"SAND BOARDING"

82 3 4
                                    



Sobrang init na ng araw. Bumaba na kami sa kalagitnaan ng disyerto kung saan matatagpuan ang mataas na part ng desert kung saan ka pwedeng mag-padausdos art mag-sand boarding!

Unang bumaba sa pulang 4x4 si Miggy. Inalalayan nya akong bumababa. Pa-girl naman akong bumaba.

"Carlos, ako din!" sabi ni Celine na nagtanggal ng pandoble at ngayon ay nakaspaghetti strap na lang na may print na kiss mark.

Inalalayan ni Miggy si Celine pababa. Hinawakan ni Celine ang kamay ni Miggy habang pababa ng 4x4. "Ay!" sigaw ni Celine. Bigla siyang nagpahulog at nagpasalo kay Miggy.

"Ayy ang galing mo naman Carlos" pacute na sabi ni Celine kay Miggy habang buhat-buhat siya nito. "Dahil jan. May prize ka sa akin." Kiniss ni Celine si Miggy sa pisngi!

Napataas ako ng kilay. Wow ha!

Nagkaroon na ng kiss mark si Miggy sa pisngi. Binaba na nito si Celine. At naglakad na papunta sa Sand Boarding.

Bumulong ako sa kanya noong napadaan si Miggy sa akin, "Sweet naman. May kissmark pa oh"

Tumingin si Miggy sa akin at ngumiti. "Gusto mo lang niyan ikaw e." sabay lakad ulit si Miggy habang nakangiti.

Napangiti lang ako. Pwede ba?

"BURGER TALAGA!" malakas na pagmamalaki ni Rodney. "Ang sarap magsand dunes! Hindi man lang ako natakot!" sabay flex ni Rodney.

"Ha?" sabi ni Tessie, " Nabingi nga ako sa kakasigaw mo e. Dinaig mo pa kami ni Liz. Di ba Liz?"

Ngumiti-ngiti lang si Liz, pero alam ko na may tumatakbo na sa utak nya.

"Game!" sabi ni Miggy noong nakumpleto na kami sa baba ng sand boarding.

"Kung sino man ang makaperfect ng surf, ililibre siya ng dinner! Game?" tanong ni Miggy na mukhang excite na excite.

"GAME!!" sagot naming lahat. Naperfect ko ata to nung last time na punta ko dito. "Dapat hindi na sumama si Miggy, magaling na yan e." sabi ko.

Tumingin lahat kay Miggy.

"Magaling ka ba Carlos? Turuan mo naman ako." pacute na sabi ni Celine sabay hawak sa braso nito.

Humanda kang mahaderang babaeng lipstick ka!

Umakyat na kami paakyat sa itaas ng disyerto. Walang hagdan kaya medyo mahirap umakyat sa buhangin tapos mainit pa!

Pagdating sa taas, tatlo lang ang sandboard na pwedeng gamitin.

"Kokonti lang po ang nakakaperfect jan." sabi ni Manong sa amin habang inaayos yung surfboard.

"Okay lang ho yan." sabi ni Miggy. "O sino ng una? Rod, mauna ka na!"

"Yun lang pala e." sabay palabas ng mga muscles. "Chicken lang yan!"

Sinuot na ni Rodney yung surfboard.

"1-2--" sabay nagsurf na si Rod. Ang galing magbalance. Palakpakan kami nung malapit na siya sa gitna.

"Wooo Go Rodney!" sigaw namin lahat.

BLAG!

Natumba siya. Tawanan kami. Okay Next!

Si Dondon naman, minasa-masahe muna siya ni Liz sa likod. "Kaya mo yan love!"

"1-2..." sabay surf ni Dondon. BLAG! Bagsak agad. Tawanan ulit. Okay Next si Liz.

"Go love!!" sigaw ni Dondon sa ibaba. Sinuot na ni Liz yung surfboard. "1-2... "sabay surf ni Liz. Infairness kay Liz ha! Magaling magbalance kahit paliko-liko pa
siya. 1/4 na lang matatapos na nya yung..BLAG! Bumagsak si Liz. Sayang! Next!

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon