"ENSALADANG PUSIT"

74 1 4
                                    



Gabi na. Nasa loob kami ng villa naming mga girls. Nagbibihis na kami ng pangdinner. Simpleng beach dress lang. Nagshoshower naman si Celine.

"Beh, mag-ayos ka naman." sabi sa akin ni Liz habang nagsusuklay at nakaharap sa salamin.

"Bakit?" tanong ko na nakaupo sa kama.

"Date niyo ni Miggy beh diba?" patuloy ni Liz sabay lingon sa akin.

"Ay, excited na ako." sabi ni Tessie habang nagcucurlash.

"Date? e ililibre nyo lang naman kami ng dinner, date na agad?!" sabi ko.

"Oo, date! Hiwalay kayo ng table beh." pangiting sabi ni Liz.

"At take note, doon kayo sa malayo sa amin." sabi ni Tessie, "Excited much."

Nagroll eyes ako, "Alam nyo kayo, ang dadami nyong alam."

Tinawanan lang ako ng dalawa.

Naglakad na kaming tatlo palabas. Hindi na namin hinintay si Celine dahil matagal pa raw siya sa banyo. Nagpunta na kami sa restaurant sa loob ng beach resort. Pumasok kami sa hindi naman kalakihan pero maayos naman na beach restaurant. May mga tao ding mga kumakain sa loob. Nadatnan na namin sa isang table nakaupo si Rodney at Dondon. Wala si Miggy.

"Asan na si Miggy? Love?" tanong ni Liz kay Dondon pagkatapos umupo sa tabi nito.

Umupo naman si Tessie sa tabi ni Rodney.

"Ayun siya sa dulo." turo ni Dondon kay Miggy. Na nakaupo sa dulo ng restaurant at nakatingin sa dagat. Sa may balkonahe. Table for 2.

"Beh." tawag sa akin ni Liz sabay ngumuso sa akin doon sa direksyon ni Miggy. "Go na."

"Ha?!" gulat ko. Mukhang tinotoo nila yung date-date.
"Haynako kayo ha! Ano to?!"

"Sige na Jen. Gumow ka na don." sabi ni Tessie.

"Oo. Puntahan mo na si Carlos doon. " sabi ni Rodney. "Kilalanin mo naman yung kaibigan ko. Malay mo, magustuhan mo siya. Ganon lang talaga siya, pero mabait yan." sabay convince ni Rodney.

Napatingin lang sa kaniya sina Dondon at napangisi.

"Haynaku. Ewan ko sa inyo. Dito na lang ako." sabi ko. Napatingin ako doon kay Miggy. Kumaway ito.

"Ayan na beh. Kinawayan ka na. Gora na!" pangiting sabi ni Liz.

No choice naman ako. Kaya sige go. Naglakad na ako papunta sa kanya. Bigla akong kinabahan. Ito na yung moment na gusto mo pero ayaw mo. Ito na yung moment na matagal ko ng hinihintay makalipas ang matagal na panahon. Yung makakausap mo, one-on-one, yung ex mo. Tanungin lahat ng gusto mong itanong. Kinakabahan ako. Naririnig ko yung kaba sa dibdib ko. Bakit kasi hindi ako naglipstick?!

"Kumusta na?" bati ni Miggy sa akin pagkarating ko sa table. "Upo ka na." pangiting sabi niya.

Umupo ako. Nakangiti lang siya, pero hindi ako makatingin ng derecho. Ang gwapo niya, siete! Hindi talaga ko makatingin sa kanya ng derecho.

Naalala ko tuloy yung dating Miggy. Yung masayang mga alala. Yung masayang kami.....dati.
Oo dati yun. Iba na ngayon. Heto siya sa harap ko, iba na ang sitwasyon.

Yumuko ako para tingnan yung menu.

"Inorderan na kita." sabi niya. "Yung favorite mo dito dati, yung ensaladang pusit."

Napatingin ako sa kanya at napangiti. Wow, infairness. Tanda pa niya yung gusto kong pagkain dito.

Hindi kami nagtitinginan. At hindi din kami nag-uusap. Nahihiya akong makipag-usap. Nagsusulyapan lang kami. Aalisin ko ang sulyap kapag napatingin siya sa akin. Aalisin din naman niya yung sulyap niya pag napatingin ako sa kanya. Tahimik lang kami. Wala. As in wala.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon