"MORNING VIBES!"

73 3 2
                                    



"Beh! Beh" gising sa akin ni Liz. "Gising na. Mag-ready ka na, pupunta na tayo sa Vigan."

Tumayo na ako at lumabas sa tent. Nakaligpit na ang tent ng mga boys. Si Liz at Dondon, nagprepare ng pandesal na may palaman na corned beef. Si Miggy naman kumukuha ng litrato sa may dalampasigan. Si Tessie naman ay nasa shower area.

Wow, ang ganda ng sikat ng sunrise, tapos ang lamig pa ng simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam!

Dapat kasabay ng bagong sikat ng araw ang mood natin everyday. Dapat bago at fresh everyday. Happy lang. Sarap mag-unat ng kamay. Urrggggh...Good vibes!

"HI GUYS!! I'M BACK!!" pacute na sigaw ng isang babae.

Sino yun? Lumingon ako doon sa pinanggalingan ng boses. May babaeng bumaba sa grandia. Naka-shades at nakahigh-heels. Si Celine. Grabe, ang taas ng sikat ng araw, at umagang-umaga nakahigh heels sa beach?!

Nagbeso-beso ito sa kakashower lang na si Tessie. Halatang-halata na pilit na pilit lang si chubby girl.

Tapos magbebeso-beso din dapat siya kay Liz kaso sumegue ang kaibigan ko at hindi nakapagbeso-beso ang babaeng braces.

"Sasama na ako!" pacute at masaya niyang announcement kay Tessie.

Nakatingin lang si Tessie sa kanya habang kausap nito.

"Nagpasundo kasi ako kay Rodney." pacute na sabi habang tinitingnan si Rodney na kakababa lang ng grandia.

Sabay-sabay kaming tatlong babae na tumingin ng masama kay Rodney.

"Buti naman at nakasama ka na." polite na sabi ni Dondon habang hawak hawak ang pandesal. "Aray.." bulong nito matapos siyang palihim na kinurot ni Liz.

"Oo nga e. Ang saya-saya di ba?" pacute na sabi nito sabay Japan-japan hand sign.

Ang saya-saya your face! Yung blush on mo, pumuputok. Nahiya naman si Pikachu sa'yo!

Napatingin siya sa akin.

Inalok ko na lang siyang kumain, "Kumain ka na Celine?"

Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang talampakan. Slowly! Tapos dinedma ako. Naku talaga!

"CARLOS!!" pacute na tawag niya dito habang tumatakbo sa dalampasigan. "Andito na ulit ako!" sabay yakap kay Miggy na kumukuha ng litrato.

Lumapit sa akin si Liz na nakapamewang at bumulong sa akin, "Pa-ambush na ba natin yan beh?"

--

Sumakay na kami sa Grandia. Si Rodney ang driver, si Dondon sa passenger's seat. Sa likod si Liz at Tessie. Tapos sa gitna, unang sumakay ang babeng harot. Kinuha niya yung pwesto ko. Tapos pinauna na akong pinasakay nitong ni Miggy. Kaya gitna ako nina harot at ni kumag.

Umandar na ang sasakyan papunta sa Vigan. Mga 3 hours ang byahe to Vigan kaya baka makarating kami doon ng 10am.

Mga 15 minutes palang ng byahe. Nag-inarte na agad tong babaitang ito.

"Ate Jen?" pacute na sabi nito, "Pwede bang palit kayo ng pwesto ni Carlos? May ipapaturo lang ako." pacute na fake na tawa ni Celine.

Tawa-tawa, fake naman. "Ay sure." Lumipat na ako ng pwesto doon sa may pintuan. Okay lang, kanina pa nangangati ilong sa lakas ng pabango niya.

So gitna na namin si Miggy.

"Carlos?" pacute na sabi ng babaeng hitad. "Patulong naman ako. Hindi ko makabit tong bracelet ko."

Ha?! Tumaas ang kilay ko. Pwede naman ako na lang ang magkabit ng bracelet nya.

"Ikaw na Carlos ang magkabit kasi baka hindi marunong si Ate Jen." pacute na tawa ni Celine.

Aba at ginagawa pa akong bano. Huy, bracelet lang yan. Marami akong ganyan sa bahay. Mga 100! Bigyan pa kita! Kahit nakapikit pa ko kayang-kaya kong ikabit yan. Kahit sa leeg mo pa! Sakalin kita jan e. Pwe!

Kinabit ni Miggy ang bracelet. Biglang hinawakan ni Celine ang mga kamay ni Miggy.

"Ang sarap naman hawakan ng mga kamay mo Carlos." sabi ni Babaeng hitad. Napatingin ako sa kamay nila, at napatingin ako sa likuran, kina Liz at Tessie. Namumula na sila sa yamot.

"Namimiss ko na magkaroon ng kaholding hands." pacute sabi ni braces. Inalis na ni Miggy ang mga kamay ni Celine. "Antagal-tagal na kasing walang humahawak ng kamay ko." biglang sad face si braces.

Wow. Kahit kakabreak lang nila?

"Ikaw Carlos, namiss mo na bang may kaholding hands?" pacute na tanong ni Celine.

Ngumiti si Miggy, "May mga kamay akong namimiss hawakan."

Sinabunutan ako ng patago sa likod ni Liz.

Deadma kuno. Pero hindi ko mapigilan mangiti. Ang hirap magpigil. Nakakapula.

"Talaga?" pacute na tanong ni Celine, "Kaninong kamay naman yun?" sabay hawi sa buhok nito.

Ngumiti-ngiti lang si Miggy.

Tumunog ang viber ko, si Liz. Liz : Beh, ang haba ng hair mo. Abot hanggang Sulu!

Nagreply ako, Jen : Di ako yun noh.

Liz : Che! Kunwari ka pa.

Jen: Kahit pa ako yan. Never.

Liz: Bitter ka pa din ba beh? wag ganon!

Jen: Never naman akong naging bitter.

Liz: Sus beh. I know you!

Haynaku. Hindi kaya! Nag Makeface ako pero sabay hawi ng buhok sa tenga.

----

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin