43

5.2K 161 5
                                        

Nagising ako ng maaga at nakatitig lang sa kanya. Katabi ko nga siya ngayon pero parang ang layo na niya. Nahihirapan na marahil siya sa sitwasyon.

"I'll stay until you want me to stay." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo niya. Nag asikaso na ako. Ininit ko ang ulam na niluto ko kagabi sayang naman kasi.

"Good morning ate Yuri!" Bati ni Jo at humalik sa pisngi ko kasunod sila Jenna at Margot.

"Oh napadaan kayo? Tulog pa si Yance." Tugon ko sa kanila.

"Yaan mo na yon si Tanda. Makikikain muna kami.. Mukhang masarap yang menudo ah saka adobo." Sabi ni Jenna.

"Ay kagabi pa yan. Iniinit ko kasi sayang. Pagluluto ko nalang kayo ng iba."

"Yan na ate. Gusto namin yan. Ikaw nagluto?" Tanong ni Margot at tumango lang ako. Nagsiupuan na sila dala dala ang mga plato at tinulungan ako ni Jo sa pagsandok ng ulam.

Masaya silang kumakain habang ako nanonood lang. Hinihintay ko kasi si Yance.

Maya maya pa ay bumaba na siya na nakabusangot. Masakit siguro ang ulo.

"Manang pahingi ng kape." Utos nito at napatingin sa hapag kainan. "Tanghali na ba?"

Nagtawanan ang tatlo at kumunot noo niya. "Hindi mo ako ginising hon."

"Maaga pa 6:30 palang." Sagot ko dito.

"Bakit ganyan ang pagkain?" Tanong niya.

"Saglit lang, pagluto nalang kita ng iba." Tatayo na sana ako nang magsalita si Jenna.

"Sayang ansarap pa naman ng menudo ni Ate Yuri. Parang bagong luto lang hindi mo iisiping kagabi pa to." Sabay subo ni Jenna.

"Sige yan na kakainin ko." Seryosong sabi naman ni Yance.

"Okay lang naman. Pagluto nalang kita." Sabi ko dito.

"Hindi na ito nalang kakainin ko."

Di na ako sumagot at pakiramdam ko nakikiramdam sa amin ang tatlo lalo na si Jo.

Tahimik lang ang lahat. Kakaiba talaga.

"May pasok ka Yance?" Tanong ni Margot.

"Oo." Tipid niyang sagot.

"Ah mabuti naman. Sama namin si ate Yuri..walang pasok naman eh. Tatambay sana kami dito, pero parang ansarap gumala." Paalam ni Margot.

"Sige.." tipid niyang sagot. Nakatingin lang ako kay Yance.

"Ayon oh! Sakin ka sabay ate Yuri!" Excited na sabi ni Jo.

Walang gana si Yance habang kami naman ay nagkukwentuhan. I hate this treatment.

"Wtf is that? Hickey?!" Gulat na sabi ni Jenna.

"Hindi." Sagot ni Yance.

Napatingin din sila Jo at Margot.

"Yeah! That's hickey!" Sabay na sabi ni Margot at Jo.

"This is just a scratch you idiots!" Inis na sabi ni Yance.

"That doesnt look like a scratch to me. Come on were adults, we know the difference between the two." Ngisi ni Jenna. Ako naman ito nanlalamig na ang kamay.

Fck?! Hickey nga ba talaga yon?

Nakayuko lang ako na parang nadudurog ang puso ko.

"Hon.. Dont believe them okay." Narinig kong sabi ni Yance at natigil ang tawanan ng tatlo.

"Nasa bar ba kayo kagabi Jo?" Bigla kong tanong.

"Ah oo.. Halos magdamag kami doon. Kayo lang ni Yance ang wala." Sagot ni Jo.

Halos mahulog ako puso ko sa narinig ko. Ang sabi ni Yance dumaan siya sa bar kagabi.

"Paano mo nagawang magsinungaling sakin Yance?" Pigil iyak kong sabi. Tatayo na ako para umalis ng tumayo siya para hilahin ako payakap.

"Sorry. I need to do that. Ayaw kong masaktan ka.. Sorry nagkamali ako."

