14

7.3K 183 2
                                        

I cant explain pero sobrang saya ko ngayon. Her hugs and kisses are so warm..

"You are only mine hon.. I love you." Malambing na sabi ni Yance ng marahan akong ibaba sa pagkakabuhat niya.

"I love you..." halos bulong kong sagot. Mas lalo siyang napangiti at natatawa ako sa kanya. "Para kang baliw."

"Mababaliw na ata talaga ako sa sobrang saya ko. Girlfriend na kita, at nong sinabi mo na I love you.." napangiti siya na nakakagat sa labi.

"Uy kinikilig!" Biro ko sa kanya at tinutusok tusok sa tagiliran niya. Lalong lumapad ang ngiti niya. "Para ka talagang baliw na kapre!" Dugtong ko. "Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede bang ikaw nalang ang dinner ko?" She said seductively while biting her lower lip.

"Kung sipain ko yang nguso mo. Masarap na dinner yon." Pagtataray ko sa kanya.

Mukha naman siyang nalugi at lumabi. Nakakatuwa ang itsura niya.

"Uy Yance gabi na. Hindi ka ba uuwi o pupuntahan bar mo?" Tanong ko sa kanya dahil kagabi maaga din siyang umalis sa bar para samahan ako. Bigla siyang sumiksik sa dulo ng higaan at niyakap ang isang unan.

"Pinapauwi mo na ba ako?" Halata sa boses niya na may pagtatampo. Tinago niya ang mukha niya sa unan. Para siyang bata.

Lumapit ako at naupo sa tabi niya. "Uy baby damulag. Arte mo po." Natatawa kong sabi sa kanya. Nagulat ako nang hilahin niya ako pahiga at siyang dumagan sakin. Eto nanaman ang puso ko na kumakalabog.

"I want to stay hon.." She said while kissing me. I kissed her back and I like it. Her hands are moving to my side. I gasp when she kisses my neck. Kinilabutan ako ng sobra.

"I love you so damn much." Bulong niya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. Napangiti ako. She respects me. She is really making me fall for her. I hope i wont regret my decision.

=========

Mula nang maging kami lagi niya akong hatid sundo sa trabaho. Lagi pang may message. Natutuwa ako dah inuuna niya ako sa lahat ng bagay.

Sunday na at may celebration dahil monthsary ni Minnah at Jenna.

Nagbeep ang phone ko at may message. Pababa na ako noon at nauna na ako kila Pearl.

From: Minnah
Ate kinakabahan ako mamaya.

Napangiti ako.

To Minnah:
Kaya mo yan. Matutuwa yon sigurado ako.

From: Minnah.
Thank you so much ate. I'll see you later :)

Nakasakay na ako ng elevator at napapangiti ako sa text ni Minnah.

"Laki ng ngiti natin ah." Bati sakin ni Vic na isa sa mga support sa floor.

"Hi Vic. Lunch mo?" Tanong ko.

"Out na rin ako. Hindi mo ata sila kasama?" Tanong niya.

Si Vic simple lang siya medyo malaman pero sexy chubby at as far as I know lesbian siya. Long hair din siya at may pag ka chinita.

"Sila Pearl? May lakad ata sila." Nakangiti kong sagot.

"Ang cute mo talagang mag smile." Nangingiti niyang sabi at nagbukas na ang elevator. Agad kong nakita si Yance na nakaabang na. She is so pretty. Naka pony ang buhok niya, nakasuot ng blue na polo na longsleeve pero nakatupi at naka skinny jeans with converse shoes. Agad akong napangiti nang lumapit siya sakin at hinalikan ako bigla sa lips nagulat ako at napatingin ata siya kay Vic na nakasunod sakin palabas ng elevator.

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now