Sobrang bilis ng takbo ng panahon.. Tila hinahatak ito. December 2 birthday niya ngayon at may celebration sa mansion nila. Ayaw niya sana pero nakiusap ang parents niya sa isang party dahil birthday din ng mommy niya.
Kabado ako sa gift ko sa kanya.. Running shoes na kagaya din ng akin. Para same kami. Sana magustuhan niya.
Nakaupo lang ako sa table namin dahil hindi rin ako sanay sa ganitong event. Laking pasasalamat ko nalang dahil kasama ko silang lahat.. Ang mga kaibigan ni Yance na kaibigan ko rin. Im lucky to have them as my friends. Katabi ko si Jo at sa bakanteng upuan si Yance. Naka dress kaming lahat since formal party ito. Ang gaganda nila hehe.
"Kakabagot ang party.. Sana makaalis na tayo para deretso na tayo sa bar nila Yanski." Sabi ni Jenna.
"Sabay pa kasi ng celebration." Natatawang sabi ni Nash.
Nakaramdam ako ng halik sa pisngi at ayon si Yance.
"Okay ka naman ba diyan honey ko?" Tanong niya sa akin at tumango lang ako. Nakaakbay siya sa akin at naupo. Sinandal niya ang ulo niya sa akin.
"Hon gift ko?" Tanong niya.
"Ano..nasa condo. Hindi ko na dinala." Sagot ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa gilid ng labi.
"Hon, may gusto pa akong gift mamaya." Pilyang sabi niya at binulungan ako kaya kinilabutan ako. Pinisil ko ang ilong niya.
"Aaaw aray! Masakit naman eh." Nakanguso niyang sabi at natatawa nalang ako.
"May bubulong ako sayo." Ngisi ko sa kanya at excited naman siyang nilapit ang tainga niya. "Uhmmm.. A..S..A.." natatawa kong sabi at ngumisi siya saka bumulong din.
"Lets see." Ngisi niya.
Masaya kaming nagkukwentuhan nang may pumukaw ng atensyon ng lahat.
Isang napakagandang babae na akala mo ay modelo sa suot niyang Royal Blue na dress. Kinabahan ako sa reaksyon ng lahat.
"Omg.." gulat na sabi ni Allaine. Sila Jo, Margot at Jenna di maipi ta ang mukha. Sila Nash at Cheska mga mukhang di makapaniwala.. At nang lingunin ko si Yance.
Tulala siya na halatang apektado sa pagdating ng babae na yon..
"Riley..." narinig kong bulong niya at saka nanikip ang dibdib niya.
Lumapit siya sa magulang ni Yance na mukhang nagulat din sa pagdating nito. At si Yance bigla nalang umalis. Doon parang nadurog ang puso ko. Ang mga kaibigan namin nakatingin sa akin. Alam kong anytime tutulo ang luha ko pero pinilit kong pigilan.
Again... I dont know what is going on..
We waited for an hour and I tried to call her pero her phone is out of reach.
I wanna go home.
Hinawakan ni Jo ang kamay kong nanlalamig na. She knows me. Nag aalala siyang tumingin sa akin.
"Lets go ate Yuri." Aya niya peri bago pa kami makaalis lumapit si Riley.
"Hi.. Where's Yance?" Tanong niya. Walang nais umimik.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na sabi ni Allaine.
"Im back for good." Ngiti niya. "Bumalik ako para sa kanya."
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa puso ko at hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko sa kanya. She looks perfect.
"Wala ka ng babalikan pa." Lakas loob na sabi ni Cheska. Natawa ito at tumingin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

YOU ARE READING
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...