Kinahapunan nag ayos na kami para makauwi. May pasok daw ang mga estudyante sa Martes kaya ayon after ng lunch mga nag si asikaso na. Minsan nga naiisip ko na inaadjust nila yong sched dahil sa sunday at monday lang ako pwede eh mga nag aaral pa naman sila. Ganito pala ang mayayaman kung ano ang maisipan gagawin.
"Awwww!" Sabi ni Jo at umuga ang kotse.
"Aruy! Flat tayo." Sabi ni Yance. Napalingon ako sa paligid at nasa Manggahan Cavite kami. Nagsibabaan sila dahil nakakakita ng walter mart at kailangan palitan ang gulong.
"Oh! Sino pinakamalakas diyan? Simulan niyo ng palitan." Sabi ni Cheska at lumakad na sila nila Allaine at Nash papunta sa Walter mart.
Napasilip ako sa police station na malapit sa pwesto namin at napangiti ako nang makita ko si kuya.
"Kuya!" Tawag ko.
"Aba gumagala ang mataba!" Bati ni Kuya at yumakap ako..naka police uniform siya.
"Rest day kuya, kasama ko sila nag outing kami para maiba."'natatawa kong sagot. Napansin ko namang nakatingin sila sa akin, lalo na si Yance.
"Hindi ka man lang bumisita." Pagtatampo nito.
"Sus tampurorot. Busy ka din naman eh, saka biglaan po." Sagot ko dito. Mas naging close kami ni kuya mula ng maghiwalay kami ni Bree. Nagulat ako lumapit si Yance sakin na medyo hinapit ako sa bewang kaya kinabahan ako.
"Kuya, si Yance. Yance siya ang kuya ko." Pagpapakilala ko sa kanila at naging awkward ang pangyayari. Kinakabahan ako lalo pa parang nangbabasa ng isip si kuya.
"Magandang hapon po." Magalang na bati ni Yance.
"Magandang hapon din naman. Mukhang naflatan kayo." Seryosong sabi ni Kuya. "Saglit lang." Pumasok siya at parang may tinawag na tao at yon ang mag aayos ng gulong.
"Yang mukha mo ha. Kuya ko yon." Sita ko kay Yance. Nakapout namang umalis nang dumating si kuya.
"Yu, kailan ka pa napasama sa mga magaganda." Bulong ni kuya na natatawa.
"Sama mo kuya, maganda kaya ako." Sabay siko ko sa kanya.
"Mabuti at masaya ka na uli." Napakunot ang noo ko sa kanya. Ngumiti siya. "Gf mo?" Sabay turo ni kuya kay Yance at hindi ko na maitago ang kaba ko.
"Kuya, gf agad di ba pwedeng bf?" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Sa ganda nun! Maganda pa nga sayo. Anak mayaman nuh?" Tanong ni kuya. Sht hinuhuli ako nito. Mga tanungan niya.
"Kuya ang dami mong alam."
"Sus halata kaya. Kala mo di ko alam ang sa inyo nung Bree na yon." Nanlaki ang mata ko sa kanya. "Hindi naman kita papakialaman eh. Basta maayos ka lang.."
"Lagi naman akong maayos." Observer masyado si kuya kaya naging imbestigador.
"Yance!" Tawag ni Kuya dito agad na napalingon, lumapit naman si Yance at ako kinakabahan.
"Ang totoo, ano mo si Yu?" Seryosong tanong ni Kuya. Medyo matangkad lang si kuya ng kunti sa kanya. Hindi ee halos pantay lang.
"Seryoso po ako sa kapatid nyo." Seryosong sagot ni Yance.
"Anong magagawa mo para sa kanya? Kaya mo ba siyang buhayin? Mukha kang mayaman at simpleng tao lang to." Napapakunot ang noo ko at nanlalamig sa kaba.
"Lahat kaya kong ibigay sa kanya. Mahal ko si Yuri at hindi ko hahayaang mawala siya sakin. Nasa edad na po kami at kaya naming magdesisyon para sa sarili namin." Magalang na sabi ni Yance.
"Anong trabaho mo?"
"I Have my own businesses. May mga bar ako, legit bars in Makati, Taguig and Metro. May resorts din sa Tagaytay, Zambales at iba pa. My newest project is the condominuim in the Fort." Nagulat ako sa mga business ni Yance. Mukhang di ko pa siya gaanong kilala. "May iba pa po." Napabuntong hininga si kuya.

BINABASA MO ANG
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...