BONUS

171 12 19
                                    

---

BONUS CHAPTER

After 3 months, maganda ang sikat ng araw. Bumangon ako sa kama ko at umunat. Dapat every morning, dapat laging fresh. Fresh ang feeling.

Kumatok si Lola sa pintuan ko. May dala-dalang bulaklak.

"Apo, may nagpadala ng bulaklak para sa iyo. Patong ko na lang dito sa lamesa mo ha." pinatong ni Lola yung bouquet ng sunflowers sa lamesa.

"Kanino galing yan 'La?" tanong ko habang naguunat.

Ngumiti lang si Lola at naglakad na papalabas ng kwarto. "Nakaready na ang agahan ha. Bumaba ka na agad."

Ngumiti lang ako kay Lola at lumabas na ito.

Chineck ko yung card sa sunflower. Medyo napangiti ako. Galing kay Liam.

Binuhat ko yung bouquet ng bulaklak at dinala doon sa isang lamesa. Katabi ng mga nakapasong bulaklak ng Marigold, at nakapasong halaman ng ubas na galing kay Miggy.

Tumunog yung Viber ko. Kinuha ko ang phone ko at chineck ito.

Team Roadtrip - Jen, Liz ,Dondon, Tessie, Rodney, Miggy at Liam.

Liz: Naconfirm na! Magready na kayo!

Tessie: Ay confirm na ang Bicol natin??? yehey! Go ba tayong lahat?

Rodney: Oo nemen!!

Dondon: Go kami ni Liz.

Liz: *Like sign Go go!

Miggy: *Like sign.

Seen by Jen.

Liz: Ikaw be? Go ka ba?

Napag-isip isip ako at nagtype.

Jen: Sige Go, Fight Win!

Naglike sign silang lahat!

"Panibagong adventure na naman ito" ngiting bulong ko sa sarili ko.

END of bonus chapter.








---

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon