"MALUNGGAY SHERBET"

58 2 1
                                    


Mga pasado alas onse na ng umaga ay nakarating kami sa Laoag. Nagstop-over muna kami sa Saramsam Ylocano, Isang restaurant sa Laoag na may Ilocano vibes, para magbrunch.

"Masarap daw ang mga pagkain dito." sabi ni Tessie habang naglalakad at nagchecheck sa smartphone. "Pero tikim-tikim lang ako. Alam nyo naman ang figure, kailangan imaintain!" sabay pose.

Napasmile lang kami. Si Tessie girl talaga oh. May imemaintain pa talaga siya sa lagay na yon! Iba talaga!

Pagpasok namin sa loob. Narinig ko agad ang Ilocano folk songs. Umupo na agad kami sa table good for 7.

Umupo ako. Umupo sa tabi ko si Miggy. Finill in nina Liz, Dondon at Tessie yung mga upuan na nakapaligid sa amin kaya napaupo sina Celine at Rodney dun sa kabilang dulo. Nakikipagpalit si Celine kay Tessie ng pwesto para makatabi niya si Miggy pero dedma kuno si Tessie.

Tiningnan ko yung menu. Ayokong kumain ng rice pa, so mag-mamalunggay sherbet ako.

Dumating na yung waitress na medyo chubby at maitim.

"Good morning po!" bati nung waitress na may hawak na papel, "May I take your order?"

Sinabi na ni Rodney, Celine, Dondon, Liz at Miggy yung mga orders nila. Nakangiti lang sinusulat nung waitress yung mga ala-carte nilang orders

"Kayo po ma'am?" tanong sa akin.

"Isang Malunggay Sherbet lang." ngiti ko sa kanya at tumango. Tumango naman yung waitress at sinulat yung order ko.

Tumingin sa akin si Miggy at bumulong, "Yun lang order mo? Baka magutom ka."

Nagmakeface ako ng slight at sumagot ng pabulong, "Oo. Hindi naman ako gutom."

Medyo kumunot yung kilay niya at bumulong ulit sa akin. "Ayan ka na naman. Di ka pa din nagbabago."
Tumingin siya sa waitress. "Miss, isa pa ngang order ng tinola para sa kanya." Sabay turo niya sa akin.

"Okay po." sagot nung waitress sabay sulat.

Bumulong ako sa kanya, "Bakit mo ko inorderan, hindi nga ako gutom."

"Kilala kita, baka mamaya, magreklamo ka na gutom ka." bulong niya sa akin.

Haynaku. Diet nga kasi ako.

Tumunog yung viber ko.

Team Norte, (Jen, Liz, Dondon at Tessie)

Dondon: Bulungan pa more.

Tessie: May sinesekreto na sila oh.

Liz: .*drool sign

Seen by Jen.

Tumingin ako sa kanila. At nagsmile with make face.
Nagtype ako habang nakasmile.

Jen: Wala! Mga malisyoso kayo. Palitan nyo na nga yung name ng group chat na to. Dapat Team Malisyoso! lol

Sabay ngiti ko.

"May kachat ka?" tanong ni Miggy.

Binaba ko yung phone ko. At tumingin sa kanya, "Wala to. Mga makukulit lang." sabay tawa ko at sinilent ko na yung phone ko. Tapos nilapag ko na sa mesa ng pabaliktad. Hindi kita yung screen.

"Ma'am, kayo po anong order nyo?" tanong nung waitress kay Tessie. Matagal kasing mamili si Tessie ng oorderin. Parang laging mag-eexam kung makapamili sa menu. Nirereview!

"Ahh, pinakbet lang para sa akin." sabi ni Tessie doon sa waitress na finally nakapamili na, sabay sara niya ng menu.

Nagsulat yung waitress at tumingin ulit kay Tessie, "Para sa'yo ma'am? Ilang order po?"

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now