Dedicated for blueLove_15 thank you so much sa pagbasa at pagvote. :)=======
Maayos naman ang pagtigil ko kila mama. Nagkukwentuhan lang kami at nag fofoodtrip.
Niyaya ko si bunso sa may fishball sa may plaza. Medyo nag crave kasi ako. Nang makabili kami ng pagkain namin naupo kami sa may bench.
"Sarap talaga nito." Masayang sabi ni Yessa.
"Sinabi mo pa." Sagot ko sa kanya at sumubo ng isang qwek qwek. "Gusto ko rin sana ng mga isaw kaso wala naman."
"Takaw mo ate!" Natatawang sabi ni Yessa.
Nasa kalagitnaan kami ng masayang kwentuhan nang makita ko siya uli. Ako na nga name niya? Dan..? Dan something yon.
"Hey!" Masayang bati niya at ngumiti naman ako. May dala siyang aso na nakatali at hawak niya. Golden retriever to. Yong kapatid ko kabadong kabado dahil talagang may trauma sa mga aso.
"Ate! Didilian na ako!" Naiiyak na sigaw ng kapatid ko. Maagap namang nahila ni Dan yong aso. dan nga ba ang name niya?
"Ay sorry!" Agad niyang sabi. Yong kapatid ko naman namutla.
"Naku takot na takot kasi talaga yan sa aso." Sabi ko dito. "Kahit ako din."
"Naku pasensya na. Pinapasyal ko lang kasi." Sabi nito. Pinaikot niya yong aso sa likuran at mabait naman.
"Ang galing naman! Masunurin ang alaga mo." Mangha kong sabi. Ngumiti siya at naupo sa tabi ko. Nailang naman ako dahil kumakain kami kaya inalok ko siya. "Gusto mo?"
"Thanks!" Kinuha niya ang stick at sumubo ng isa. Pinagmasdan ko siya. Ang ganda niya talaga. Greyish pa ang mga mata niya at nakapony siya ngayon. Ang tangos ng ilong at pinkish ang lips. Ang bango pa niya.
"Baka naman malusaw ako nyan." Pilyang ngiti niya sa akin at pakiramdam ko namula naman ako.
"Pero kung sing ganda mo naman ang lulusaw sa akin, willing ako." Sabay kindat niya. Napailing nalang ako na natatawa.
"Ate nauuhaw na ako. Uwi na muna ako. Magsisimula na pinapanood ko." Biglang sabi ni Yessa at naglakad na papaalis.
"Sige, ingat!"
"Lapit lang ng bahay eh." Natatawa nitong sabi.
Napansin ko namang nakatingin siya sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman...kamukha mo lang kasi ang mapapangasawa ko." Nakangiti nitong sabi.
"Oh talaga?"
"Kapangalan mo rin." Dugtong niya.
"Wow! Unusual sa lalaki ang name na Yuri ah."
Napangiti siya at seryosong tumingin sa akin.
"She's a woman and I am actually pertaining to you." She smiled sweetly at nanlaki ang mata ko. Hindi ko akalaing babae ang tipo niya. "Sorry Yuri, mabilis na kung mabilis kasi gusto kita matagal na simula nong isang buwan, lagi kitang inaabangan pag weekend. Nagkagusto ako sayo nung nanalamin ka sa kotse ko. Nasa loob ako non tas mukha mo ang unang nakita ko. Galing ako sa inuman nun tapos di ka na nawala sa isip ko." Napapangiti siya habang nagkukwento. "Lagi na kitang sinusundan non. Na love at first sight ako sayo."
Nakikinig lang ako sa kanya. It was a sudden confession na kinabigla ko din.
"Uhmm. Hindi ko na kasi kaya pang titigan ka sa malayo kaya nilakasan ko na ang loob ko. Sana hindi ka mailang sa akin o mandiri na lesbian ako." Nahihiya niyang sabi.
Ngumiti ako. "Dont worry hindi ako homophobic. Pero nagulat lang ako kasi ang ganda ganda mo at mas maganda ka pa nga sa akin."'natatawa kong sabi.
"Hindi rin.. Mas magnda ka talaga." Hinawakan niya ang kamay ko. "Mas lalo akong naiinlove sayo. Pwede ba kitang ligawan?"
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
"Ano.. Hindi pa ako ready sa mga ganyan eh. Saka bago palang tayo nagkakilala. Friendship ang maioofer ko sayo." Deretso kong sabi sa kanya. Hindi pa ako ready. Mahal ko pa rib si Yance. Siya pa rin.
"Basted na ako agad?" Malungkot niyang sabi. Napayuko naman ako. "Dbale friends muna sa ngayon. Pasasaan ba at mapapaibig din kita." Confident niyang sabi na kumindat pa sa akin. Natawa nalang ako.
Masaya siyang kasama. Pala kwento din at gentle woman. Parang si Yance, haaay siya nanaman.
Okay din sana si Dani pero ayaw ko siyang gamitin sa kalungkutan ko. Siguro masaya na si Yance sa buhay niya ngayon.
Hinatid na niya ako papunta sa bahay.
"Ingat ka pauwi." Sabi ko dito.
"Oo naman, kasi mamahalin mo pa ako." Ngiti niyang sabi. Natawa nalang ako at pumasok na sa bahay.
Napahiga nalang ako sa kama at naalala ko ang confession niya kanina. I admit na kinikilig ako sa nangyari. Shes an amazing woman, nakakatuwa yong pagiging masayahin at confidence niya.
Masyado na ba akong nalunod sa pagmamahal ko lay Yance kaya di ko man lang napapansin ang mga tao at bagay bagay sa paligid ko?
I admit na kahi papaano ay umaasa ako na makikita ko pa siya. Pero baka mas masaktan lang ako. Ang dapat ko nalang gawin ay palayain ang sarili ko.
Pero paano?
=========
Kinabukasan nagpaalam na ako kila mama para umuwi. Naglalakad na ako nang mapansin siya sa may kanto. Nakasandal siya sa minicooper nya. Nakashades, nakalugay ang buhok. Nala black jeans siya at tank top.
Ang sexy niya.
Nang mapansin niya ako. Lumapit agad siya.
"Aga mo namang tumambay." biro ko sa kanya. Ngumiti siya ng matamis at nagulat ako ng kunin niya ang bag ko.
"Hinihintay talaga kita. Hatid na kita." Excited niyang sabi at hinawakan pa ang kamay ko at binuksan ang pinto ng kotse niya.
"Sandali. Nakakahiya naman sayo. Malapit na ang sakayan dito. Kaya ko na yong lakarin." Pilit kong inabot mula sa kanya ang bag ko pero iniwas niya yon.
"Sa Manila punta mo dba? Sabay ka na sa akin. Inabangan talaga kita."
"Dani.. Hwag na nakakahiya."
"Please, maaga akong gumising para sayo. Hindi naman kita ipapahamak. Hwag ka ng mahiya sa akin. Saka gusto mo ng documents, nbi clearance ko?"
Natawa ako sa kanya.
"Hindi naman sa ganon."
"Please sakay ka na. Manila din punta ko."
Wala na akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya. Makulit din pala siya. Sabagay magaan din naman ang loob ko sa kanya at mabait siya.
I like her..
As a friend.

YOU ARE READING
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...