"BONFIRE"

95 3 3
                                    


Malamig ang simoy ng hangin sa tabi ng dagat ng San Fernando. Maganda ang sikat ng buwan, perfect sa bon fire na prinepare nina Miggy at Dondon. Tapos sa gilid nito ay dalawang magkatapat na tent. Tapos na naming ihawin ni Liz yung mga isda at pusit na binili sa palengke. No rice ang peg namin. Okay na yun para naman pumayat-payat si Tessie-girl.

Nakapalibot kami sa bonfire. Gitna ako nina Tessie at Liz. Tapos sina Miggy at Dondon ang nakaupo sa kabilang side. Si Rodney, nagsabit ng duyan doon sa may puno.

"Ang sarap talaga nitong isda at kamatis! Sayang at walang bagoong!" panghihinayang ni Tessie.

"Itong pusit din naman, malinamnam." dagdag ni Dondon. "Love gusto mo?"

Sabay subo ni Liz doon sa abot-abot na pusit. "Ang init naman love."

Nakasmile lang si Tessie na pinagmamasdan ang dalawa. Ako tahimik lang, ewan ko. Hindi kasi ako prepared sa mga nangyayari. Hindi kasi ko alam kung tama ba itong nandito si Miggy.

"Maglaro naman tayo!" panimula ni Liz.

"Ay sige, sige!" excited na sagot ni Tessie. "Rodney, halika dito, maglalaro tayo!"

Umalis sa duyan si Rodney at pumunta sa bonfire. "Anong laro yan?"

"Pa-bobohan!" ngising sagot ni Liz, "Wala lang! Para lang masaya yung title." tawang sagot ni Liz. "Okay, ganito ang mechanics. Magbibigay ako ng Letter at Subject. Magbibigay lang kayo nang subject na starts with the letter na binigay ko. Tapos kung sino yung walang maibigay o naulit yung sagot, siya pinakabobo. Gets ba?"

"Gets. gets." sagot nila.

"Ang pinakabobo, syempre, may parusa. Bubunot siya dito sa purse ko. Pag nabunot nya yung red na ball, dare! Pag nabunot naman yung blue, truth!"

"Okay, okay. Tapos Love, pasuyo naman. Gawa
ka ng mga names natin sa paper. Para bubunutin natin kung sino ang magpaparusa." patuloy ni Liz na naeexcite.

"Okay Love." sagot ni Dondon sabay kuha ng mga scratch na papel at pen. "Tig limang names tayo each ha?"

"So ganito ang pagkasunod-sunod ha? Ako, then Jen, then Tessie, tapos Miggy tapos Rodney, tapos ikaw Love then balik sa akin."

Tumango ang lahat.

"Letter S!" panimula ni Liz, "Pangalan ng Lugar - Surigao!"

"Sweden!" sagot ko.

Si Tessie na, "S....s....se..sa...so..Subic! SUBIC!" pressured na sagot niya.

"Sri Lanka." sagot ni Miggy.

Si Rodney na, "Ano ba yan, Nakuha na yung Subic..ano na lang..S..So..S..SAMBALES!" pagmamalaki nito.

"Eeengk!" tawa ni Liz.

"Kelan pa naging S ang Zambales Rod?!" hagalpak ni Tessie.

"Z ba yun?" kamot na lang sa ulo si Rodney.

Tawanan ang lahat. Bumubot siya at ang nabunot nya ay red ball. Si Dondon ang nag-utos at pinag twerk-it like miley si Rodney. Walang keme-kemeng sumayaw naman tong isa. Grabe, ang tigas sumayaw!

"Last mo na yan Rodney!" tawa ni Liz. Lalo pang sumayaw si Rodney habang nagtatawanan ang lahat.

"Letter L, pagkain!" sabi ni Liz.

"Lumpia!" sagot ni Dondon.

"Longganisa!" sagot ni Liz.

"L..L..Longganisang Vigan!" sagot ko.

"Longganisang Lucban!" Sagot ni Tessie.

Si Miggy na,
"Longganisa..Longganisang..Longganisang...Longganisang.."

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now