang hangin. At trinay makalimot.

--

Dumating na kami sa venue. Medyo Baguio Graden pala ang peg nila. Maraming pine trees at bulaklak sa paligid. Nagpicture-picture muna kaming tatlo sa ilalim ng mga pine trees habang wala pa sina Tita Belen.

Maya-maya ay sinalubong kami nina Tita Belen, Tito Ben at Lindsay kasama ang isang babaeng manager ng events place. Nagbeso-beso kami sabay inikot namin yung lugar. Tanong naman ako ng tanong doon sa manager kung may ganito sila, may ganun, yung mga bagay na kakailanganin namin para sa 30th Wedding Anniversary nina Tita Belen at Tito Ben soon. Si Liz naman ang taga-take down notes at taga picture ng mga details. After ilang discussion ay nagsettle down na kami nung manager at nagpaalam na ito.

Inaya kaming mag-quick breakfast/merienda nina Tita Belen. So pumunta kami sa sikat na restaurant, ang Cafe by the Ruins, na maraming pinoy ethnic art ang vibe nito.

Umupo kaming dalawa ni Liz, kasama sina Liam, Tita Belen, Tito Ben at Lindsay sa isang long table. Good for 6. Nasa magkabilang dulo at magkaharap sina Tito Ben at Liam. Sa isang side naman, kami ni Liz ang magkatabi, at kaharap namin si Tita Belen at Lindsay.
Hinain na ang mga tinapay na my iba't ibang cheese, kape at hot tsokolate. Tinanong ako bigla ni Tita Belen

"Jen, iha. Nga pala. Wala ka bang boyfriend?" pangiting tanong ni Tita Belen habang hinihiwa ang tinapay gamit ang bread knife.

Nagulat ako sa tanong ni Tita Belen habang nagpapalaman ako ng butter sa tinapay. Napaka-random kasi. Napatingin si Liz sa akin ng medyo nagulat din. Nakatingin si Lindsay sa kuya niyang nakatingin sa kape niya habang hinahalo ito.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz