42

5.2K 155 6
                                        

Nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit. Mas matindi pa to sa sakit na naranasan ko kay Bree.



"Nasan tayo?" Tanong ko kay Bea.



"Sa bahay ko. Tara, pasok muna tayo." Bubuksan ko na sana ang kotse pero nagulat ako ng pagbuksan niya ako. Nginitian ko siya.



"May ganon? Gentle girl ang nais?" Natatawa kong sabi sa kanya.



"Ano ka ba.. Ganun talaga!" Natatawa niyang sagot. "Si Haley hindi ko lang napagbuksan nagalit na sa akin."



Si Haley yong nililigawan niya.


"Kumusta panliligaw mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na.. Ayoko na. Masyado siyang mapaghanap." Agad na sabi nito at hinila na ako papasok. Sa kusina kami pumunta at nasalok siya ng icecream.


"Sweets pang pa good vibes." Sabi nito. Kinain ko naman ang icecream.


"Ano ba si Riley sa buhay ni Yance? Bukod sa siya ang first love nito?" Tanong ko sa kanya. Natahimik si Bea at napatigil sa pagkain ng icecream.


Nakatingin lang ako sa icecream..

"Akala ko, ako lang.." saka tumulo ang luha ko. "She kissed her.."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.



"She loves you Yuri.. Sigurado ako doon. Yong mga tingin niya sayo iba." Seryoso niyang sabi. "Sayo lang naging ganyan si Yance."

"Pero nagawa pa rin niya.."


"There's no perfect relationship Yuri." Napatingin ako sa kanya. "I think Riley was trying to manipulate Yance again."



Naguluhan ako.

"Manipulate?"

"Oo.. Ganun si Riley. Possesive siya at kailangan siya lagi ang uunahin ni Yance. Sobrang mahal ni Yance yon dati. Childhood sweetheart I may say. Pero right after nung highschool graduation, naglaho na siya ng parang bula." Kwento ni Bea.

Nakikinig lang ako sa kanya.

"Nasaktan si Yance ng sobra.. Hindi naluhang magseryoso sa babae dati.. Tas naging kami..pero wala din namang magyari.. Hanggang sa dumating ka. Nagulat nga ako noon kasi pagsundo niya sa akin. Ibang iba na siya. Ang saya saya niya.. Yong mga titig niya sayo, ibang iba. Halatang inlove. Remember she can even kill me." Bigla siyang natawa sa huli niyang sinabi.


Sana nga ako lang.


"Nagiging tanga si Yance minsan dahil kay Riley. Muntik nga siyang mawala sa tropa dahil sa babaeng yon. Alam mo bang hanga kami dahil hindi mo siya pinagdadamot saming mga kaibigan nyo. Bukod doon, ibang iba ka sa lahat. Swerte siya sayo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ipaglaban mo siya. Hwag no siyang isuko Yuri."

Tumulo nanaman ang mga luha sa mata ko.



"Pero paano ako lalaban kung nas mahal niya yon?" Tanong ko.

"Make her realize your worth Yuri."


"Siya ang lakas at kahinaan ko Bea.." napatingin ako sa engagement ring namin. "Sobrang sakit.." patuloy pa rin ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Pinipilit ko pa ring sumubo ng icecream..



Tahimik lang kaming pareho. Hinahayaan niya lang akong imiyak.



"Iiyak mo lang.. Akala ko hindi ka.nga marunong umiyak. Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo.." naputol ang sasabihin niya at napatingin sa pinto ng kusina.

"Hon.. Umuwi na tayo.." narinig kong boses ni Yance. Lalo akong naiyak at hindi ko magawang lumingon sa kanya.

"Yance, nakita mo ba ang ginawa mo.. Sinaktan mo ng husto si Yuri. She doesnt deserve this pain!" Inis na sabi ni Bea.

Narinig ko ang hakbang ni Yance at tumayo si Bea. Hinila nya ako at tinago sa likod niya. Ang lungkot ng mukha ni Yance.

