10

7.4K 215 4
                                        

Yance

Lumabas na sila dahil nakarinig ko ng ilang hakbang nagmadali akong lumabas at bumalik sa counter.

"Kanina ang init ng ulo ngayon parang mapupunit na pisngi sa ngiti. Nasapian ka ba?" Pang aasar ni Allaine.

"Hindi ako nasapian, masaya lang ako." Parang nabuhay lahat ng dugo ko.

"Ewan ko lang kung magiging masaya ka pa. Look oh." Pang aasar ni cheska at nginuso type yong pwesto nila Yuri.

Damn! Andoon yong mga korean na kumanta at mukhang nakikipagkilala pa sila. Ito pa ang nakakainis dahil nakitable sila at kay Yuri pa talaga tumabi yong isa.

Tuwang tuwa ang mga kasama niya pero tahimik lang siya. Di mo malaman yong iniisip niya.

Nakaupo lang ako sa harapan ng counter habang nakatitig siya di ko tuloy maiwasang uminom. Ito ayaw ko eh ang pagiging selosa ko, well actually pagiging teritorrial.

"Hey, you are so sad darling."  Isang babae ang lumapit sakin na naka red dress. Curly hair at litaw ang cleavage, maputi at matangkad.

Hindi ako umimik uminom lang ako uli at tumabi naman siya sakin.

"Don't be a snob darling, I can make you happy." She said seductively. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at dahan dahan niyang nilapit ang mukha ko nang matauhan ako at malingon kay Yuri.

DAMN IT! She is seriously looking at us. Halos lumagabog ang puso ko dahil sa nerbyos at alam ko nakita niya yon, umiwas siya ng tingin at may inabot na inumin at halos maubo siya.

"What's wrong darling?" Sabi pa ng babae na yumayakap sakin.

"Please leave now!" Mauthoridad kong sabi. Hindi na tumingin sakin si Yuri at umalis na yong babae na padabog.

Napansin ko na parang magsasayawan sila at pinipilit ng korean si Yuri pero may binulong to kay Pearl na nanlaki ang mata at hinila na ni Pearl yong korean na makulit.

Gusto kong pumunta doon kay Yuri.

"Ayan kasi! Landi pa more ha. Kitang kita niya may kalandian ka!" Pang aasar ni Allaine.

"Buti ka nga sayo! Hindi ka makalapit nu." Natatawang sabi ni Nash. Umalis siya ng counter na may dalang iced tea. Pumunta siya kay Yuri at inabot to. Nakangiti si Yuri sa kanya.

"Saklap, mukhang turn off na siya." Pang aasar ni cheska.

Hindi ako makaimik. Naiinis ako. Maya maya may lumapit nanaman sa table nila. Sinungitan ni Nash at nakaturo dito sa counter habang may sinasabi doon sa dalawang lesbian na lumapit sa table nila.

Agad naman niyang hinila si Yuri sa counter.

"Ate Yuri upo ka na muna diyan ha. Hoy Yance anong klaseng manliligaw ka, asikasuhin mo muna si ate Yuri." Mataray na baleng sakin ni Nash.

"I know." Sagot ko kay Nash. "Okay ka.lang ba?" Nag aalala kong tanong kay Yuri.

"She's not okay. Nainom niya yong may tequilla kaya nahihilo siya." Si Nash ang sumagot.

Dumukdok siya sa may counter at nag aalala ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil nahihiya ako.

"Bakit ka ba sigeng tingin sakin?" Masungit na tanong niya.

"Ah eh, ano sorry.. Kasi..ano..ano.."'halos mautal ako at sila Allaine pinagtatawanan ako.

"Inaantok na ko." Mahina niyang bulong.

"Hatid na kita honey." Tugon ko sa kanya.

"Honey your face." Masungit niyang sabi at lalong nagtawanan sila Nash. May taglay din palang kasungitan ang honey ko at ang sama ng tingin niya sakin.

"Honey sorry na." Pilit kong hinahawakan ang kamay nya pero binawe naman niya. Hirap pala nyang suyuin.

"I cant blame her." Nangingiting sabi ni Nash.

Haaay di ko alam ang gagawin.

"Yuri! Ininvite tayo nila koreano, kaso I know you are not in the mood. So ayon, sasama kami nila Drea, tatlo lang naman sila pwede doon sumabay si drea tas tayo sa car ko kaso.."

"I'm not interested. Uuwi na ako..sace ba yang mga yan? Baka san kayo dalhin ha!" Sagot ni Yuri.

"Kakain lang naman kami." Natatawang sagot ni Pearl. "Ikaw ang taray taray mo nanaman ha."

"Sure na ba kayo na sasama kayo sa mga yon baka ibenta kayo."

"Oo naman, friends na namin sila. Ihahatid sana muna namin ikaw kaso ibang way eh..alam ko di ka sasama." Mangiti ngiting sabi ni Pearl na napatingin sakin.

"Hwag na. Kaya kong umuwi mag isa." Masungit na sabi niya.

"No!" Sabay naming sabi ni Pearl.

"Ihahatid nga kita dba" seryoso kong sabi kay Yuri.

"Buti pa nga Yance. Pagpasensyahan mo na tong ate namin ha may time talaga na nasungit yan eh." Ngiting bumaleng si pearl sakin. Ngumiti lang din ako.

"Kunin mo na yong nag mo sa kotse ko."

Sumunod naman si Yuri at sumunod dn ako. Nang makarating sa kotse ni Pearl, binuksan na niya yong compartment at sinukbit ko na yong bag ni Yuri.

"Paki ingatan ate namin Yance ha." Sabi ni Nong drea sakin.

"Ofcourse." Sagot ko.

Nagbeso at nagpaalam na sila kay Yuri.

"You sure you not going to come with us?" Tanong nong korean. Umiling lang si Yuri at umalis na sila.

"Akin na bag ko." Baleng niya sakin.

"Uuwi na kita."

"Hwag na kaya ko namang umuwi mag isa. Doon ka na sa bar mo at baka may maghanap pa sayo."

Biglang natuwa ang puso ko dahil ramdam ko na may selos. Kala ko wala akong epekto sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagpupumiglas siya pero masyado akong malakas para sa kanya. She is so weak and fragile and I want to protect her.

"Sorry na honey ko. Nabadtrip lang talaga ako sa mga korean na yon kanina. Di ko naman inaasahan na may susulpot ee."

"Paki ko ba, bitawan mo na ako." Mahinang sabi niya.

Mas lalo ko siyang niyakap at sinimulang akinin ang mga labi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na gawin yon. Ramdam ko ang pagtulak niya sakin pero mas madiin ang mga halik na binibigay ko. I want to show her how much I love her.

"Yan..ce..ano..ba.." nung magsalita siya yon ang nagbigay ng way para maipasok ko ang dila ko sa bibig niya at tuksuhin pa siya sa mga halik ko kasabay ng mahigpit na yakap. I love her full lips. Hindi ko tinigil ang paghalik ko sa kanya at halos matunaw ang puso ko nang maramdaman kong gumaganti siya sa mga halik ko.

Damn it! She knows how to kiss. Nanlambot ang tuhod ko sa bawat pagtugon niya..pakiramdam ko first kiss ko. Ang tagal nang halik na yon at halos ayaw ko ng tigilan. Halos maghabol kami ng hininga nang bumitaw sa halik. Nakadikit pa din ang noo ko sa kanya. I saw her blushing.

"I love you honey.." sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Alam kong hindi siya sasagot pero sapat na sakin ang mga halik nyang yon para malaman kong gusto niya rin ako.

Magkahawak kamay kaming pumunta sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at inalalayang pumasok sa loob. Nilapag ko bag niya sa back seat at sumakay na rin.

Tinawagan ko muna si cheska.

"Cheska, iuuwi ko muna si Yuri. Kayo na bahala diyan ha." Sabi ko at binaba yong tawag.

"Sa office mo nalang ako ihatid. Doon nalang ako sa quarters matutulog." Sabi niya at mukhang antok na antok siya.

"Matulog ka na muna honey ko." Malambing na sabi ko sa kanya habang inaayos ang seatbelt niya. Isang halik sa noo ang binigay ko sa kanya noong napipikit na siya.

Nagdrive na ako pauwi sa bahay.

Nang makarating di ko na siya ginsing at binuhat ko nalang.

"

I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now