"MARIGOLD"

75 4 4
                                    


Nagliliparan na ang mga ibon sa kalangitan. Nagsiuwian na din yung ilang turista sa bantay bell tower. Hinahangin pa din yung mga puno at bulaklak sa tabi ng tore.

Nakatayo pa din ako. Nakatayo pa din siya sa harapan ko. Hindi ko mapigilang mapaluha.

Napaluha ako. Pero pinunasan ko din gamit ang mga kamay ko. Ano ba yan, wrong timing ka naman luha!

Nakatingin lang sa akin si Miggy. Hindi ako makatingin bigla.

Naglakad papunta sa akin si Miggy. Mga isang metro na lang ang layo naming dalawa. Tiningan nya ang mukha kong namumula.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya sa akin ng may pagtataka.

Obvious ba? Syempre. Itong mga luha kasi na ito. Walang pakikisama.

"Ah..ano..hindi.." punas ko ulit sa mga mata ko, "hindi ako umiiyak...bakit naman ako iiyak..ah ano.. Napuwing lang ako. Oo! Puwing. Ang lakas ng hangin oh. Nakakapuwing." sabi ko habang turo turo ang hangin at sabay kurap-kurap.

Nakatingin lang sa akin si Miggy, iniisip siguro na hindi ako convincing sa puwing spiel ko.

"Ahh.." tango lang ni Miggy tapos umalis.

Wala na talaga siyang pakialam. Nakakaloka ka Jen. Iyak-iyak ka pa jan. Haha. Para kang tanga!
May mga bagay talaga na hindi na dapat binabalikan talaga. Sayang ang luha. Umeffort pa silang lumabas para sa wala. Iniwan ka na nga, wala pa siyang pake. Edi wow. Haayy puso.. sakit non ha?

Nagpasiya na akong umalis sa pwesto ko. Mahangin-hangin na.

"Oh." abot niya sa akin ng dilaw na bulaklak. Abot ni Miggy sa Bulaklak ng Marigold na mukhang kakapitas lang.

Tumingin ako at nagulat, "Bakit? Para saan yan?" tingin ko sa bulaklak at nagtataka.

"Kahit hindi mo naman sabihin, alam ko, may pinagdadanaan ka." sabi niya sa akin abot-abot pa din ng bulaklak. "Oh kunin mo na."

Nakatingin lang ako. Hindi ko alam kung kukunin ko ang bulaklak o hindi.

"Tanda mo pa ba yung mga bulaklak na to?" patuloy ni Miggy.

Hindi ako umiimik. Tinitingnan ko pa din yung bulaklak at namumula pa din yung mukha ko. "Ha? Ano bang meron sa mga yan?" bulalas ko.

Ngumiti si Miggy, "Kunwari pa to oh." At tiningnan niya ako ng may konting pang-aasar.

Napangiti ako. Hindi ko matago. E alam ko naman kasi kung para saan yung mga bulaklak!

"Ayan. Ngumiti ka na. Pinapasmile lang kita." abot pa din ng marigold. "Uy gustong-gusto niya oh." tuloy na pang-aasar ni Miggy na nakatingin sa akin.

Nagmake-face ako. "Mauna na ko." sabi ko sabay baba na sa batong hagdan.

"Sabay na tayo." aya ni Miggy na naiwan sa may pintuan.

Dire-direcho lang ako sa pagbaba.

Sumigaw si Miggy, "Gusto pa din kita.."

Napahinto ako baba. Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Gusto daw niya ako?

"..kasabay." patuloy ni Miggy, "..Mas makakamura tayo."

Tumingin ako sa kanya ng mean. At sabay baba ako sa hagdanan. "Mag-isa ka!" sigaw ko sa kanya sabay sakay sa calesa.

Nakangiti lang sa Miggy.

----

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now