15

7.6K 213 4
                                        

Nagising ako nang marahan akong ginising ni Yance. Sinuot ko na uli ang salamin ko sa mata at antok na antok parin ako.

"Ate Yuri, I'm so happy for both of you. Alagaan mo boss namin ha." Agad na sabi ni Nash nong makababa ako ng kotse. Hindi pa ako oriented sa nangyayari dahil antok na antok pa rin ako.

"Yuri, kapag inaway ka ni Yance lapit ka lang samin. Kahit magaling sa mixed martial arts yan, pagtutulungan yan ng tatlong black belter." Sabay turo niya kila Jenna, Margot at Jo.

"Ihanda mo na ang mga mata mo sa pag iyak Yuri. Pero sigurado ako dito, when she loves, she loves." Bulong naman ni Allaine sakin.

"Ate Yuri, tandaan mo isang tawag mo lang darating kami. Kahit nakakatakot yang si Yance mo, basta ikaw nangailangan tatapang kami."'si Jenna. Naguguluhan ako sa kanila.

"Teka, puro kayo paalala sa honey ko ah. Kung pag sisipain ko kayo diyan. Hwag nga kayong magulo." Sabi ni Yance at inakbayan ako na paalalay. Napangiti lang ako sa kanila at may mga inabot na susi si Jenna. Apat at tag anim sa isang kwarto.

Pagkapasok namin sa kwarto mas lalo na akong inantok. Si Yance na ang nagtanggal ng sandals ko at nahiga na ako yakap ang isang unan.

"Alam kong pagod ka. Matulog ka muna." Nakaramdam ako ng halik sa noo at tuluyan ng nakatulog.

====

Yance

I let my queen sleep because I know she is tired from work. Minnah is also.sleeping on the other bed.

We are busy preparing for Jenna at Minnah's night. Jenna is a perfectionist she wants everything to run smoothly.

Haharanahin daw namin si Minnah kaya ito last minute kabado ang gagu. Gitara sakin, drums kay Jo, piano kay Margot. Syempre si Jenna ang kakanta.

Nang okay na ang lahat umakyat na ako uli sa kwarto..kumatok muna ako.at mukhang naka ayos na si Minnah at ang aking mahal ayon at gising na din. Ang hot niya talaga lalo pag bagong gising.

"Kamusta tulog mo?" Tanong ko sa kanya.

"Masarap, liligo na muna ako." Hinalungkat niya ang bag niya at kumuha ng gagamitin. Mabilis lang siyang nag asikaso habang ang hihintay ako. Nakasuot siya ng black na fitted shorts at cream na spaghetti strap. Nagpupunas siya ng buhok.

Nag suot siya na dark blue na blouse na medyo maluwang sa laylayan. Ang cute niya.

Niyaya ko na siya sa baba dahil.maghahapunan na rin.

Habang masaya kaming nagkukwentuhan at kumakain, tumayo ba si Jenna.

"Ahem ahem, pahirap muna ako ng oras nyo. Guys." Tawag niya samin.

"Wait lang hon." Paalam ko kay Yuri at tumungo na rin sa harapan at sinukbit ang gitara.

"Minnah para sayo to. Happy Monthsary." Halatang nagulat si Minnah at hindi niya ata inaasahan na masusurprise siya.

NOW PLAYING: You are beautiful in my eyes.

Napapatingin ako kay Yuri at nakikinig siya sa song. Mukhang natutuwa siya sa kanta. Matuwa kaya siya kapag hinarana ko siya?

Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan sila.

Pagbalik namin sa upuan bigla namang tumayo si Minnah at hinila si Yuri.

"Hoy Olivia akala mo ba ikaw lang ang may surprise! Ako din." Sabi ni Minnah at natawa kami.  Naupo si.Minnah sa may piano at naupp naman si Yuri sa bakanteng upuan.

Si Yuri ang nagsesecond voice. Inaalalayan niya si Minnah lalo na kapag sa duet na part sila.

Ang ganda ng song. Kailan niya kaya ako kakantahan?

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now