49

5.1K 146 2
                                        


Naging busy na sila Jo dahil sa may pasok sila. Balik trabaho na ako uli. Gusto ko na maging buo na uli ako. Kahit paunti unti nakakakaya ko.

I grew my hair at ang haba na pala nito. Naisipan ko mag make over. Papaiksian ko ang buhok ko.

6 months na pala ang nakalipas. Pero ang lahat ay sariwa pa din. Doon ako uli pumasok sa dati pero bilang agent uli. Ayaw ko na muna maging trainer at syempre sa dating team parin ako. Andoon pa rin ang mga kaibigan ko. Sila Drea, Rikka, Dahlia at Pearl. May nga nadagdag at nakasundo ko naman sila.

Pumunta ako ng salon para mag paayos ng buhok. I decided to put color to my hair. Gusto ko ng bago.

Medyo ash blonde na maiksi na kita ang batok. Medyo bobcut na may bangs. Nagustuhan ko ang resulta ng ayos ko ngayon.

"Yuri?" Tawag sa akin ng pamilyar na boses at yon ay si Cheska. Tagal ko rin siyang hindi nakita dahil busy ito. Ang alam ko ilang buwan din siya sa Australia.

"Cheska!" Masaya kong bati sa kanya.

Yumakap siya sa akin at bumeso.

"OMG! Ang ganda ganda mo halos di kita makilala! Kamusta ka na?"

"Mabuti naman. Ikaw kumusta? Kababalik mo lang ba ng bansa?" Tanong ko.

" 1 week na. Nagpost pa nga ako twitter at fb. Hindi mo ba nakita?" Tanonf niya.

Ngumiti ako. "Hindi ako nag ffb at twitter." Mukhang nagets nya naman ako agad.

Madalas pa naman kaming nagkakasama pero hindi nababanggit si Yance. Alam ko namimiss din nila ang kaibigan nila.

"Magkikita kita kami nila Nash at Allaine. Sumama ka na samin." Pag aya nito.

"Uhmmm pass muna ako. May kailangan pa kasi akong gawin." Sagot ko.

"Ay sayang naman. Dbale next time nalang. Papatawag ko ang barkada. Hindi ka dapat mawala. Akin na ang number mo." Sabi nito at nilabas ang phone.

"Same number." Ngiti ko sa kanta at nakita ang phone na hawak ko.

"Hindi ka man lang ba magpapalit ng phone? Pinalipad na nga yan ni Allaine eh buhay pa din." Natatawa nitong sabi. At natawa din ako dahil sa naalala ko

"Importante kasi tong phone na ito sa akin." Sagot ko. Tumango lang siya sa akin. Nag paalam na rin kami sa isat isa.

Kamusta na kaya siya ngayon? Mabuti na kaya ang lagay niya at masaya na siya?

Mahal ko pa rin siya...

Hanggang ngayon siya parin.

======

Madalas akong umuuwi sa apartment nila mama ngayon sa Cavite. Nagpapagamot kasi siya at kasama ang mga kapatid ko. Andoon sila kila kuya.

Naglalakad na ko sa may barangay nila. May napansin akong mini cooper na yellow. Ang cute nito kaya napalingon talaga ako.

"Ang cute naman ng car." Bulong ko sa isip ko.

Napansin kong huminto naman yong car. Malapit na ako sa tapat non nang may lumabas na matangkad na babae. Maganda siya, maputi simpleng ripped jeans na faded blue at naka hoodie siya. Naka high cut converse na shoes. Mukha siyang half blood.

Nang makatapat na ako malapit sa kaya. Tinanggal niya ang shades at ngumiti.

"Hi!" Nagulat ako nang magsalita ito. Napalingon pa ako sa likod pero wala namang ibang tao. Napansin ko ang pagtawa niya. "Lagi kita nakikita dito tuwing weekends." Bigla nitong sabi. Naalala ko na lagi ko nga din palang nakikita itong mini cooper ng ganitong oras.

"Uhmm, bumibisita kasi ako sa nanay ko." Nakangiti kong sagot. Napansin ko din na parang ang tamis ng ngiti niya kaya medyo nawirduhan ako.

"I see.. Uhmm, hatid na kita." Offer niya.

"Naku hindi na. Malapit naman na." Pagtanggi ko.

"Atleast I can walk you going there." Sabi niya in her american accent.

"Ay okay lang ako."

"Andami mo kasing bitbit." Namamalikmata ba ako o nagbublush ba talaga siya o natural lang sa kanya yon?

"Magaan lang naman ito. Okay lang. Thanks sa offer." Ngumiti parin ako sa kanya.

"Uhmm.. Atleast can I ask for your name? My name is Danielle but call me Dani." Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman ang kamay ko.

"Uhm, Yuri." Sagot ko. Anlambot naman ng kamay niya. Parang kamay ni Yance. Pakiramdam ko magkasingtangkad din sila. Haaay siya nanaman naiisip ko. Ako kaya naiisip niya?

"Nice name.. Nice meeting you." Ngiting ngiti siya.

Napansin ko na di niya binibitawan ang kamay ko.

"Uhmm, yong kamay ko. Mauuna na ako ha." Sabi ko dito.

"Ay sorry. Naexcite kasi ako nakausap din kita." Nahihiya niyang sabi at mas lalong namula ang mukha niya. Ang cute niyang magblush. Nagpaalam na ako sa kanya at lumakad na papunta sa apartment nila mama.

Napangiti nalang ako nang maalala ko si Dani kanina ang cute kasi niya lalo na nung namumula. Ang tisay tisay.

Hindi ko na nabanggit kila mama ang nangyari sa amin ni Yance. Hindi din napag uusapan. Mas okay na rin yon ayaw ko rin namang marinig ang opinion nila.

Yance remains special. Umalis siya na dala ang puso ko. Sana mabawi ko na ito. Nung nawala na si Yance, nagpaparamdam naman si OM Alexis pero kahit na anong gawin niya, boss lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Siya rin ang dahilan kung bakit madali akong nakabalik sa account. Inooffer nga niya uli yong dati kong post pero tinanggihan ko. Agent nalang muna sa ngayon. Masyado na akong malakas sa kanya haha! Nakakahiya na sa iba.

Somehow, okay na rin naman ako. Kahit na miss na miss ko na siya nakakaya ko na. Para na ngang one sided love ito pero hindi kasi, hindi naman na kami. May iba na siya.

"What if kung natuloy ang kasal namin?" Tanong ko sa isip ko. "Kumusta na kaya ang buhay namin." Napapangiti ako mag isa sa mga naaalala ko. Lagi kaming magka sama dati pero parang miss na miss pa rin namin ang isat isa. Pag nagkikiss kami lagi pa rin namin nararamdaman yong excitement. Napahawak tuloy ako sa labi ko.

All I have are memories now. Sweet memories from the person I love so much until now.

What if magkasalubong kami? Ano kaya ang mararamdaman ko?



I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now