"You'll not going to take her para lang masaktan!" Depensa ni Bea.

"I know I was wrong. Sorry, sana mapatawad mo ako. Hindi ko naman gusto yong nangyari. Ayaw kong masaktan ka Hon..Mahal na mahal.kita at alam mo yan. Please uwi na tayo." Seryoso niyang sabi patuloy lang ako sa pag iyak hindi ko alam ang sasabihin ko dahil ang sakit pa rin.

"Si Riley, sinabi lang niya sa akin ang totoo kung bakit siya umalis. She's sick." Buntong hininga ni Yance. "She wants me back.. Pero hindi ako pumayag dahil past ko na siya at ikaw ang present at future ko. Sorry Yuri, sorry dahil nasaktan nanaman kita.. Please wag mo akong iwan." Nakita ko ang luhang pumatak sa mga mata niya at awtomatiko akong tumakbp para yumakap sa kanya. Ang higpit ng yakap niya sa akin at gayon din ako. Yong pakiramdam na natatakot mawala sa isat isa.

"Thanks hon.. I love you so much.." bulong niya sa akin at hinalikan sa aking ulo. Nakayakap lang ako sa kanya at nakasubsub sa dibdib niya habang patuloy na naiyak.

"Sa susunod na saktan mo uli si Yuri, wag ka ng magpapakita!" Seryosong sabi ni Bea. "Siya ang babae na hindi mo dapat saktan. Lumayo ka kay Riley. Sinasabi ko sayo Yance, marami ang naghihintay na maging single si Yuri.. At isa na ako doon. Sige umalis ba kayo. Yuri.. Ingatan mo ang sarili mo." Marahan niya akong hinila para yakapin at halikan sa noo. Shes a good friend. Alam ko nagbibiro lang siya sa sinabi niya.

"Thanks Bea." Sabi ni Yance at hinila na ako palabas.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Ang sakit ng ulo ko dahil sa pag iyak. Isasandal ko na sana ang ulo ko sa gilid ng magsalita si Yance.

"Mahal ko.. Dito ka sa balikat ko sumandal." Malambing na sabi niya at marahan naman akong sumandal sa balikat niya hanggang sa nakatulog ako sa sakit ng ulo.



=======

Okay naman ang mga nangyari ng sumunod na araw. Hindi na namin pa napag usapan ni Yance.

Masaya kami pero parang may mali..

Ito nanaman ang kutob ko.

Sana ako lang ang mali.

========

Binaliwala ko ang mga iniisip ko at tinuon ang pansin sa pagluluto para pag uwi niya sabay kaming kakain. Bihira lang ako magluto pero sana magustuhan niya ito.

Dumating na siya at halatang pagod na pagod. Late pa dahil halos 11pm na.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Busy lang sa work hon." Sagot niya sa akin. Ako na ang naghubad sa sapatos niya. Medyo amoy alak siya.

"Uminom ka?" Kunot noo kong tanong.

"Medyo. Dumaan kasi ako sa bar. Chineck ko lang kung kumusta na." Naghuhubad na siya nang mapansin ko sa leeg niya..

"Ano yan?" Tanong ko dito at tiningnan sa malapitan. "Hickey?!"

"Hindi. Kinamot ko yan kanina. Sobrang kati kasi." Walang ganang paliwanag niya. "Papagod na ako hon. Gusto ko ng matulog."

"Hindi ka muna ba kakain?" Tanong ko.

"Hindi na katamad eh." Humilata na siya sa kama ng hindi nagsusuot ng pantulog.

Bumaba nalang ako para kainin ang niluto ko. Naiinis ako sa kanya! Gusto.ko siyang awayin pero baka pagod lang talaga. Naiinis ako sa kung ano man ang nasa leeg niya. Habang kumakain ako, tumulo nalang ang luha ko.

Ano na ba ang nangyayari sa amin?

I've Been Waiting For You (GxG)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant