11

7.5K 221 4
                                        

Yuri

Antok na antok ako sobra. Bago pa makapagmaneho si Yance nakatulog na ako. Nagising ako nang makaramdam akong may bumuhat sakin at nagsimula ng maglakad.

Hindi ko masyadong madilat ang mata ko pero alam ko buhat niya ako. Ang nag iisang tao na nagpaparamdam sakin na safe ako.

"Yance.." mahinang tawag ko. "Ibaba mo ako. Kaya ko maglakad."

Bigla akong bumalik sa wisyo dahil alam ko wala ako sa apartment ko lalong hindi sa office. Nasa bahay nanaman niya ako. Nagpumiglas ako kaya marahab niya akong binaba.

"Muntik ka na tuloy mahulog ang likot mo." Seryosong sabi niya at hinapit ako sa bewang.

Ang tangkad niya, ang laking bulas.

"Dba sabi ko sa office ako matutulog, saka binuhat mo nanaman ako, nakakainis ka." Maktol ko sa kanya.

"Hindi kita papayagang doon sa office mo matulog." Malambing na sabi niya.

"Edi sana sa apartment ko nalang." Nakayuko kong sabi. "Uwi na ako."

"Mas lalong di kita papayagan na doon umuwi. Mag isa ka lang mahirap na baka ano pa mangyari sayo. Halika na nga para makapagpahinga ka." Hinila niya ako habang nakangiti papunta nanaman sa kwarto nya.

"O sige maligo ka na muna para mas gumaan pakiramdam mo honey ko." Sabi niya at tinulak ako papasok sa banyo.

Inabutan niya ako ng towel.

"Yance yong gamit ko?"

"Oo nga pa naiwan ko sa kotse. Sige na maligo ka na kukunin ko lang."

Agad siyang umalis at mukhang masarap ngang maligo. Sigurado maman ako na wala siyang masamang gagawin. Hehe

Nagsimula na akong magshower at ang sarap sa pakiramdam. Halos 10minutes lang ako. Nagtapis na ako dahil medyo nilalamig na ako at wala padin si ata si Yance gusto ko na.magbihis. Paglabas ko ng pinto laking gulat ko dahil nakaupo siya sa kama.

"Nakakagulat ka naman!" Reklamo ko. Natahimik lang siya na tila namimula na napapalunok.

"Kanina pa ako dito. Eto nalang gamitin mong pangtulog." Sabay abot niya sakin ng isang cotton shorts at maluwang na tshirt na pantulog din. Kumuha muna ako sa bag ko ng undies.

"Maliligo na rin ako."'nagmadali siyang pumasok sa banyo at muntik pang matalisod. Natatawa nalang ako at nagmadali ng magbihis.

Natingnan ko ang kabuuan ng kwarto niya at talagang malaki ito. Tatlong beses ang laki sa apartment ko. Napatingin ako sa isang album. Mga pictures nilang magbabarkada. Mukhang matagal na talaga silang magkakasama. May picture din doon ng dalawa pang babae, parehong magaganda. Yong isa may caption ng bestie. Yong isa naman picture nilang dalawa at magkaakbay.

Hindi ko na tiningnan pa baka mahuli ako. Nakakhiya

"Bakit di mo buksan ang tv?" Tanong niya. Nakashorts at sando na siya habang tinutuyo ang buhok. Umiling lang ako na ayaw ko manood.

"Halika honey ko. Blower ko buhok mo."'nakangiting sabi niya at lumapit naman ako. Kahit lesbie siya, kompleto siya sa mga gamit pang babae. Di mo talaga iisipin na ano talaga siya..

Sarap sa pakiramdam na kinakalikot ulo ko.

"Hindi ka na babalik sa bar mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na..kaya na nila cheska yon." Sabi niya habang nagboblower siya ng buhok.

"Ah okay." Tipid kong sagot.

"Honey, kailan ka pa nagsasalamin?" Bigla nyang tanong.

"Nong nagwork na ako."

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now