Martir ba ako?
O nagmamahal lang.
I received a message from an unknown number.
From: 090x-xxx-xxxx
We need to talk.. This is about Yance. Meet me in Cafe Ingrid at 8am.Sa text palang na yon alam kong si Riley yon. She can't boss me. Hindi ko pinansin ang text niya.
Nagulat ako pag labas ko ng office dahil andoon siya. Hindi ko siya pinansin.
"I knew you wouldn't come so I decided to come instead." Seryosong sabi nito.
"Wala tayong dapat pag usapan." Tatalikod na ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Meron! Sumama ka sa akin." Inis na sabi niya. "Sasama ka sa ayaw mo at sa gusto."
"Oo na! Doon sa SB sa labas na tayo mag usap." Tugon ko dito.
Nang makarating kami at naupo sa sulok.
"Iwan mo na si Yance!" Agad niyang sabi.
"Why would I? She chose me and I promised to stay." Sagot ko sa kanya. Ngumisi siya.
"She chose you kasi naaawa lang siya sayo. Mahal pa rin niya ako." Pag mamayabang niya.
"Kung mahal ka niya bakit nasa akin pa rin siya?" Balik ko sa kanya.
Ngumisi siya.
"As what I told you naawa lang siya sayo. Kung mahal ka niya di siya maguguluhan."
Ngumisi din ako sa kanya.
"Kung mahal ka niya sana iniwan na niya ako." Balik ko sa kanya. "Useless lang ang usapang ito. Ito lang ang masasabi ko Riley, kung ikaw ang pipiliin niya, hindi ko siya pipigilan. Im not making any move para layuan ka niya. Alam kong nagkikita kayo at hinahayaan ko yon. Inuunawa ko siya hangga't kaya ko kasi mahal ko siya. Ayaw ko siyang mapressure dahil magulo ang isip niya."
Natahimik si Riley.
"I am fighting fair and square, kahit nasa akin siya ngayon.. Kahit gano ko pa siya kamahal tatanggapin ko ang desisyon niya." Tatayo na sana ako nang may iabot siyang envelop.
"Ayaw kong umabot dito pero I have no choice." Sabi niya at inabot ang envelop. Ayaw kong kunin pero pinilit niya ako.
"Hindi mo pwedeng iwan kung saan yan. Aalis na ako." Sabi nito at iniwan ako. Napilitan akong dalhin ang envelop.
I know na busy si Yance sa trabaho dahil medyo may problema sila sa business nila. Umuwi na ako at hindi ko pinapansin ang envelop na binigay ni Riley.
Nag asikasi na ako at nang bumalik sa kwarto nakita ko uli ang envelop. Now, curiosity kills the cat.
I checked the envelop.. At muling nadurog ang puso ko..
Pictures nila simula noong mga bata sila. They look happy and inlove together like a perfect coupe.
What broke my heart the most ay ang picture nila na magkasama at may mga dates na ngayon lang.. I know na lagi silang nagkikita pero hindi ko alam na ganito ka intimate.
Sa tuwing nililipat ko ang mga pictures pa sweet ng pa sweet. Magkayakap sila.. Nagsusubuan at mukhang masaya..
What I hate most was there picture wherein they kissed.
"Hindi ka na ba masaya sa akin Yance?" Bulong ko sa sarili ko. "Bakit ako pa ang pinili mo ngayong ganito ka. Kaya ko pa ba?" Itinago ko sa drawer ang mga pictures.
Hanggang saan ang kaya ko?
Parang gusto ko ng sumuko..
Nakatulog nanaman ako sa kaiiyak. Am I this stupid? Nagising ako dahil sa may nagmessage sa cellphone at picture nila na magkasama nanaman sila. Ang sakit na.

YOU ARE READING
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...