26

6.7K 176 9
                                        

"Magbibihis na ako..hwag ka ng makulit diyan."'sabi ko sa kanya dahil muntik nanamang mahulog ang towel ko. Napansin ko napapangiti siya at labas pa ang pangil.

"Tawa ka diyan?"

"Kasi hon.. Ang lakas talaga ng impact ko sayo. Wala pa akong ginagawa eh nahuhulog na towel mo." Sabay tawa niya kaya binato ko siya ng unan at nasapol sa mukha. Tumigil siya sa pagtawa at nagseryoso ang mukha na papalapit sa akin. Kaya napapaatras ako at nang nakalapit kinulong niya ako sa mga braso niya.

"Sorry na Yance! Ikaw kasi tinatawanan mo ako." Di ako makatingin kasi nakakatunaw mga titig niya.

"Alam mo namang masama akong ginagalit dba?" Ngisi niya sa akin at bigla akong binuhat at marahang hinagis sa kama.

"Aaaah!" Marahan akong napasigaw sa ginawa niya at umangat naman ang towel ko kaya mabilis kong tinakpan yon. Grabe nga titig niya sa akin.

"You are so gorgeous hon." Malambing na sabi niya na pagapang sa akin. Ambilis ng tibok ng puso ko. Sinimulan na niya akong halikan sa leeg at nanlalambot na ako sa ginagawa niya.

"I love you so much.." malambing na sabi niya.

She was about to remove my towel when her phone rings. Iba ang tugtog nun kaya for sure about sa work yon. Nakita kong nainis siya.

"Sagutin mo na."

Agad naman niyang sinagot.

"Okay..sige. Sana nagtext ka nalang kailangan pa bang tumawag. Esturbo ka eh." Narinig kong sabi niya at nagbihis na ako. Nag blouse lang ako na blue at ripped shorts na hindi gaanong maiksi. Medyo natagalan usapan ni Yance at lahat tungkol sa work.

Bumuntong hininga siya. "May pasok ako bukas kala ko okay na hindi pa pala."

"Okay lang yon. Work yan eh." Sagot ko sa kanya.

"Sulitin ko sana bakasyon mo eh." Nakalabi niyang sabi. Bahahya akong natawa ang cute niya kasi.

"Ano ka ba.. Bukas pa pasok mo. Uwi ka nalang ng maaga kasi gusto ko kasama kita." Lambing ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. "I'll finish everything tomorrow." Ngiti niya. Humalik muna siya sa lips ko at pumasok na ng banyo. Maliligo na siguro. Nagpatuyo na ako ng buhok at naglotion.

Laking gulat ko ng lumabas siya ng banyo at nagtutuyo ng buhok at wala man lang tapis na towel. Sht! Ang sexy talaga niya. Pakiramdam ko namumula ako kaya umiwas ako ng tingin.

"Uy nagbublush ang hon ko." Pang aasar niya.

"Magbihis ka na nga!" Pagsusungit ko.

Nagbihis na din siya ng blue na tshirt at shorts. Nagpapatuyo sya ng buhok.

"Okay na kayo nila Ellaine?" Tanong ko.

"Yup.. Bati na kami.. Di na daw nauulit. Magsosorry daw sila sayo. May peace offering nagluluto sila." Sagot ni Yance.

"Mabuti at okay na kayo." Nakangiti kong sagot.

"That's because of you hon. Tara baba na tayo." Aya niya sa akin at nakaakbay pa siya. Narinig namin yong tatlo sa kusina na nagluluto ng seryoso. Mga busy sila.

"Nash! Wag ka ng nakialam di mo to alam. Baka di makain pag nangialam ka!" Saway ni Cheska.

"Tumutulong lang naman ako eh." Reklamo niya.

"Naku Nash! Salamat sa tulong pero wag na! Sayang ang pagkain." Natatawang sabi ni Allaine.

"Ang sama niyo sa akin!" Maktol niya.

"Gumawa ka nalang ng drinks. Yong punch ha." Sabi ni Cheska.

"Ay sige!"

Nakakatuwa silang tatlo dahil busy na busy.

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now