"MALACANANG OF THE NORTH"

64 1 3
                                    


"Ay Jen," sabi ng ngumnguyang Tessie. "Tumatawag daw si Liam sa viber mo. May itatanong daw siya."

"Ha?" sabi ko kay Tessie.

Napatingin sa akin si Miggy na medyo poker face, "May itatanong daw yung kaibigan mo.." pero may tono sa boses niya.

"Si Liam ba yung nakasama mong magmovie date Ate Jen?" pacute na singit ni Celine habang kinakain yung tinola.

Ha anong movie date?! Baka kung anong isipin nitong isa! At paano naman nalaman ni bruha na nanunod kami ng movie ni Liam?

"Paano mo naman nalaman na nanuod sila ng movie Celine?" tanong ni Liz na medyo sassy at nakataas ang kilay.

"Di ba pinagkwentuhan natin habang nasa cr tayo sa gasoline station papuntang Pagudpud?" pacute na sagot ni Celine.

Ha? Nakipagkwentuhan kami?...sa'yo?! Excuse me??

"Natin? Kasama ka ba namin nagkwentuhan sa CR non?" sabi ni Liz na nakakunot yung kilay.

Nag-isip si Celine at tumawa, "Ay kayo lang pala. Nasa loob nga pala ako ng cubicle. Narinig ko lang pala kayong nag-uusap habang jumejebs me." pacute na ngiti ni Celine.

"Ehem..May kumakain..Ehem!" sabi ni Rodney habang sumusubo ng pagkain.

"Movie date pala?" bulong sa akin ni Miggy.

Naparoll eyes ako. Chismosa talaga tong babaitang ito. Dapat pala iniwanan ka na namin habang jumejebs ka sa gasoline station!

After kumain, sumakay na ulit kami sa grandia. Si Miggy naman this time ang driver.

"Guys! Last stop natin bago tayo umuwi ng Manila, Daan naman tayo sa mga Marcoses. Doon sa Malacanang of the North." sabi ni Tessie habang nagchecheck ng smartphone. "Go ba kayo??" tanong ni Tessie.

"Go kami!" sagot namin lahat tutal dadaanan lang din namin iyon.

Binalik ko na sa normal mode yung phone ko.

----

Wala mang isang oras ay nakarating na kami sa Malacanang of the North. Ang dating opisina at tirahan ng mga Marcoses. Lumang mansion na gawa sa kahoy ang Malacanang of the North. Maraming turista ang naglalakad palabas-pasok ng mansion.

Bumaba na kami lahat sa grandia. Naunang naglakad si Celine habang suot-suot ang flowy na white na dress at peach na high heels. Tapos rumampa siya na parang top model. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid. Feel na feel naman nya yung atensyon.

GGSS talaga tong babaitang ito. Teka, Ano yung pulang marka sa pwetan ni Celine? Naku! May bisita ang babaeng hitad.

"Celine!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya.

"Bakit?" sabi ni Celine in a cold way.

Jusko. Kahit nakakairita tong babaeng to, syempre nakakaawa naman. Linapitan ko si Celine.

"Celine, may tagos ka." bulong ko sa kanya.

Nagulat si Celine at naloka ng slight, "Naku kitang-kita ba? Lagot! Wala akong napkin!"

"Meron ako." bulong ko sa kanya.

Kaya bumalik kaming dalawa sa grandia kasama si Liz
at Tessie. Nagpaiwan na si Celine sa grandia dahil wala na siyang pamormang dress at dahil hindi na niya
feel.

"Sige mga ate, okay lang ako. Ayaw ko din lumabas dahil medyo masakit din ang puson ko." pacute na sabi sa amin ni Celine.

Aba himala at nagpaiwan siya. Pero mas okay yun! Walang nakakairitang kasama.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon