"BLUE LAGOON"

79 1 3
                                    



Pumasok na kami sa isang beach resort. At as usual, two villa rooms ang nirent namin. One for the boys, and one for the girls.

Alas-quatro na ng hapon na kaya sabay-sabay kaming tatlong girls na nagbihis ng pangswimming at tumakbo palabas ng resort at pumunta sa Blue Lagoon beach.

Same outfit ang suot namin. Si Liz, nakarash guard, si Tessie, another floral na neon na bikini, at ako yung onepiece swimsuiit.

Medyo maraming tao ang naliligo pero grabe, ang ganda ng dagat! Sky blue ang kulay! At ang alon, magaganda din, parang hahatakin ka nito na lumangoy sa ganda ng dagat! Nakakaexcite!

Nagswimming na kaming tatlo. Ang lamig ng tubig! Wee! Ang presko!

"Ay ang sarap!" bulalas ni Liz. "Grabe, ang ganda sa Pilipinas talaga!"

"Truelabells! At ang daming gwapo!!!!" tiling kilig ni Tessie habang nagboboy-watching mga lalaki na naka trunks lang! "Water-water!!!"

Maya-maya ay dumating na ang mga boys. Starting with Rodney na nakatrunks at nakatshirt na net. Lakad model ang lolo nyo! Tapos huminto siya, binasa niya ang kilay niya gamit ang laway niya, hawi ng buhok tapos nagpose. Palakpakan habang humahagalpak.
"Hey girls" sabi nya sa mga girls na naglalakad. Sus!

Tapos sumunod si Dondon na nakatshirt at nakashorts!

"Go love!!!" sigaw ni Liz.

Hinubad na ni Dondon yung tshirt niya, at nagpose.

"Ang gwapo mo!! I love you!!!" sigaw na tawa ni Liz sabay apir-apir kaming tatlo kasi alam namin na hanggang gwapo mukha lang si Dondon.

Sumunod na si Miggy na nakaboard shorts at nakabeach polo. Ang lakas ng dating niya. Every step niya havey na havey sa akin. Napatigil lang ako na na-o-awe. Tili ng tili si Tessie. Pati yung ibang babae nag nagswswimming, napatingin na din kay Miggy.

Maya-maya ay hinubad na ni Miggy yung polo niya.
Aahh! Nagtilian kaming lahat, pati yung mga babaeng audience. Yung katawan na ulit na yun! Ang handa ng dibdib niya! Tapos yung mga abs niya! Kanin pa nga!
Naglakad ulit si Miggy at tapos huminto, sabay talikod, at biglang bend at pose!

TILIAN TO THE HIGHEST LEVEL! Naubos ang boses ko kakacheer!

Maya-maya ay nagswimming na din sila. Enjoy na enjoy namin yung dagat.

Umahon muna ako at umupo sa dalampasigan habang pinapanood ko silang mag-swimming. Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya ng ganitong roadtrip. Tapos nagkaroon ka pa ng mga bagong kilala. Pinagmasdan ko lang sina Tessie at Rodney. Sana roadtrip na lang palagi.

Napatingin ako kay Miggy na nakikipaglaro kina Dondon. Napangiti ako. Kahit papaano kasi, masaya din na nagkita kami ulit ni Miggy. Ang gaan sa pakiramdam makita mo yung dating minahal mo. Surreal.

Pero teka..

Tama ba tong ginagawa ko? Oo, may feelings pa ako sa kanya. Pero tama ba to? Sinaktan na niya ako dati e. Nagawa na niya akong ipagpalit para sa pangarap niya at iwanan ako. Pwede niyang ulitin yun ulit e. Ayoko ng masaktan pa. Mahirap. Aasa pa ba ako?

Napatingin ako kay Miggy. Kinawayan ako ni Miggy at nagsmile. Tumango lang ako at kumaway ng konti.

"Ang saya nila no?" pacute na sabi ni Celine na nakatwo piece lang at naka-kulot ang buhok. Nakatayo na pala sa gilid ko. Umupo siya sa tabi ko, medyo naluluha ng konti.

Nagulat ako. Syempre kahit ayoko naman kay Celine, hindi naman ako bato para hindi ko siya i-emphatize.

"Oh Celine, bakit naluluha ka ata?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Wala to ate." sabay punas nito sa mata.

"Bakit ka nga umiiyak, ayan tuloy, kumalat na yung liquid eyeliner mo." sabi ko sa kanya habang turo-turo yung nagsmudge na liquid eyeliner sa mata ni Celine.
Grabe, nakita ko tuloy na malapitan yung mukha ni Celine. Ang haba ng pilikmata niya, fake lashes ba yan? Tsaka may mga pekas pala siya sa mukha.

