16

6.9K 195 1
                                        

YURI

Maaga akong nagising dahil sa lamig. Ang lakas nila mag aircon at talagang nanginginig na ako. Sa tuwing naaalala ko yong nangyari kagabi samin ni Yance nakakaramdam ako ng hiya. Napaka naman kasi ng kapre na to.

Nakayakap siya sakin. Napatitig ako sa kanya. Paano kaya ako nagustuhan ng ganitong tao? Habang nakatitig ako sa kanya mas humihigpit ang yakap niya. Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa dibdib nya at yumakap dahil sa sobrang lamig.

"I love you hon." Bulong niya sakin at napangiti ako.

Nag asikaso na kami para bumaba at mag almusal, yong iba halatang antok na antok pa noong bumaba pero nang makita ang pagkain napangiti. Ang dami kasing nakaahin na seafoods ang nakakatuwa pa doon marunong silang kumain ng nakakamay lang.

"Kain lang kayo ng kain, mamaya mag swimming tayo habang di pa tirik ang araw." Sabi ni Jeanne habang abalang hinayin ang alimasag.

Napansin kong may lato kaya kumuha ako. Sinawsaw ko sa suka at nakatingin sila sakin.

"Hon wag yan!" Biglang pigil ni Yance.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Design lang yan." Seryosong sabi nito at hindi ko napigilan ang tumawa.

"Kinakain to. Lato tawag dito, seaweeds. Tikman mo." Sabi ko sa kanya at nilapit sa bibig niya pero napapa atras siya. Hindi ko na pinilit at kinain nalang. Fresh na fresh ang lato at ang sarap nguyain.

"Wow may lato!" Nakangiting sabi ni Annie na kararating lang nila ni Jul.

"Design lang yan dba?" Tanong ni Jul kay Annie at di ko maiwasang mapangiti.

"Sira! Pagkain to, halamang dagat." Sagot niya kay Jul. Napakamot nalang tuloy ito.

Kumuha si Jo ng lato.

"Kalain mo, buong buhay ko akala ko design lang to. Pagkain pala."'natatawa niyang sabi pag kasubo.

"Isawsaw mo suka para masarap." Sabay naming sabi ni Annie at natawa kami. Nagkuhaan na rin sila..yong iba di nila nagustuhan yong texture non.

Sobrang mabusog ako sa pagkain at kailangan ko magwork out nito.

===

"Hon oh." Sabay abot sakin ng bikini. Nanlaki ang mata ko dito.

"Magbibikini tayo?" Gulat kong sabi.

"Oo, beach to dba?" Pilosopo niyang sagot. "Magpalit ka na o ako ang magpapalit sayo?" Nakangisi niyang sabi. Nauna ng lumabas sila Jeanne na naka bikini din. Hinalungkat ko ang bag ko at buti dala ko ang shorts ko na maiksi.

Hindi ako confident magbikini. Pakiramdam ko luluwa ang dibdib ko. Paglabas ko naka palit na din pala si Yance at natulala ako dahil ang sexy niya sa suot niyang tube na bikini top.

"Honey gusto ko makita na naka full.bikini ka." Nakalabing sabi ni Yance dahil suot ko ang shorts.

"Eh, di ko kaya yon, pakiramdam ko nakahubad ako." Nahihiya kong sabi.

"Hmmm..sabagay baka pag nasaan pa ng iba ang honey ko." Kagat labi niyang sabi na papalapit sakin kaya napapaatras ako.

"Pwede na ba nating ituloy yong kagabi?" Mapang akit na sabi niya.

Lalapit siya..

Aatras ako..

Lalapit..

Aatras..

Hanggang naramdaman ko nalang ang malamig na pader at kinulong ako sa magkabilang braso niya.

"Yance wag ka ngang makulit..ahh." nanlambot ako ng mainit niya akong halikan sa leeg. Nakakapanlambot ng tuhod. Napakapit ako sa braso niya at bigla akong hinapit dahilan para lalo akong mapadikit sa mainit niyang balat.

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now