"SURF PA NG SURF"

81 6 2
                                    

"SURF PA NG SURF!"

Ayan na naman!!!

BLANK.

Hinimatay ako.  Pero hindi yung himatay na OA.

-----

"Jen? Jen?" sabi ng boses, "Beh?" boses ni Liz.

Pagbukas ko ng mga mata ko, nakita ko ang mga mukha nina Liz, Tessie at Dondon nakatingin sa akin. Medyo magsusunset na.

"Anong nangyari?" tanong ko sabay bangon mula sa beach sand.

"Nagblack out ka ulit beh. Buti naman at nagising ka na. Medyo nag-alala kami sa'yo." sabi ni Liz sabay patong ng towel nito sa likod ko.

"Okay ka na ba? Anong kailangan mo? Tubig?" tanong ni Tessie sabay alalay sa akin tumayo.

"Okay na ako. Talagang ganun. Sanayan na siguro."
sabay hawak ko sa ulo ko na medyo masakit.

"Buhatin na kita?" alok ni Rodney sabay pina-pitik-pitik ang mga muscles sa dibdib.

Natawa lang ako, "Nako, wag na Rodney. Salamat"
ngiti ko sa kanya.

"Buti wala kang injury beh." sabi ni Liz, tapos biglang naexcite yung mukha nya "Naku beh. May ikwekwento ako sa'yo later."

Dumating na kami sa cottage. Kinuha ko ang mga gamit kong pangtuyo. Nakaupo lang si Miggy.

"Sabi na sa'yo e." mahinang sabi niya sa akin.

Dere-derecho lang ako sa pagkuha ng mga damit. Kunwari di ko siya napapansin.

Umiling lang ulit si Miggy at tumingin na sa malayo.

"Kasya pa ba tayo sa sasakyan Rodney?" tanong ni
Tessie na medyo nayayamot.

"Oo naman." sagot ni Rodney.

"Bakit?" tanong ko habang hawak-hawak ang mga damit.

"Si Celine kasi, sumasama sa atin sa roadtrip." yamot na sagot ni Tessie.

Hindi ako makasagot. Kahit ayaw ko man, wala naman akong magagawa dahil sabit lang din kami sa roadtrip nila.

"Ahhh." sabi ko na lang, "O siya, magshoshower at bihis lang ako. Kayo na bahala jan magdecide."

Pumasok ako sa womens shower at comfort room. Ako lang mag-isa. Nagshower ako sa isa sa mga cubicles. Medyo masakit ang ulo at katawan ko pero okay lang. Hindi ka matuto ng husto, kung hindi ka masasaktan. Tapos na kong magshower at magbihis sa loob ng cubicle.

"Oo mga friends ko lang!" pacute na sabi ng isang boses na may weird na accent mula sa lababo ng women's room.  Si feelingerang Celine.

"Teka hon ha? I-loudspeaker kita ha? Hindi ko kasi maitaas yung zipper ko sa likod ng dress ko." sabi ni Celine sabay bitaw sa phone na nakaloudspeaker.

"Okay hon. Buti naman at All-girls lang kayo jan." sabi nung boses ng lalaki sa phone.  Aha! Lalaki!

"Oo naman noh hon? Miss you na." pacute na sagot ni Celine habang hirap na hirap itaas ang zipper ng dress nya sa likod.

"Kelan uwi nyo hon?" tanong nung lalaki.

Lumabas na ako ng cubicle at nakita ko sa harap ng lababo si Celine na hirap na hirap.

"Ay tulungan na kita jan." sabi ko sabay punta sa likod ni Celine, at tinulungan siya. Nilayo ko ng konti yung phone niya para di mabasa.

"Celine?" sabi ulit sa phone.

"Nga pala, hinahanap ka kanina ni Carlos. Icontinue nyo na lang daw yung pagsusurf." sabi ko habang tinataas ang zipper ni Celine. Nagulat si babaeng brace.

"Carlos?!" yamot na tanong nung speakerphone. "Anjan na naman ba si Carlos?!"

Tumingin ng masama sa akin si Celine. Nagmoumouthing na wala-wala.

"Ha? ano? Celine? sabihin ko wala-wala?" sabi ko ng malakas, "Wala si Carlos? E tawag ka niya sa labas e. Sino ba yang nasa phone? Kuya mo?"

"Hon?! Anong ibig sabihin nito?" sabi nung nasa speakerphone.

Biglang hinablot ni Celine yung phone at tumingin sa akin.  Lumakad na siya palabas ng womens cr.

Napa-oohh face lang ako.

Bumalik si Celine sa pintuan ng women's cr at dinirty finger nya ko sabay alis.

Napa-ooh face ulit ako, "At siya pa galit ha? Siya na nga tong tinulungan ko sa dress, sya pa tong galit. Oh well.." bulong ko sa sarili.

Pagbalik ko ng cottage, masaya akong sinalubong ni Tessie. Binanggit nya ang mabuting balita na nagbackout na si Celine sa pagsama sa'min at bumalik na sa mga friends niya.  Pumunta na kami sa grandia.

Si Rodney ang driver, sa passenger's seat si Dondon. Ako at Liz sa gitna, at si Tessie at Miggy sa likuran.

"Balik tayo ng San Fernando. Doon tayo magtent sa mga beaches doon. Mamalengke na din tayo ng mga iihawin natin para sa dinner natin." Panimula ni Dondon.

"True! Gusto ko ng inihaw isda tapos may kamatis!" sabi ni Tessie na takam na takam.

"Gusto ko din non! Seafood!" dugtong ni Rodney at sabay tumingin sa amin. "Bili na din tayo ng hipon! Diba Jen at Liz kanina pa kayo nagcrecrave ng hipon?" inosenteng tanong ni Rodney.

Hindi namin mapigilang humagikgik ni Liz.

----

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Where stories live. Discover now