"Kasi.." sabi niya habang medyo nagpipigil lumuha, "Huwag kang maingay sa kanila ha? Natatandaan mo ba yung kausap ko sa phone nung sa La Union tayo?"

Oo naman, Yung jowa niya.

Tumango ako, "Ahh..yung kuya mo?" Kunwari hindi ko talaga alam.

"Boyfriend ko yun." sabi niya habang humihikbi.

"Naghiwalay kayo?" tanong ko kunwari wala akong alam.

"Oo ate." hikbi nito, "Noong gabing nagsurf tayo, nakipaghiwalay siya."

"Bakit daw?" tanong ko.

"E nagselos kasi siya kay Carlos. Seloso kasi yun e."
sabi niya habang nakatingin sa nagswiswimming na Miggy.

E seloso pala e, bakit dikit ka ng dikit sa mga lalaki? Especially Miggy?!

"O hindi niyo na ba inayos?" tanong ko habang medyo nakakunot na ang kilay ko.

"Yun na nga ate." iyan ulit si Celine. "Tinawagan na kasi ako noong asawa niya."

Ha? Asawa? May asawa yung jowa niya? Ay iba din talaga tong babaeng hitad na to.

"Teka, teka, asawa? Sinong may asawa? May asawa jowa mo?" pakunot na tanong ko kay Celine.

"Oo. Sabi noong asawa sa akin, wag ko na raw guluhin yung honey ko, kasi may mga anak daw sila." sabi ni Celine habang humihikbi.

At anong iniiyak niya? E tama naman si wifey. Buti nga hindi ka iniscandalo.

"Anong iniiyak mo? May asawa na pala e." sabi ko. "Gaano katagal mo ng alam na may asawa't anak siya?" tanong ko ng may tono na.

"Hmmmm...Matagal na. E kasi sabi niya , hindi na daw niya mahal yung asawa niya." sabi niya habang humihikbi ito.

"Naniwala ka naman?" sabi ko na may conviction.

"E totoo naman e. Tsaka minahal ko din si Honey ko."
sabi ng pacute na si Celine.

Nayayamot ako. Bakit may ganitong tao? Hindi ako nakapagpigil. Gusto ko siyang sampalin at sabihing malandi siya! Pero nagbuntong hininga ako.

"Celine." sabi ko ng malumanay. "Wag kang magagalit sa sasabihin ko ha?"

"Ano yun te?" sabi nung pacute na si Celine.

"Wag ka ng makipag-ayos jan sa jowa mo" panimula ko. "Babae ka. Wag kang gagawa ng mga bagay na ganyan. Respetuhin mo naman ang pagiging babae mo."

Napatulala lang si Celine at napag-isip-isip.

"Hindi ka naman panget. Marami naman magkakagusto sa iyo. Tingnan mo, andyan si Rodney." Sabay turo ko kay Rodney na nakikipag-usap sa mga babaeng nakabikini. Sabay tumingin sa amin si Rodney at kumindat.

"Ate naman e.." napatawa tuloy si Celine at pinunasan na ang luha niya."

"Salamat te ha? Actually, napag-isip-isip ko na din yan e. Kaya nga sumama ako sa inyo para makalimot."

"Magpakabusy ka muna sa ibang bagay para makalimot." sabi ko.

"Kaya nga nagpapakabusy ako kay Carlos e. Matagal ko na kayang gusto si Carlos, unang dating palang niya galing London. Trinabaho ko na siya. Ako na nga ang gumagawa ng moves." sabi ni Celine sabay tayo. "Akin siya!" sabi niya.

Aba! Aba! HOY!!! Akin si Miggy! Este naging akin na si Miggy! Wag mo kong simulan baka upakan kita at itapon kita sa dagat para mapunta ka sa China! Eksaherada!!!

"CARLOS!!!" sigaw nito. Inaayos-ayos niya yung tupis nya sa boobs at sa pwetan at sabay tumakbo na pang-white-castle papunta kay Miggy. "Turuan mo akong lumangoy!"

Nanggigil ako. Kumuha ako ng buhangin at binato kay Celine...

...pero hindi umabot!

"Ang sarap-sarap ng tubig!" sabi ni Celine habang lumalangoy-langoy at hawak-hawak ang balikat ni Miggy. Tapos pacute na tawa lang ng tawa.

Naku. Lunurin kita jan e!

---

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant