Days past and it went well. Kaso sabi ni Yance nagtatampo na daw ang bestfriend niya. Sabi ko samahan nalang niya at baka magalit pa. Busy na rin si Yance sa work niya. Nadagdagan daw ang work load niya dahil she is proving something. Ayaw niya pang sabihin sa akin ang reason kaya hinayaan ko nalang. Basta sabi niya para daw sa future.
I honestly dreamt for a wedding. Hindi ko lang inaasahan na sa isang babae din pala ako ikakasal. All that matters to me now is her. I updated my Facebook status and she was happy when I accepted her request.
Engaged with Yance Grey.
Wala na akong paki sa mga closeminded na tao. May mga kaibigan akong nagcongratulate sa akin at may ibang nagtaka. Pareho kasi kaming maganda. Haha!
Nakatingin ako sa engagement ring na binigay niya sa akin. Mahal siguro to pero di ko matanong dahil nahihiya ako at alam ko namang di niya ako sasagutin.
All I know is I am happy..
But until when?
====
Rest day nanaman at nasa bahay ni Yance si Bea. Galing daw sila sa work at ayon pagod na pagod si Yance dahil masama din ang pakiramdam niya. Hindi naman maawat dahil kailangan daw niya tapusin na agad agad.
Lumabas ako sa may garden para magrecord. Nag start na ako nang tawagin ako ni Bea.
"Yuri.. Bakit mo ba pinagdadamot ang bestfriend ko?" Masungit niyang tanong. Napakunot ang noo ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.
"Wag ka ba ngang mag maang maangan diyan! Ayaw mo na siyang sumasama siya sa akin! Kala mo kung sino kang mabait!" Inis na sabi niya sa akin.
"Teka lang Bea.." mahinahon kong sabi sa kanya.
"Shut up you bitch! Akala mo kung sino kang babae ka! Bakit ikaw la ang nagustuhan ni Yance ang pangit pangit mo! Isa ka kang pulubi! Gold digger! Impokrita!" Galaiting sigaw niya sa akin.
"Bea somusobra ka na." Pinilit kong kumalma.
"Pera lang naman habol mo sa kanya dba? Magkano gusto mo at ibibigay ko sayo layuan mo lang siya! Akin si Yance akin!"
"Bea.. Mahal ko si Yance. I respect you as her bestfriend. Please tumigil ka na." Napapabuntong hininga nalang ako. Each one of then thinks na pera lang ni Yance ang habol ko.
"Ano magkano ba? Wag ka ng mag inarte! Layuan mo na si Yance."
"Bea please tama na. Hindi ako ganyang tao. Aalis na ako, walang patutunguhan ang pag uusap na ito." Tatalikod na ako nang bigla niyang pagsasampalin ang sarili niya at nagulat ako. Piliy ko siyang pinipigil pero ang lakas niya.
"Bakiy ikaw pa!" Iyak na sabi niya.
"Bea please tama na wag mong saktan ang sarili mo!" Pagpipigil ko sa kanya at pilit kong hinahawakan ang brasi niya.
"Bakit ganun! Ginawa ko ang lahat para bumalik siya pero binabalewala niya lang ako! Bakit pa sa isang dukhang tulad mo! Hindi ko matanggap!" Iyak.siya ng iyak at sinasaktan ang sarili niya. Pilit ko siyang pinipigil pero nagulat nalang ako nang magpatumba siya.
"Yuri! Bea!" Sigaw ni Yance.
"Yance! Sinasaktan ako ni Yuri! Nagpapaalam lang ako tapos nagaliy siya at pinagsasampal ako." Iyak ni Bea at yumakap kay Yance pag kaalalay niya dito.
Wtf?! Ako pa ang masama.
"Yance! Napilayan ata ako di ako makatayo." Iyak niya.
"Yuri bakit mo yon nagawa?" Nakita ko ang galit sa mata niya. "Pagod na pagod na ako at ito pa ang makikita ko! Fck! For all people Yuri ikaw pa ang gagawa nito sa bestfriend ko!"

YOU ARE READING
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...