Yance
"Natulala ka Hon?"
"Sa..sayo yan?" Nangingiting sabi niya.
"Yup." Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinasakay na. Natutuwa aking makita siyang nakangiti.
"Bakit ngiting ngiti ka?"tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa drivers seat at inaayos ang seatbelt niya. Napansin ko namumula ang pisngi niya at napapangiti ako. Kala ko wala akong epekto sa kanya.
"Natutuwa kasi ako nakasakay ako sa dream car ko." Para siyang batang tuwang tuwa at napangiti ako.
"Mas magaganda yong kotse nung tatlong makukulit." Sagot ko sa kanya at pinaandar na ang makina.
"Mas maganda parin ang Audi." Tuwang sabi niya. Ewan ko ba natutuwa ako pag nakangiti siya.
Habang biyahe tahimik lang kaming dalawa at napuna kong napapapikit siya. Hindi naman trapik kya mabilis lang kaming nakarating.
"Yance, salamat talaga sa paghatid." Nahihiya niyang sabi.
"The pleasures all mine honey." Nakangiti kong sabi at napansin kong nahihirapan siyang tanggalin ang seatbelt kaya ako na nagtanggal.
"Salamat uli ha, aalis na ako." Agad akong bumaba para pagbuksan siya.
"Ang sweet mo naman." Nakangiting sabi niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Natahimik siya.
"Sa uulitin."
"Sige, salamat uli." Mali ata ang ginawa ko dahil parang naiilang siya.
Laking tuwa ko ng lumingon pa sya at kumaway ng nakangiti. That made me smile and wave to her too. Nang hindi ko na siya makita, sumakay na ako ng kotse at umuwi na sa bahay kung nasaan ang mga magugulong kaibigan ko.
"Yanski!" Agad nilang sigaw nang dumating ako.
"Binata na ang boss natin!" Si Johann
"So what happen? Anong score?"si cheska na ngiting ngiti.
"Nakiss mo ba? Ano nakuha mo number niya?" Si Jenna naman.
Bigla aki natahimik, di ko nga pala nakuha number niya.
"Hindi nakuha ee."
"Ano ba naman yan?! Ang tapang tapang mo tas ngayon number lang niya di mo pa nakuga." Dismayadong sabi ni Jenna.
"Kaya nga eh! Torpe ata ang boss natin." Natatawang sabi ni Jo.
"Pano mo na siya niyan makikita uli?" Si cheska na mukhang nanghihinayang.
"Number lang ba ni ate Yuri problema nyo, wla pala kayo eh, ako meron nakuha ko kay Pearl!" Biglang singit ni Nash na busy mag cellphone kanina.
"Woooow!" Nagulat ang lahat.
"Alam ko rin kung saan sila magwowork." Pagbibida ni Nash.
"Ayon oh! Swerte mo pa rin Yanskie!" Si Margot na sinisiko siko pa ako.
"Ang iingay nyo talaga." Tipid kong sabi ako humiga sa sofa na nakaunan sa lap ni Nash.
"Kunwari ka pa eh obvious ka naman." Pang aasar ni Jenna.
"Baka gusto nyo ng umuwi at baka mabalian ko layo ng buto."
"Ano pa nalaman mo sa kanya?" Tanong ni Allaine na kanina pa tahimik.
"Ayon, nag aapartment siya bandang North tapos, taga province siya talaga pero bihira siya umuwi. Saka straight daw yon si ate Yuri."
Nakikinig lang ako kay Nash kahit maraming bagay na akong alam tungkol sa kanya.

BINABASA MO ANG
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...