20

7K 178 2
                                        

Natapos na ang trabaho at sabay na kaming bumaba nila Pearl at Rika. 2 days nalang rest day ko na.

Pagtingin ko ng cellphone ko nang makuha ko na ang gamit sa locker ay ang daming text ni Yance. Napapangiti nalang ako lalo na nung ipaalala niya na susunduin ako ni Jo mamaya at sa bahay niya ako habang wala siya.

"Uy, si Yance yan nu. Text text pa ee susunduin ka naman." Panggugulo ni Drea.

"Sira! May business trip yon " sagot ko sa kanya.

Bumaba na kami at saktong sasara na ang elevator ay humabol si OM kaya pinress ni Drea ang open button.

"Thanks." Ngumiti lang si Drea.

"San way nyo?" Tanong niya.

"Iba iba po OM, may Valenzuela, Makati, Las Pinas saka Antipolo." Sagot ni Drea.

Nang makalabas sa elevator tumawag naman si Jo.

"Ate Yuri! Malapit na ako give me 3minutes." Sabi niya sa kabilang linya

"Take your time. Kalalabas ko lang naman. Ingat ka saka sorry sa abala." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Ate Yuri naman. Hindi ka na iba samin nu. Wag ka na mahiya saka kila Yance ako mag aalmusal." Tawa nya sa kabilang linya kya natawa narin ako. "Sige, see you ate."

Binaba na nya ang tawag, siguro malapit na siya.

"Saan ka sasakay Yuri? Wala si jowa mo diba?" Tanong ni Pearl.

"Sabay ka na samin, papuntang starmall. Doon na tayo sumakay." Aya ni Rika. "Lakad tayo."

"Baka gusto nyong sumabay? Doon ang way ko."'singit ni OM. Halata sa mga kasama ko ang pagkabigla. Hindi namin inaasahan na ganun si OM. Masyadong nakikisalamuha sa mga ahente.

Bigla namang may dumating na sports car na huminto sa harap namin. Namangha kami sa kotse at nanganga naman ako nang makita ang bumaba.

Si Johann. Naka shades siya at nakalugay ang buhok. Naka leather jacket at black pants with matching boots. Ang puti, ang tangos ng ilong, matangkad, artitahin, in short Dyosa siya.

Tinanggal nya ang shades niya at ngumiti habang papalapit sakin.

"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong niya.

"Kalalabas lang naman. Pasensya ka na talaga naabala ka pa nung kapre." Nahihiya kong sabi.

"Okay lang yon nu. Saka masarap almusal doon ngayon."'biro nya.

"Uy Jo! Long time no see." Bati ni Pearl.

"Hi guys." Ngiti niya.

"Nasan na si Yance at ikaw ang nasundo dito?" Tanong ni Rika.

"May business trip, alam nyo naman yon, masyadong hands on sa work. Kaya ako muna sumundo kay ate."

"Wala ka bang pasok. Antipolo pa si ate ang layo ng school nyo." Alalang sabi ni Pearl.

Natawa naman si Jo. "Sa bahay muna siya ni Yanski." Sabay umakbay sakin. Nagkatinginan sila ni OM. Ngumiti si OM kaya ngumiti siya.

"Bago niyong friend?" Tanong ni Jo.

"Ay hindi, sorry boss namin si OM.Alexis." sabi ni Drea.

"Nagkita na ba tayo? Parang kilala.kasi kita." Casual na tanong ni Jo.

"Iniisip ko nga rin."'sagot ni OM.

"Paano ba yan mauna na kami."'paalam ni Rika.

"Sabay na ako. Bye ate Yuri, bye Jo. Una na po kami Om." Paalam ni Pearl.

I've Been Waiting For You (GxG)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum