Eto ang ayaw ko sa office kung anu ano ang nariring ko. Na kesyo paano daw nagkagusto sa akin si Yance ni hindi naman daw ako kagandahan di matangos ang ilong ko. Natatawa nalang ako sa kanila. Minsan naiirita narin ako.
Hindi pa rin binabawe ni Cheska yong trabaho na offer niya sa akin at nag iisip pa rin ako kung tatanggapin ko yon.
Client visit pa rin ni Yance ngayon at gusto niyang sumabay sa akin. Gusto daw niya ng surprise visit.
"Yance, sasabay ka ba talaga?" Tanong ko dito at mabilis akong pinagbuksan ng kotse.
"Oo nga hon. Babantayan kasi kita." Biro nito.
"Alam mo Yansibels nakakainis bakit ang ganda ganda mo? Kahit anong isuot mo? Tapos ang kapre mo pa."
"Hon hindi ko alam kung complement yan?" Natatawa niyang sabi. "Swerte mo nga sa gf mo eh."
"Hindi pa kita sinasagot." Pang aasar ko sa kanya.
"Aysus! Doon din naman punta natin." Sabay sundot niya sa tagiliran ko. Pumila naman kami sa elevator at since maaga ang shift ko wala pang gaanong tao.
"Hindi nalang kaya kita sagutin?" Pang aasar ko pag ka press ko ng floor ng elevator.
"Matitiis mo ba ang alindog ko? I doubt it!" Sabay ngisi nya na nakalabas ang pangil. Natatawa nalang ako sa kanya.
Pagbukas ng elevator. Binati siya agad ng guard at nakasunod sa akin sa locker.
"Kawawa ka naman hon, ang taas ng locker mo! Hirap bang maging maliit?" Natatawa nitong sabi sabay agaw niya ng ID ko kung nasaan nakasabit ang susi ng locker.
"Kapre ka kasi!"
"Pero hon, pag kinasal na tayo as possible ayaw ko ng magwork ka sa gabi baka kasi hindi tayo gaano magkita lalo pa ang laki ng hawak ko. Gusto ko kapag nasa out of town at country ako kasama ka."
"Yansibels ko. Di pa tayo pinapaalalahanan kita." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Hay naku hon.. Matapos ang ginawa natin noong rest day mo alam kong akin ka lang. Gusto mo bang maulit kasi ako di ako magsasawang.. Aray!"'kinurot ko siya at di na natapos ang sasabihin.
"Ang halay mo talaga!" Reklamo ko sa kanya at natatawa naman siya. Lumakad na ako at ayon nakabuntot pa rin. Gustong hawakan ang kamay ko pero hindi ako pumapayag. Nagulat naman ang mga agents nang makita si Yance at magalang siyang binati. Ako naman deadma lang at deretso sa station ko. Yong isang tl na naka duty na di alam ang gagawin dahil nakita si Yance.
Nag pupull up lang ako ng tools ko.
"Yance, paanong ikaw ang client?" Bigla kong tanong.
"Ah pinsan ko CEO dapat siya pupunta kaso busy. Eh nag invest ako ng shares nung huling bisita ko kaya ayon ako na daw ang bumisita dito. Mukhang okay naman pag invest ko sa company nila. Bali cousin ko sa side ni Dad. Remember Pierce middle name niya at British si Lola."
"Ay oo nga pala..matagal mo ng nakwento yong family tree niyo."
"Hon, which one you prefer? Asian, european, american tour?"
"Uhmm.." nagisip ako at pinalapit ko siya para bulungan. "Yance tour." Namula naman siya sa sinabi ko. Minsan talaga bet kong kulitin siya.
"Guys VTO! 40 agents." Sabi ng TL.
"What's VTO?" Tanong niya.
"Voluntary time off?" Sagot ko habang busy ako sa pag check ng tools ko.
"Was that whole night?" Tanong niya at tumango ako. Bigla ba namang nagtaas ng kamay ang loko.
"TL si Yuri po VTO!" Bigla nyang sigaw at nagulat ako kaya nagampas ko tuloy sa hita. Ngumisi naman siya sa akin at nagwink.
"Ah sure po Miss Grey!" Agad na aagot ng TL.
"TL Ella! Wag po kayong maniwala sa kanya! Yance naman pasaway ka po!"
"TL Ella sure po yan ha!" Masiglang sabi ni Yance.
"Yes Miss Grey. Yuri VTO na kita. Ako na magsabi sa TL mo."
Wala akong nagawa kundi i-log off ang pc ko. At itong kapre tuwang tuwa naman. Wala pa akong nagagawa uuwi na..nakakalola! Hirap ng napakapowerful ng gf este future gf.
Pumunta kami sa bar niya at pumwesto kami sa favorite vip room.niya.
"Ang sarap nyong tingnan na magkasama."'masayang sabi ni Allaine na may dalang mga alak at kasunod ang waitress na may dalang mga food.
"Ganoon talaga pag inlove sa isat isa." Sabi ni Yance at umakbay pa sa akin.
"Kayo na ang may lovelife!" Sabi naman ni Cheska.
"Hayaan muna natin ang lovers na magsolo." Si Nash naman at nagsilabasan naman sila.
Uminom ako ng juice na.
"Hon, why dont you sit in my lap and lets talk about random things." Bigla niyang sabi at hinila ako paupo sa kanya.
"Uhmm.. Much better kung nakaharap ka sa akin." Nagulat nalang ako dahil hindi ko alam kung paano ako napaupo sa lap niya nang nakaharap. Napakapit ako sa mga braso niya.
"There, much better." Ngisi niya sa akin at ni lick ang lower lip. Ako naman di makasalita.
"Oh! Magtititigan nalang ba tayo?" Natatawa kong sabi sa kanya.
"I love to stare at you hon." Ngiti niya sa akin at natuwa naman ako.
"Ano na plano mo niyan?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Let's make love hon.." mapang akit na sabi niya. Ayon kinurot ko ang nguso. "Ang sadista mo talaga!"
"Ikaw kasi puro ka kahalayan! Kyaaa!" Napasigaw nalang ako nang buhatin niya ako at ihiga sa sofa at pumaibabaw sa akin. Para ko namang nalunok ang dila ko.
"So what now honey?" Mapang akit na sabi niya. Mag sasalita sana ako nang bigla niya akong siilin ng halik. Gumanti ako sa mga halik niya. Kahit kailan hinding hindi ako magsasawang halikan siya. Ang taong sobra kong minahal at hinintay ko ng matiyaga.
"I love you so much honey."
"I love you too Yance.." nakita ko ang paglaki ng mata niya at hindi maipinta ang ngiti sa mukha niya.
"Ang sarap pakinggan hon.. Sobra. Ngayon ko uli narinig yan.." parang maiiyak pa siya.
"Ang alin? Na mahal kita?" Ngiting sabi ko sa kanya at niyakap ako.
"Isa pa hon."
Hinawakan ko ang mukha niya. "I" sabay halik. "Love." Sabay halik. Napapangiti siya. "You." Matagal na halik.
"I love you more hon.." sabay halik sa noo ko. "Tayo na uli ha!"
"Okay.." sagot ko at nanlaki nanaman ang mata nya sabay sigaw.
"Yes! Woooh! Kami na uli!" Binuhat pa ako at inikot ikot ako naman natatawa nalang. Sobrang saya ko rin naman.
This time lalaban ako sa lahat ng aagaw niya sa akin. Hindi ko na hahayaang mawala siya. Alam kong ako lang ang mahal niya..

YOU ARE READING
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...