"Nasan ka kagabi at saan mo nakuha yan!? Ano sabihin mo, wag kang magsinungaling! Ayaw mo akong masaktan pero ginagawa mo na." Pinilit kong magpakatatag.

"Sabihin mo.. Kasama mo siya!?"

"I'm sorry.." nakayuko niyang sabi. "She was begging me to come back to her but..I chose you.. Hindi ko ginusto ang nangyari kagabi pero maniwala ka..iniwan ko siya.."

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko alam ang gagawin.

"You still have feelings for her?" Lakas loob kong tanong.

Yumuko siya at tumulo ang luha sa mata.

"I'm sorry.. But I will still choose you." Pinilit niya akong hawakan pero umiwas ako.

Ang sakit sobra.

"Sorry.. Naguguluhan din ako. She's sick and she needs me. I was just helping her. Pero hindi ko kayang iwan ka. Ayaw kong maging unfair sayo."

Naguguluhan na ako. Kung mahal niya ako dapat hindi siya maguluhan..

Hindi dapat ganito.

Hindi dapat magulo.

Ang sakit sobra..


"Ang hirap.." halos paos kong sabi dahil sa pagpigil ng iyak ko.

"Yuri, ikaw parin naman eh." Buntong hininga niya.

"Yance, ayaw ko ng may kahati sa puso mo. Gusto ko ako lang. Anong silbi ng magkasama tayo ngayon pero ang layo mo sa akin." Pinipigil ko paring maiyak.

"Please..maniwala ka sa akin.. Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong niya.

"Yance, kung alam mo lang kung gano kita kamahal.. Kahit kalayaan mo kaya kong ibigay wag ka lang masaktan..maging masaya ka lang.." di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Kaso Yance, ang sakit na sobra. Ayaw kong piliin mo ako dahil naaawa ka sa akin. Gusto ko ako ang piliin mo kasi ako lang ang nasa puso mo. Ako lang at walang iba. Ngayong naguguluhan ka dahil bumalik ang first love mo at nagkakaganyan ka, malinaw na mahal mo parin siya. I dont deserve this pain. Unfair ang lahat ng to sa akin." Saka ako tumakbo paakyat sa kwarto at saka ko pinakawalan ang mga luha sa mata ko.

Ang isiping naguguluhan siya, na nagsinungaling siya sa akin, ang sinasabi niyang ayaw niyang maging unfair o masaktan ako.. Lahat yon sobrang sakit.

Sa relasyong to.. Pakiramdam ko talo na ako. Wala ng silbi kung lalaban pa ako dahil wala ng mangyayari.

"Mahal na mahal kita Yance.. Sobra." Bulong ko sa sarili ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Pati ako naguguluhan na..

Should I stay because she chose me?

Or

Should I leave?

Ang alam ko lang ngayon.. Masyadong na tong masakit. Ang gulo gulo na ng isip ko. Hindi ko na to kayang intindihin pa.

"Hon please.. Let's talk. Im sorry if I lied to you.. Please open the door." Narining kong sabi niya pagkakatok sa pinto.

Hindi ko alam ang sasabihin.

"Yance..sorry, we didn't know." Narinig kong boses ni Margot.

"Yance, di naman sa nanghihimasok kami pero bakit ka naguguluhan? Diba si Ate Yuri lang naman." Si Jenna.

"Don't hurt ate Yuri.. Hinding hindi ako magdadalawang isip na patulan ka. Mahal ko si ate Yuri at nasasaktan ako na nagkakaganyan siya. Sobrang mahal ka niya and she deserves more than that.. She doesnt deserve this pain." Si Jo.

"Maayos din itong problema na to. Kahit ako nahihirapan din. Alam ko na ang totoo.. Aaminin ko sobrang hirap pero si Yuri pa rin ang pipiliin ko.."

"Ano bang totoo yan?!" Tanong ni Jenna. "Kung bakit umalis si Riley? Please Yance. Wag kang basta maniwala doon!"


"Wala kayong alam kaya wag kayong makialam. Buhay namin to at aayusin ko to!" Sigaw ni Yance.

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now