36

5.7K 153 0
                                        

Nagising ako at medyo nahihirapan pang dumilat ang sakit ng sikmura at kamay ko.

"Jo! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Yuri. Napabayaan ko na pala siya. Ang sama sama ko." Naririnig kong sabi ni Yance.

"Hindi mo naman ginusto yon. Gagaling din si ate Yuri." Pagpapakalma ni Jo sa kanya.

"Alam kong kasalanan ko kaya nagdouble shift siya. Alam ko na unfair na ako sa kanya. Hinayaan ko siyang mag isa kala ko makakatulong samin yon. Mali ako Jo. Ang tanga tanga ko. Bakit nangyayari samin to?"

Naguguilty ako sa naririnig ko. Kasalanan ko din naman yon dahil masyado akong umiwas. Sa totoo lang pareho na pala naming sinasaktan ang isat isa.

Nahihiya ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya pero masyado na akong natakot. Aaminin ko takot na akong masaktan pero mas nasasaktan kami sa bagay na di naman namin sinasadya.

"Wag kang mag alala Yance. Mahal na mahal ka ni ate Yuri. Alam ko naiintindihan ka niya."

"Paano kung iwan niya ako. Ang selfish ko Jo. Natatakot ako." Narinig ko ang hikbi niya. Hinayaan kong pumikit lang muna. Ayaw kong malaman niya na naririnig ko siya. Kailangan kong bumawe sa kanya. Nasasaktan ang puso ko nang narinig ang hikbi niya.

"You should trust her Yance." Narinig kong sabi ni Jo.

Sumakit nanaman ng sobra ang sikmura ko. May dumating na nurse na kumuha ng vital signs ko kaya marahan na akong dumilat.

"Hon! Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Naguguton ka ba? Nahihilo ka ba? Ano hon? Anong nararamdaman mo?" Sunod sunod niyang tanong. Halata sa mukha ng nurse ang pagtataka. Bahagya akong natawa dahil sa halatang natataranta siya.

Humalik siya noo ko.

"Ate Yuri.. How are you?" Tanong ni Jo at humalik naman sa pisngi ko. Tumabi sakin si Yance at hinawakan ang kamay ko saka hinalikan.

Ngumiti ako kaso ramdam ko pa rin ang sama ng pakiramdam ko.

Biglang pumasok ang doctor.

"Yance..hindi ka pa umuwi?" Tanong ng doctor sa kanya.

"I need to know my fiancee's condition. Anong findings mo William?" Tanong ni Yance sa doctor.

Halata naman ang pagkagulat sa mulka nung nurse.

"Pinsan masyado kang tensyonado. Daig mo pa ang pasyente." Natatawang sabi ng doctor.

"Ano nga Doc William Fuentes?" Iritable niyang sabi.

"Uhhmmm.. Nagka ulcer ka na ba before?" Tanong ng doctor sakin.

"Opo.." namamaos kong sabi.

"Kumakain ka ba ng ayos?'coffee or any carborated beverages?"

"Minsan lang doc."

Marami pa siyang tinanong na kung anu ano at about physiologic stress.

Damn.. That can't be.

"Stress ulcer.." sabi ng doctor at yon ang huling nais kong marinig. Baka isipin ni Yance na pinoproblema ko sya.

"I strongly suggest na magrest ka for atleast a week. Complete rest and balance diet. Wag papastress." Sabi ng doctor. "Don't worry, meds lang tayo at pag nagrespond ka na sa gamot pwede na kitang idischarge."

"Salamat po doc.. Pero okay na po ako. Hindi po ba pwedeng umuwi na. May class pa kasi ako.'pwede naman po ako mag paHAMA.."

"No you can't!" Galaiting sabi ni Yance. "You need to rest."

"Oa mo naman." Sabi ko dito.

"Narinig mo ang doctor. Mag rest ka muna! Hindi ako papayag na magtrabaho ka na ganyan ang kondisyon mo. I am thinking na hindi ka na magwork eh."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Hindi ako papayag na mawalan ng trabaho.

"Oo na po magrerest na po."

"Okay.. By the way soft diet ka din muna ha. Rest well. Also, nice meeting you Yuri. I'm Yance cousin." Pakilala ni doc at nakipagkamay.

"Nice to meet you din po doc." Nahihiya kong sabi. Ang gwapo niya at ang bata pa.

"William pag si Yuri di gumaling ipapasara ko na tong hospital na to! Saka sisisantihin kita!" Pagbabanta nito. Natawa lang si doc.

"Sige na Yansilot! Aalis na ako. Bye Yuri.." saka umalis na ang doctor.

Tahimik lang kami nang magsalita si Jo.

"Uhmm ate Yuri, Yance lalabas na mu ako. Bibili lang ng makakain." Sabi ni Jo. Humalik siya sa pisngi ko at kumindat naman kay Yance. Lumabas na siya at bahagya akong bumangon. Inalalayan ako ni Yance.

Pareho kaming tahimik. Napaikot ang tingin ko sa paligid. Nasa isang private room pala kami.

"Yance! Baka hindi ito kayanin ng health card ko!" Bigla kong sabi.

"Okay na hon. Wala ka ng dapat alalahanin." Sagot niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko.

"Eh! May health card naman ako eh. Saka pwede naman sa normal ward nalang."

Nilapat niya ang index finger sa lips ko at napatahimik ako. Nakatingin lang kami sa mata ng isat isa.

"This is nothing hon.." sincere na sabi niya. "I want you to recover very soon.." She kissed me in my forehead. "..para makabawi ako sayo." Halata ang lungkot sa mga mata niya.

"I'm sorry.." sabay naming sabi.

"Hindi ka dapat magsorry.." sabi ko kasabay niya pero English ang sa kanya. "No you shouldn't"

"Pero/But!"

Sabay kaming natigil at natawa.

"Mauna ka na/You go first!" At natawa nanaman kami. Pero biglang sumeryoso ang mukha niya na nakatingin lang sakin.

Damn I missed her so much.

She then closes her eyes and leaned forward. She was about to kiss me when I pushed her face and cober my mouth.

"Why?!" Gulat na tanong niya dahil.napalakas tulak ko.

"Eh! Di pa ako nagtotoothbrush!" Reklamo ko.

"I dont care!" Ngisi niya at hinawakan ang kamay ko para halikan ako. I missed her kisses and I responded back.

Until the door has been opened kaya naitulak ko si Yance.

"Aww sorry! Kala ko nasa hospital ako." Natatawang sabi ni Jenna.

Pumasok na sila kasama niya si Minnah. May dala silang fruits sa basket. Yumakap sakin si Minnah.

"Ate Yuri? Okay ka na ba? Kumusta na pakiramdam mo?" Alalang tanong niya.

"Okay na ako.. Salamat sa pagpunta." Masayang tugon ko sa kanya.

Humalik naman si Jenna sa pisngi ko.

"Ate, sabihin mo lang kung inaapi ka ni Yanski.. Kasi kami bahala sa kanya, pagtutulungan namin yan." Natatawang sabi ni Jenna at binatukan naman siya ni Yance na natatawa rin.

Dumating din sila Anrea at Margot na kasabay ni Jo. Isang oras lang dumating narin sila Nash, Cheska at Allaine.

Mas naging okay ang pakiramdam ko. Ang dami nilang dalang pagkain kala mo may handaan.

"Ang totoo? Nasa hospital ba tayo?" Tanong ni Margot.

"Ano ka ba Margot! Dba nga hindi nakain si ate Yuri kaya siya nagkasakit, kaya ito nagdala kami ng mga pagkain saka syempre ng cake kasi paborito niya." Seryosong sagot ni Nash na medyo natatawa ako. Concern silang lahat. Nakakataba ng puso.

"Wag nga kayong magulo diyan. Baka nasstress na ang hon ko sa inyo." Biglang sabi ni Yance kaya kinurot ko siya. "Aray hon masakit."

"Sus! Ikaw lang naman nagpapastress kay Yuri eh!"'sigaw ni Allaine sa kanya. Napakamot naman si Yance.

"Guys.. Salamat talaga sa pagpunta niyo.. Namiss ko kayo. Promise okay na okay na talaga pakiramdam ko." Masayang sabi ko sa kanila.

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now