08

8.1K 188 3
                                        

Yuri

From: Yansibels

Thanks for the time honey. I'll see.you tomorrow.

Kahahatid niya lang sakin at nag text agad.

To: Yansibels

Thank you din. Ang sarap ng tulog ko sa higaan mo hehe. Thank you din sa masarap na food.

From: Yansibels

Bukas uli?

To: Yansibels

Hindi pwede may lakad kami ni Pearl. Magy gym pa kami. Next time nalang.

"Uy Yuri! Bar daw tayo doon sa dati, sahod naman na. Damayan natin si Dahlia na broken hearted kay Elmo pero siya nakipagbreak."'natatawang sabi ni Rose.

"Ay anong nangyari?"

"Sa bar na daw siya mag eemo. Parealize nyo nga diyan na mahal siya non at siya lang naman ang loka loka." Singit ni Drea.

"Kantahan natin siya yong without you Yuri!" Excited na sabi ni Pearl.

"Ay sige! Asarin natin!" I cleared my throat pero bigla akong tinapik ni Pearl

"Hindi dito at nag oo ka na recorded pa. Dadalhin ko nalang minus 1 hahaha."

Napakunot noo nalang ako at tiningnan cp ko.

From: Yansibels

Kailan tayo pwede magkita? Miss na kita agad :(

To: Yansibels

Bola! Bukas pupunta kami sa bar mi. May broken hearted kaming friend. Ayon manlilibre daw haha!

From: Yansibels.

Sunduin kita :)

To: Yansibels

Wag na sabay kami ni Pearl. See you nalang bukas sa bar :) pasok na kami.

Hindi ko na tiningnan yong reply niya at nilagay sa locker ang phone ko.

As usual work work work. Minsa. Nakakatamad na din talaga ang ganitong trabaho pero no choice ako. This is the only job I know.

4 hours nalang uwian na at naglunch muna kami ng 1hour. Pagkuha ko ng cp sa locker ko di ko napigilang napangiti.

8 messages from Yansibels.

From: Yansibels

Enjoy sa work, I love you.

Wag mong kalimutan kumain ha.

Miss na kita.

What time is your break honey?

I miss you.

I want to see you.

Kamusta na sa work mo?

Wait kita sa lunch mo, andito ako sa baba.

Nanlaki ang mata ko sa huling message niya kasi kasesend lang 30 minutes ago.

"Pearl kayo nalang maglunch sa pantry may puntahan lang ako." Paalam ko sa kanya at tumungo na ako papuntang elevator.

To: Yansibels

Nakakagulat ka naman. Pababa na ako. Nasan ka banda?

Sakto pagbukas ng elevator ay nakangiti siyang nag aabang. Napakasweet ng smile niyang lumapit sakin paglalabas ko ng elevator papalapit sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi at para akong kinilabutan.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Namimiss kasi kita. Tara sa shakeys kain muna tayo kasama ko sila Allaine, Nash at Cheska kasasara lang namin ng bar." Hinawakan niya ang kamay ko papunta sa shakeys. Na nasa baba lang din naman.

I've Been Waiting For You (GxG)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt