03

10.6K 271 3
                                        

Yance

Busy ako magbilang at napansin ko na nakatulog na siya. Napagmasdan ko siya at tila may luha sa mga mata niya. I just knew it! Kahit na nakangiti siya alam kong kulang yon. It feels like shes broken. I want to see her smile, her real smile.

Alam ko kya siya nilalapitan sa bar dahil sa napakainosente at malungkot niyang mukha. Pansin ko din na tahimik lang siya.

She is not that gorgeous like people I know but theres something she has that made her stands out.

I cant stop myself looking at her. Napansin ko nlang na kanina pa ako nakatingin sa kanya at nakalimutan ko ng magbilang.

Napakamot tuloy ako dahil nakalimutan ko na kung saan na ba ang binibilang ko. Kaya ito umuulit ako.

"Bree..ba..kit?" Narinig ko siyang umungol though di ko masyadong naintindihan.

Sa wakas natapos ko ding magbilang at bigla naman siyang nagising, medyo magulo ang buhok niya at napatingin ako. She looks hot.

"Sorry nakatulog ako." Nahihiya nyang sabi.

"Its okay, katatapos ko lang din naman." Ngiting sabi ko.

"Yuri matanong ko lang saang school ka?" Napangiti siya.

"Nagwowork na ako. Matanda na ako."

"Seryoso? Hindi halata, gano katanda?"

"35" nanlaki mata ko. "Joke lang 25'na ako."

"Kala ko kaedad lang kita na 21." Siya naman ang nanlaki ang mata.

"Wow! Ang bata mo pa pero negosyante ka na." Ang cute nyang magsalita.

"Siguro dahil sa dugo."

Hindi namin namalayan ang oras at ang dami naming napagkwentuhan, mga bagay na gusto namin at ayaw, marami kaming pagkakaiba pero ang sarap niyang kausap. Napansin kong sweet din siya at lagi siyang tumatawa sa mga biro ko.

This is not really me dahil seryoso ako kadalasan at minsan lang makipagbiruan, sa amin kasing barkada ako ang pinakamatanda kaya parang ako ang boss at si Jeanne naman feeling boss. Haha

"Hala 6am na pala.. Yance sorry sobrang abala na ginawa ko sayo."

"Wala yon, tara hatid na kita."

"Hindi na ako papayag na maabaala ka..madali nalang magcommute kasi umaga naman na."

"Pero."

"Dont worry, super okay lang.. Yaan mo makakabawi din ako sa tulong mo sakin."

Gusto ko sana siyang pilitin pero nahiya na rin ako. Sabay na kaming lumabas ng bar at sinigurado kong okay na lahat at binilin ko sa security guard.

Nang nakauwi ako, naligo ako agad para makapagpahinga pero sa tuwing pipikit ako siya ang nakikita ko.

"What's with that woman? I cant get her off my head." I sighed as I face the water flowing in the shower.

Would I see her again?

===

Yuri

Maaga ako sa office para makita ang kaibigan kong hindi ako binalikan. Pero naisip ko nakakapagod kung aawayin ko pa siya. Hindi nalang muna ako kikibo dahil nakakaconsume ng energy.

"Yuri.." tawag niya sakin pero di ako umimik sa kanya.

"Sorry na talaga, pagkahatid ko kasi sa kanila nakatulog ako kila Rose. Bigla kasi aking inantok. Babalikan sana kita kaso paggising ko umaga na. Hindi mo naman sinasagot tawag ko. Wag ka na magalit please." Sabi nya sakin na payakap yakap pa.

"Oo na. Tantanan mo nga kakayakap sakin dahil naaalibadbaran ako." Pagsusungit ko sa kanya.

"Ayan mas gusto ko na nagsusungit ka kesa hindi ka umiimik." Ngiting ngiting sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at uminom nalang kape.

"Anyways, what time at pano ka umuwi?" Tila guilty siya.

"Umaga na yon ee. Nakakwentuhan.ko yong may ari. Si Yance."

"As in? Ang swerte mo naman! Alam mo crush na crush ko yon kaya lagi andoon sa bar bukod pa doon yong mga volleyball players na sinasabi ko lagi din andoon. At isa pa Ang bata pa ni Yance tas may 3'Bars na siya. Yong pinuntahan natin yong pinakamalaki." Mabaha niyang sabi. "At isa pa hindi yon masyadong nakikipag usap sa.mga customers unless..." putol niyang sabi.

"Unless what?" Kunot noo kong tanong.

"Type nya.."

"Mukha naman talaga siyang mabait saka makwento din. Isa pa ang ganda niya saka ang tangkad para siya 5"9. Nakakaintimidate din siya tumingin saka Ang cute ng smile niya." Napansin kong naging seryoso si Pearl habang nakatingin sakin. Kung marunong lang ako magtaas ng isang kilay talagang tataasan ko siya pero parehong tumaraas ang kilay ko kahit anong pilit ko, inshort di ako marunong.

"Inumaga kayo sa bar?" Bigla nyang tanong.

"Oo, magbibilang siya noon eh. Tapos nagtanong ako kung hanggang anong oras sila open at saan pwede mag taxi. Pero wag daw kasi delikado ng ganong oras at since may gagawin pa daw siya, she let me come with her in one of the vip rooms."

Nakunot ang noo ko dahil naniningkit ang mata niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"What's with that face?" Mataray kong tanong sa kanya.

"As far as I know she doesnt stay late on her bar."

"My gosh Pearl! What are you pointing out? Alam ko yang iniisip mo."

"You can't blame me. I am always in that bar since college especially with my sissy and..."

"And what?"

"She's bisexual."

"Weh? Sa ganda nyang yon? Mas maganda pa nga sakin and she is so perfect. Super ganda niya. Ikaw wag ka ngang judgmental diyan"

"I know but.. Ahmm.. Basta!" Suko niya.

"Hay naku Pearl ang lawak ng imagination mo." Natatawa kong sabi.

"Pero what if gusto ka nya talaga." Nanlaki ang mata ko sa tanong niya at natawa nalang. Iniwan ko siya at dumeretso na sa station ko.


I've Been Waiting For You (GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt