04

10.3K 256 2
                                        

Mabilis na lumipas ang panahon ang tulad ng dati trabaho, apartment, gym at minsan namamasyal kasama ng mga kaibigan ko.

Si Pearl lagi kong kasama dahil gym.at exercise buddy ko siya at sa wakas nakalimutan na niya akong asarin kay Yance. Nakakatikim na kasi siya ng katarayan ko.

Yong ding araw na yon ang una at huli kong punta sa bar na yon at minsan pinipilit ako ni Pearl na pumunta pero tinaranggihan ko lang kaya sa iba na kami pumupunta.

What I hate the most ay ang aasarin ako. Pikon kasi ako.

"Yuri, jogging tayo sa Makati ngayon, rest day naman eh. Tapos doon ka na muna sa bahay para di ka maboring sa apartment mo." Aya ni Pearl.

"Hindi ba tayo maggygym?" Tanong ko.

"Bukas pa sched natin doon. Sige na wala kasi akong kasama sa bahay." Nakanguso nyang sabi. "May spaghetti sa bahay."

"Okay sige!"

"Grabe ka! Mukha mo puro pasta talaga eh nu."

"Ganun talaga Pearly shells. Buti nalang tank top dala ko."

"After shift deretso tayo tapos kumain na tayo ng madami ngayong break natin para pag uwi pagtapos ng jogging tulog na tayo."

"Sure!"

Right after ng shift nagbihis na kami ni Pearl ng pang jogging at pumunta na ng Makati gamit kotse niya.

"Ganda ng araw!" Nag iinat niyang sabi.

Nilagay ko na sa tenga ko yong headset para habang nagjojogging ay may music.

Dahan dahan lang kaming nagjojogging kaya napansin kong sigeng lingon ni Pearl.

"Pearl! Nakakahalata na ako sayo ha!"

Lumingon siya sakin at inosenteng tumingin.

"Bakit?" Pabebe niyang tanong.

"Aminin mo sino bang hinahanap.mo?!" Masungit na tanong ko sa kanya.

"Sabi ng sissy ko dito daw nagjojogging yong mga crush namin." Kinililig niyang sabi.

"Walang hiya ka talaga! Dinadamay mo pa ako sa pagiging highschool mo!"

Hahampasin ko sana siya sa braso niya pero mabilis siyang nakaiwas. Maliksi kasi si Pearl.

"Ayaw mo nyan Yuri nakakabata kasing sumama sakin di ko nga akalain bente singko ka na!"

Pag diinan talaga edad ko. Hahabulin ko siya para makurot pero mabilis siyang nakatakbo.

"Habulin mo ako ate Yuri! Bilisan mo!"

Lumingon pa siya para lang mag belat.

"Pag ikaw naabutan ko Perlas humanda ka sakin!"

Ang bilis niyang tumakbo piliy kong hinabol nang bigla nalang akong may.mabunggo at sa sobrang lakas alam kong matutumba na ako. Napapikit nlang ako nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko pahila at napayakap sa malambot na bagay.

Hingal na hingal ako dahil sa pagod at sa nerbyos. Pag dilat ng mata ko laking gulat ko nang makita ko ang taong may yakap sakin. Hindi ko alam kung sobrang pagod lang ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hey!" Nakangiti nyang sabi. "We met again." Her smile is so genuine. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakalalay ang isang kamay niua sa balakang ko at nakatingala ako sa kanya. Nang mauliratan ako agad akong umayos ng tayo.

"Sorry, hindi ko sinasasya." Nahihiya kong sabi.

Napansin ko na mukhang nagjojogging siya dahil sa suot niyang sando at shorts. Nagpupunas siya ng pawis.

I've Been Waiting For You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon