"ROAD TO PAOAY"

84 3 3
                                    



Kinabukasan. Umagang-umaga. Mga 6am. Medyo napasarap ako ng tulog. Hindi ko na natandaan kung paano ako nakauwi sa hotel. Basta paggising ko, nasa higaan na ako.

Nagbreakfast kami doon sa restaurant ng hotel. Tatlo
silang naabutan kong nagbe-breakfast, sina Dondon, Tessie, at Liz. Naliligo pa raw si Miggy at nagreready naman ng grandia si Rodney para sa biyahe namin pa-Ilocos Norte. Si Celine, nasa kwarto pa. Nagriritual pa.

Pag-upo ko sa upuan. Iba ang tingin sa akin ng tatlo. Hindi sila nagsasalita, nakasmile lang sila.

"Bhe!!" tili ni Liz "Grabe ka!! Ibang level ka na!!"

"Ha?" pagtataka ko sabay upo ko.

"Kinikilig ako sa inyo!!" kilig naman ni Tessie habang hawak-hawak ang dalawang pisngi.

"Kilig? Ha? Kanino?" pagtataka ko at nakanoot na yung kilay ko.

"Sa inyo ni Miggy." pasmile na sagot ni Dondon.

Haynaku. Miggy agad!

"Grabe beh! Nagpapapaka-civil lang ako kagabi habang kinakantahan ka niya, pero deep inside. Gusto ko ng tumambling sa kilig!" masayang sabi ni Liz.

"Ha? Kinantahan?" sabi ko pero medyo nangingiti ako at medyo namumula.

Bigla akong tinulak ni Liz, "Kunwari ka talaga! Tingnan mo nga yang mukha mo! Pulang-pula na!" tawa ulit ni Liz.

"Haynaku tigilan nyo ko" sabi ko sabay ngiwi.

"Haynaku bhe. Kung alam mo lang kagabi!" sabi ni Liz, "Noong maknocked down ka! Siya kaya ang nagbuhat sa'yo pauwi sa hotel."

Medyo nagulat ako. "Sus. Not true!"

"Hindi ko nga agad inexpect yun si Carlos ha." ngiting sabi ni Tessie. "Kaya pala alalang-alala siya na binuhat ka noong hinimatay ka noong nagsurfing tayo. Hindi siya mapakali nun!"

"At kagabi habang bumibili kami ng kutkutin bago magsimula yung dancing fountain. Ang layo ng nilakad namin mabili lang yung gusto mong kankanen!" sabi ni Dondon.

Nagrolleyes ako. "Tumigil nga kayo sa mga conclusions niyo." sabi ko na medyo namumula. "Puro kayo bula. Hindi yun noh. HINDI!"

"Sus beh. bakit ka namumula?" sabay asar sa akin ni Liz.

"Hindi nga!" defend ko habang namumula. "Ayoko ngang makita yun eh."

"Talaga ba?" pang-aasar ni Dondon sabay turo sa entrance ng kainan sa likod ko. "HI MIGGY!" sigaw ni Dondon.

Miggy?! Nagulat ako at biglang napaayos ng buhok. Bigla kong kinuha yung phone ko para icheck ang mukha ko sa camera ng iphone ko. Maayos ba mukha ko?! Juice ko wala pa kong ayos! Nakakataranta!

Nakangiti lang sa amin sina Liz at Tessie.

Tumawa sina Dondon and friends.

"Tangi. Wala pa siya! Jinojoke lang kita!" tawa ni Dondon, "Uyyyy, nag-ayos siya...yihee!" habang tinging asar sa akin.

Tumawa lang silang tatlo.

Napamake-face lang ako. "Haynako. Hindi ako nag-ayos noh. Chineck ko lang yung mukha ko kasi parang may makati."

"HI CARLOs!" sigaw ni Tessie habang kumakaway sa entrance sa likod ko.

Nagsalita ako habang nakataas ang dalawa kong kilay, "Haynaku Tessie girl! Paandar ka! Lokohin nyo na lelang nyo..kayo tala..."

Hindi pa ko tapos magsalita, umupo na si Miggy sa kabilang side ng table.

"Anong breakfast?" pangiting tanong ni Miggy na bagong ligo lang.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum