47

5.3K 151 3
                                        

Nakasakay ako sa likod ng kotseng dala ni Margot. Nasa harap si Jenna katabi niya. Tatabi sana sakin si Jenna kaso nagreklamo ito na mukha daw siyang driver. Nagtext ako kay Pearl na hinatid na ako nila Margot at alam kong di naman siya pababayaan ng boyfriend niya.

"Uy! Namiss ko dito. Tara kain tayo ng lugaw sa plaza." Excited na sabi Ni Jenna. Maagap naman niya akong napagbuksan ng pintuan ng kotse. Tahimik lang ako. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.

Naupo na kami sa may lugawan. Hindi ko akalaing kumakain pala sila sa ganitong lugar.

Nagkukwentuhan sila at parang di ko sila naririnig. Naamoy ko nalang ang mabangong lugaw at parang nagutom ako sa amoy nito lalo pa at ang daming bawang. Bahagya akong napangiti.

Pinigian ko yon ng kalamansi. Weird ko sa arrozcaldo dahil nilalagyan ko ng kalamansi. Yong dalawa sarap na sarap na kahit napapaso ay sigeng kain padin.

"Ang sarap." Masaya kong sabi.

"Sabi na magugustuhan mo dito."'nakangiting sabi ni Margot.

"May magic kasi itong lugaw. Mapapasaya ka nito." Natatawang sabi ni Jenna.

"Mukha nga." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Sarap na sarap kami sa kinakain namin at nagtatawanan habang nagkukwentuhan. Nag kwento sila about sa pag aaral nila. Lovestory nila at kung anu ano pa. Natutuwa naman ako sa kwento nila. Natatawa nalang ako dahil naisipan pang mag selfie sa lugawan.

"Oh Olivia, bayaran mo na." Biglang sabi ni Margot. Nanlaki ang mata nito.

"Bakit ako ikaw nag aya dito Margot Julia! Saka wala akong cash!" Reklamo nito.

"Seryoso ka?! Hwag ka ngang magbiro! Wala akong cash dito!" Nanlaki din ang mata niya.

"Ay ang tanga mo! Bakit di ka nagdala ng cash!?"

"Hindi ko nadala yong isang wallet kasi puro cards lang."

"Baka natanggap sila ng card dito." Sabi ni Jenna at natatawa ako sa pagtatalo nila dahil pati yong tindera napapalingon sa sigawan dahil sa pagbayad.

"Wag na kayong magtalo. Ako na ang bahala." Natatawa kong sabi at mukhang nahiya yong dalawa.

"Ate sorry na! Babawe kami bukas! Si Julia/Olivia kasi!" Sabay nilang sabi at nagtinginan pa.

"Bakit mo ba ako ginagaya!" Sabay uli sila at lalo akong natawa.

"Hwag na kayong magtalo." Natatawa kong sabi. "Napasaya niyo ako sobra!"

Binayaran ko na ang lugaw at bigla namang tumawag si Jo sa akin.

"Jo?"

"Ate andaya! Bakit kayo magkakasama! Dapat kasali ako! Iniinggit nila ako sa mga pictures nyo. Dba ako bff mo!"'parang batang nagmamaktol na sabi nito napangiti naman ako.

"Nagkataon lang Jo. Ikaw kasi busy ka di ka tuloy nakasama." Natatawang sabi ko.

"Daya! MAY utang ka sakin ate! Bukad date tayo! Sunduin kita ng 4pm! Magtatampo ako kapag di ka pumayag. Bukas 4pm bye!" Nagtatampo nitong sabi at binaba na ang tawag. Napailing nalang ako.

Nagulat ako dahil 2am na pala..hinatid nila ako sa condo at madali naman akong nakatulog.

Wala na ang mga pictures namin ni Yance sa kwarto. Tinago ko muna para di masyadong masakit.

Tanghali na nang magising ako at gaya ng dati, sobrang tinatamad ako nakabaluktot lang ako sa kumot. Maaga pa naman 4pm pa ako susunduin ni Jo. Mamaya nalang din ako kakain.

"Ate Yuri! Gising na!" Nagulat ako dahil nasa kwarto na pala siya. Alam nila kasi ang password sa condo.

"Ang aga mo!'wala pang 4pm ah! 11 palang oh."

"Boring eh. Walang pasok. May dala akong lunch! Hulaan mo kung ano?" Masayang sabi nito.

"Uhmmm? Clue?" Bumangon naman ako.

"Favorite mo ito. Ulam!"

"Adobo?" Nakangiti kong tanong.

"Oo ako nagluto kaya bumangon ka na diyan kasi ako gutom na." Lumabas siya agad at ako naman naligo. Swerte ko sa kanila ang babait nila sa akin.

Pero sa tuwing kasama ko sila mas namimiss ko si Yance. Sana hindi sila galit sa kaibigan nila.

Nag aasikaso ako at nang matapos maligo at makapagpalit na ng pang lakad napatingin ako sa salamin. Ang haba na pala ng buhok ko.

Gano na ba katagal Yance? Pakiramdam ko sobrang tagal na.

Habang kumakain kami ni Jo nagulat siya sa tumawag sa kanya.

"Ate! Tara sa airport!" Nagmadali kaming umalis di na ako nagtanong. At sumunod sa kanya. Sigurado ako tungkol kay Yance to.

Nasa kotse na kami at nagbabyahe.

"Aalis si Yance papuntang US, naaksidente ang parents nya, pati kuya niya. Critical ang lagay. Kailangan siya doon at ang business niya. Nag alala ako sa kanya.

Sana maging okay na ang parents niya.

Nagmadali kaming pumasok ng airport at nakapasok naman kami dahil kilala si Jo.

Nagkahiwalay kami at natataranta ako. Baka hindi ko na siya uli makita.

Nakita ko siya sa isang upuan, nakayuko at halatang problemado. Marahan akong lumapit sa kanya.

"Yance..." mahina kong tawag. Agad siyang napatingin sa akin at mapait na napangiti. Yumakap siya at niyakap ko din siya. I feel that she needs me at this time.

"Be strong Yance. I know they'll be fine." Nakayakap lang siya sa akin.

"Sorry.. They need me. I was so busy and I cant.." putol niyang sabi.

"It's okay.. I understand. Keep safe. Hwag mong pababayaan ang sarili mo. Andito lang ako."

"I know na nasasaktan. Hindi ko pa magawang bumalik sayo dahil hindi pa ako maayos.. Sana ako lang Yuri..kahit gano pa katagal ang abutin."

"Aalis kang may dalang isang bagay mula sa akin." Mahina kong bulong.

"Baby! Our flight is.." sabi bi Riley at nagulat nang makita ako.  Kahit ako nagulat din. She call her baby?

"Let me just talk to her for the last time.." sabi ni Yance.

For the last time.. Nag echo yon sa tainga ko.

"Yuri..I will explain everything as I come back.. I am really sorry for hurting you."

"Please..wag mo na muna akong isipin. Isipin mo muna ang pamilya at sarili mo." Pilit akong ngumiti.

"Bye Yuri.." paalam niya. I hug her for the last time.

Tumalikod na siya at kumapit na si Riley sa kanya. Ang sakit dahil hinahayaan niya lang si Riley. Sila na nga ata..

Goodbye Yance... Tumalikod na ako. Hindi man lang niya nagawang lumingon sa akin.

Yance, bakit kahit harap harapan na ito, mahal pa din kita?

Bakit ka puro promise pero ang nakikita ko ang layo mo na sa akin.

Sana wag mo akong paasahin..

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now